-
Melanie's Pov
Days have past ay naging ilag na ako Kay Xzavier. I don't know why? Siguro dahil sa nangyari nong isang Gabi at yung biglaang pagiging bruha nong Angel na yun. At isa pa nakakapagtaka lang dahil pa iba-iba kasi yung ugaling ipinapakita niya Sakin eh. And it's been a month working here being his maid.
Wala namang pinagbago except sa bangayan namin na puro walang sense at wala nga pala siya ngayon dahil may business trip daw.
Tungkol naman don sa nangyari nong isang gabi,kinabukasan kasi non umalis si Xzavier para sa business trip Kaya di kami nakapag-usap about sa nangyari.
Tas tumawag din sakin si Tita Jayne na mommy ni Xzavier na next month daw uwi nila kasama si Tito Javier.
Kasalukuyan akong naglilinis sa Loob ng kwarto ko dahil sa boredom. Kakatapos ko lang kasi maglinis sa buong bahay nila Kaya imbes na magpahinga ay naisipan ko pang maglinis sa kwarto ko.
Nahinto ako sa pag aayos ng kama ko ng magring cp ko.
*Kringg *kringggg *krinng----
Sinagot ko na agad at hindi na nagpatumpiktumpik pa.
"Hello?.."Bungad yan sa kabilang linya. Napatahimik naman ako at tinignan yung caller. Nang malaman ko na siya pala ay napabuntong hininga nalang ako.
*Sigh*
"hmn?.."sagot ko.
"Jade..."tawag niya Sakin.
Nagpigil hininga naman ako at nagsalita na. "Ano ba kailangan mo Renz? May Sofie kana diba? Can you please stop calling me!.." inis ko nang sabi.
Ano pa ba kailangan niya? Ikakasal na siya diba? Bakit pa siya tumatawag ? Haistt.
"I'm sorry ... Sorry for what I have done..sorry Jade ko kasi di man lang ako nakapag explain sayo noon.. sorry kasi di man lang Kita kinausap noon... Sorry kasi dina ako nagparamdam sayo pagkatapos ng nangyari noon..."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang sinasabi. At diko namalayang lumuluha na pala ako. Tahimik akong napahikbi at dahan dahang pinahid yung mga luhang sunod sunod ang agos sa mukha ko.
"Jadee.. My Jadee... Jade koo... I missed you ... I really do... Forgive me please...Sana mapatawad mo na ako... Namiss Kita Jade ko.. Sobrang miss... You know Jade I stil--"
"STOP! "sigaw ko sa kabilang linya. "Stop it now Renz.. tapos na lahat yun Renz .. Kaya wag mo nang balikan pa. I move on so sana Ikaw din. Renz ikakasal kana for Pete's sake! May anak kana! Kayo! Kaya Renz stop living from the past .. If you say you still love me? I'm sorry I don't love you anymore... No moree..." Mahabang litanya ko Bago ko inend yung tawag.
Humiga ako sa kama at kinuha yung unan sabay takip Ito sa mukha ko. Don ako humagolhol ng Iyak dahil ang sakit. Pagkatapos nang ilang taon na ang lumipas ay mapapatawad ko agad siya sa paghihingi niya ng pasensya? Ano? Ganun naba kadali iyon?
'Renz Kent Cozon You don't know what pain I overcome back then. So please stop bothering me. Just move on and be happy.' sabi ko sa kawalan at di namalayang nakaidlip pala ako.
***
Napakahimbing ng tulog ko at naalimpungatan ako nang may maramdaman akong kiliti sa taenga ko kaya kinamot ko Ito. Tumagilid ako at nakaramdam uli ako ng kiliti sa kabilang taenga ko.
Di Kona lang Ito pinansin ngunit may narinig akong hagikhik ng bata.
"hihihi.. look Tito she's still sleeping.. "Hagikhik na sabi ng isang batang babae.
"Ssshh stop bothering her Ysabell.."Rinig Kong sabi ni Xzavier. Wait? Xzavier?!!!
Napabangon naman ako agad at Bumulagta sa akin ang isang gwapong nilalang na buhat buhat ang isang batang Anghel. Kita ko Yung gulat sa mukha ni Xzavier at ngiting-ngiti naman yung batang babae na karga niya.
"Your awake. I'm sorry for bothering you Jade. "Mahinang sabi niya at nakatitig lang sa akin. At ako naman ay nakanganga lang bat lalong mas pumogi pa Ito? Shet Lanie..Isang week lang kayo di nagkitakita! Anong kagagahan na naman to? At san mo napulot yang ganyan-ganyan na yan. Oh my! I'm out of my mind!
Teka, bat nandito na siya agad? Akala ko ba may business trip to? At Kailan pa siya dumating? sino tong batang bitbit niya?
A/N: Sorry if magulo, please leave your feedback.. I need it now. Para naman ganahan akong mag UD.
By the way guys I have so many incoming story sana basahin niyo rin yun. Thanks sa support guys
CuteDNA
YOU ARE READING
Maid of Mr. CEO
Teen FictionThis STORY is about the girl became a maid of an C.E.O. They both hate each other. Xzavier Love pissing her. lagi niyang pinaprank si Mellanie kaya minsan pag na puno na itong si Mellanie ay gagawa siya ng paraan para makapag revenge lang. Sa tingi...