1

16 2 0
                                    


---

"Mikee, please stop it! Hooy! Baka makita tayo ng Dean!" Vanna's fidgeting looking at the hallway. She tried to pull me ngunit tinampal ko lang ang kamay niya at pinagpatuloy ang ginagawa. I am so pissed right now because I saw them flirting in the hallway. Walang sinuman ang makakapigil sakin. Mabilis ang kabog ng dibdib ko, not because I am scared but because I can't contain my anger.

Damn that Maria! Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako! Sht sht sht! I want her to die!

Kinuha ko ang gunting at pinagpatuloy ang paggupit sa mga plates niya at maging and PE uniform ng babaeng kinasusuklaman ko sa lahat. Sinunod kong kunin ang kanyang libro at tinapon sa basurahan. The bell keeps ringing, hudyat na na kailangan na naming bumalik sa aming room.

"Mikee ano ba! Balik na tayo!"

"If you're afraid to be caught edi sana hindi kana sumama pa!"

"Ba't ba kasi pinag-iinitan mo si Maria?! Ang bait bait nong tao tapos binubully mo!"

"Fvck Vanna! Stop mentioning her name!" I shouted at her at saka pinagpatuloy ang ginagawa. Umalis si Vanna at iniwan akong nagngingitngit sa galit. I'm not satisfied doing these things.

I want her to suffer.

-

"Girl! You're sooo evil! Nagawa mo iyon? Nakakaproud ka!" Natatawang saad ng kaibigan kong si Paul, but he preferred being called Paula. Uh, feeling babae siya. We're in a cafeteria at kwinento ko sa kanila ang ginawa kong paggupit gupit sa damit ni Maria.

"I know right!!"

"So tell me, what's your next plan?" Umayos ako ng upo at bahagyang nag-isip. Nilibot ko ang paningin ko sa caf baka sakaling makaisip ng magandang idea, no avail.

"I want her to transfer school Pau, what do you suggest?"

"Mikee ano ba!"

Gulat kaming napalingon kay Vanna. "Stop it na nga! It's not funny anymore."

Napairap ako sa sinabi ni Vanna. She's acting like a saint again.

"Van, Mikee's ideas are great! Nakakainis naman kasi yang si Maria! Halos lahat ng senior nagkakagusto sa kanya at ang worst pa, boyfriend niya pa si Zaizen! Ang kapal ng mukha." Paula said and immediately drink his juice.

"Eh ano naman ngayon? Dahil lang dun gagawa kayo ng paraan para matransfer siya ng school? What is this? A child game?!"

"OMG Vanna! Nasaan ba ang loyalty mo? Nasa amin ni Pau o nakay Maria?" Napataas ako ng kilay nang makitang umismid lang siya. "Stop preaching as if you're a saint. Wala kang alam kaya tumahimik ka."

"Im just telling you to stop this lil game of yours! 2nd year college na tayo! What you're trying to do Mikee is very childish!"

Nagpupuyos na ako sa galit. Umirap sakin si Vanna kung kaya't tumayo ako at kinuha ang aking juice. Binuhos ko ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"OMG MIKEE! WHAT THE EFF?!" Sigaw ni Vanna at nasa amin na ang atensiyon ng mga nasa caf. Maging si Paula ay napatayo at napanganga.

Hindi kita kinaibigan para barahin ako sa mga plano.

"No one's gonna tell me what to do. Not even you Vanna." I said coldly at tinalikuran na sila ni Paul na agad din namang sumunod sa akin, naiwang windang at gulat pa rin si Vanna sa ginawa ko.

"Bitch." Rinig ko mula sa caf at lumakas pa ang bulung-bulungan.

"Witch!"

"Pati kaibigan niya, binubully niya!"

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon