5

10 2 0
                                    


Chapter 5:

-----


"I told you. You didn't listen to me."

Zorein eyed me. I asked him to meet me dahil wala na akong matawagan pang iba. Kita ko ang awa sa kanyang mga mata as he lit his cigarette. The clouds are turning to grey. Mukhang katulad ko, malungkot din ang langit.

Nakaupo si Zorein sa hood ng kotse niya at napapatingala sa langit. Nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likod bilang suporta. Nagagawa niyang bumuga na naman ng panibagong usok habang iyak lang ako ng iyak sa harap niya.

"Zorein." I walked towards him hanggang sa lumiit ang espasyo naming dalawa.

"What are you doing?"

Nasa pagitan ako ng hita niya at nakatingin lang ako sa kanya. Hindi tumitigil ang mata kakaiyak. He became uneasy but I am desperate. He really looked like Zai. Gustong-gusto ko nang yakapin si Zai. Gustong-gusto kong marinig ang mga assurance at promises niya.

"Fvck. Stop crying." Bumuga siya ng usok sa gilid.

"Hug me. Pretend that you're Zai." I said pleadingly. Nabigla si Zorein sa aking sinabi. I am so pathetic, kung dati sinampal ko siya dahil nagpanggap siyang Zai, ngayon ako na mismo ang humihiling na magpanggap siya.

"You're hurting yourself even more Michaela." He said almost a whisper. Tinapon niya ang sigarilyo at umigting ang kanyang panga.

"Please."

Humagulhol na ako. Mabilis na niyakap ako ni Zorein. I'm trying to search for that warmth that I always feel whenever Zai hugged me. I'm searching for that love, the connection, the spark. Fvck!

"Shhhh."

"I love him. He told me that he loves me." I said trying to assure myself na baka lasing lang si Zai at dala ng alak kaya naghalikan sila nong babae.

"He's an asshole."

"Ano nang gagawin ko. Mahal na mahal ko siya."

"Words are just words. They don't mean without action. So? Ano ngayon kung mahal ka? Eh may mas mahal na –"

"ZOREIN PLEASE!" Tangina. Sadista din tong gagong to! Palagi niya nalang pinapamukha sakin ang realidad!

"I'm just telling you the truth. Ganon naman talaga di ba? Mas masakit ang katotohanan."

"Help me." I said desperately. Lumayo ako sa kanya saglit. Tumaas ang kilay niya. "I'm going to Manila ngunit di ko alam kung san siya. I need to see him."

"Ibang klase ka rin. Nasa harapan mo na nga ang katotohanan, sige ka pa rin nang sige." Ngumisi siya ngunit naroon pa rin ang awa.

"Mahal ko eh."

Nagkibit-balikat si Zorein at hinila ako palapit sa kanya initiating the hug. Ano pa bang rason ang sasabihin ko? Ba't ako nagpapakatanga ng ganto. Sympre mahal ko yung tao. Martyr na kung martyr, mahal ko. Ganon nga siguro pag nagmamahal ka. Kahit ano pang masamang narinig mo tungkol sa kanya, pag mahal mo tatanggapin at tatanggapin mo siya.

Zorein embraced me until I no longer feel the hollows and the sadness that crept in me. But I still am, empty.

The next day, lumuwas ako ng Maynila with Zorein at pinuntahan si Zai. Zorein told me to text him after kong makausap si Zai.

I was pacing back and forth in front of Zai's condo unit. Until I have the courage to do so, I pushed the doorbell. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Zai.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon