17

11 1 0
                                    


CHAPTER 17:

--

"Bakit di mo sinabing dalawang Greek God pala ang pwede kong pagnasaan!"

"Pau, get over it, okay?"

Naiirita na ako kay Paula. Natapos na lang ang klase namin hanggang sa makarating kami sa Mall para magshopping ay si Zorein parin ang bukambibig niya. Eventually, nalaman niyang may kambal si Zai dahil nakita niya kaming magkasama at nandoon din pala siya sa restaurant kung saan kami kumain ni Zorein. He barged and asked me about him which is akala niya si Zai. But Zorein formally introduced himself at halos mag hyperventilate si Pau nong gabing yon at kulang nalang umupo siya sa table namin.

"Grabe. Ni hindi man lang kumalat na may kambal si Zaizen. Bakit di sila magkasama? Atsaka 4th year na si Zai. Bakit siya ay 3rd year pa lang?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Pau na katulad ko'y may mga bitbit na paperbags. "Zorein is a private person Pau, okay? He's not like Zai. So kung pwede lang, irespeto natin ang privacy nong tao."

Napanguso si Pau. "Pero bakit kayo magkasama non? I thought si Zai ang ex mo?"

"We were having a dinner. Zorein is a friend.''

Nanliit ang mata ni Paula at mataman akong tinignan. "Friend lang talaga? Sure na talaga yan? Kasi si Zorein Ramirez na ang panibagong crush ko!" Tumili-tili si Pau. "Hes sooo hot! Kita mo yung braso at katawan niya?! Shit! Magpapagahasa talaga ako sa kanya!!"

Napahilamos ako ng mukha. Ito na nga ba ang sinasabi ko. But I don't blame Pau because that night with Zorein proves me that he's a head turner. Pagpasok pa lang namin sa restaurant ay may mga napapalingon na sa kanya. But he's lowkey at napatunayan ko talaga iyon. We settle in a corner of the restaurant na di masyadong crowded.

It wasn't an awkward dinner because Zorein is Zorein. Kahit mukha siyang walang pakialam at walang kwentang kausap, in the end, he managed to ask me about my day and my troubles. Even our silence isn't awkward at all. It was actually peaceful and comforting until Pau saw us and intrigued Zorein..

"May girlfriend na ba siya?! Pakisabi sa kanya na pwede ako! Kyaaaah! Isang gabi lang talaga sa kanya, payts na!"

Ghaaaad! Napailing nalang ako sa takbo ng utak ni Pau at dumiritso na kami sa isang fastfood kung saan nandoon si Vanna. But the Pau's question bothers the shit in me. Knowing Zorein, may girlfriend nga ba siya?

"Bakit dito talaga sa Jollibee Vanna? Pwedeng sa Itadaku tayo kumain?"

Pinagtitinginan na kami. I'm wearing a body hugging skimpy dress at nakashort shorts si Paula with his heels and make-up at halata masyadong di kami nababagay sa lugar na to. There are kids at maraming tao. Pinagpapawisan pa ako.

"Gusto ko kasi talaga ang spaghetti nila dito!"

"We can take out." I said but Vanna just shrugged. Nagtinginan kami sa pagiging childish ni Vanna at pagod na nagkibit balikat. In the end, inenjoy ko din naman ang chicken nila kaya di na ako nagreklamo pa. I'm itching to go but its rude to just leave them behind. Maraming kwento si Vanna about her trip in Nepal dahil nagvolunteer siya for a week to give aid and all na di ko na masundan pa. She's so religious at masyadong mabait which reminds me of my friend Risa. The convo went on and on until..

"Magsimba tayo. May 10 pm mass ang simbahan malapit dito."

Pareho kaming napatigil ni Pau.

"Van? Nakikita mo ba ang suot namin?" Tinuro ni Pau ang suot niya at ang suot ko. Unlike us, Vanna's in her usual dress. Jeans and t-shirt. Kasi sinabi na niyang di siya sasabay sa clubbing because she's not in the mood.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon