6

7 0 0
                                    


Chapter 6:

---

I was a total mess. Everyone in our school maskin sa dating university niya knew that Zai and I broke up. Maraming nagtaka, maraming di makapaniwala at maraming nalungkot. Sa aming dalawa, ako ang pinakaapektado.

After that confrontation I had with him, naging official na sila ni Maria. It was written all over the social media. Nagkalat ang kanilang mga photos at araw-araw akong umiiyak sa sakit.

"What are you doing Michaela Keera?! Stop stalking them! Sinasaktan mo lang ang sarili mo lalo!" Inagaw ng ate ko ang aking laptop at tinurn-off ito. Nanghihinang sinundan ko siya ng tingin na frustrated na rin sa pagiging mahina ko.

"Ate..." Humagulhol ako. "Ang sakit..sakit. Sabi niya mahal niya ako? Sabi niya ako lang.. We have so many plans together. Pero bakit ganon?"

Napaiyak na rin si ate at dinaluhan ako. Awang-awa siya sa akin. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari samin ni Zai. Masyadong biglaan. Masyadong mabilis. Wala man lang warning.

I could have seen it coming. Damn it!

The damaged it caused me was unimaginable. Hindi nako pumasok sa school for the last month of our schooldays. Ni hindi ako nagpasa ng requirements para pumasa. My mom and dad was worried sick sa nangyari. They demanded to talk to Zai's family pero ako na ang nagmakaawa na wag idamay sina tito at tita.

"Please dad! This is between me and Zai."

"Hindi magugunaw ang mundo Kee dahil lang hiniwalayan ka ni Zai! For God sake you are just 18!" Humagulhol na ako sa harap ng pamilya ko. Wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak. Niyakap ako ni mommy and Ate. I can't help it. Nasaktan ako! Buong-buo ako pero wasak naman ang puso ko.

I didn't know kung anong ginawa nina Dad dahil nakagraduate pa rin ako. I stayed whole summer in my room. I deactivated my social media accounts and created a private one sa Instagram. Bilang lang sa daliri ang finollow ko at mga followers ko dahil nakafilter ito. Iniwasan ko lahat maging ang aking mga kaibigan.

Paulit-ulit na pumupunta si Mommy sa room para sabihing naroon ang aking mga kaibigan at nag-aalala sila. But what can I do? Hindi ko sila kayang harapin.

Naaalala ko lang ang mga kamalian ko at mga maling desisyong nagawa ko. I'm not the same Mikee na masayang haharap sa kanila. Ayokong kaawaan. Ayokong pagtawanan.

Umiling ako kay mommy.

"But Kee, you have to atleast talk to them!"

Walang nagawa ang pamilya ko at hinayaan nalang ako sa gusto ko. I shut myself to the world. Tanging pamilya ko lang ang karamay ko sa panahong lugmok ako. Others will think that I am overreacting, but what do they know?

18. Young huh?

Yung pakiramdam na nakaset na lahat ng gagawin mo kasama ang taong tinuring mong mundo tapos mawawala at magugunaw lang lahat ng pangarap mo dahil lang di kayang manatili ng taong yun sayo?

No one understands the pain I'm going through so I grieved silently.

Everynight, I'll die symbolically, but still, I chose to grieve silently.

The worst part of this phase is when you're dreaming with a broken heart, the waking up is the hardest part.

"Malapit na ang pasukan. San mo gustong mag-aral? Tuloy ka parin ba sa Manila?"

Dad asked me habang nasa hapag kaming lahat. Manila? Kakayanin ko bang bumalik doon?

"I don't know Dy."

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon