14

6 0 0
                                    


Chapter 14:

---

"I am very disappointed to you Ms. Jimenez!"

"Dean, hindi naman po mangyayari yun kung hindi sumugod yang dalawang yan kay Michaela!" Rason ni Pau at tinuro ang dalawang ingrata na tahimik sa gilid.

So the blame is on me dahil saming tatlo,ako lang ang maayos ang hitsura, samantalang ang dalawa ay puro sabog ang buhok at may bakas ba ng iyak sa kanilang mga pangit na mukha.

Hinawakan ko ang kamay ni Pau para pigilan siya. Gasgas na ang imahe ko kay Dean at nakita niya pang sinasabunutan ko kanina ang dalawang iyan. May pinakitang video sa kanya ngunit ang tanging nakuhaan lang ay yung paghatak ko sa dalawa.

Kaya't alam ko na kung kanino ang sisi nito.

Dahil na rin sa nangyari, hindi ako nakattend sa final practice sa gym at maging si Matt at Pau ay naantala rin.

"I'm gonna call our family lawyer Ma'am. Siya nalang po ang magpapaliwanag."

"I don't need your lawyer Ms. Jimenez. Your action is very alarming kasali ka pa naman sa pageant. You should be a role model and an inspiration to your fellow students."

Nagtangis ang aking bagang sa narinig. "Maam, with all due respect. You can't expect me to stay still and remain humble and all the shit kung naagrabyado na ako."

"Even so. Nakasakit ka ng kapwa mo Ms. Jimenez and that should not be tolerated. I'm giving everyone here a one week community service and a 3 days suspension."

Fvck.

I don't understand the logic of these all. Ano bang gustong mangyari ng Dean? Hayaan kong saktan at agrabyaduhin ako? How about the two ugly duckling na sumugod pa talaga sa akin? Are they not going to scrutinize the two?

I should be a role model and an inspiration? Fighting for your right and not letting other people stomp you can be an inspiration to everyone!

Ugh! Role model my ass!

"Okay na rin itong suspension at community service kesa madisqualified sa pageant." Bumuntong hininga si Pau. "Marami na tayong nasakripisyo at mga preparasyon for the pageant kaya't di pwedeng masayang lang."

"Sige lang, next sem pa naman ang effectivity ng suspension at after midterm naman ang community service."

Matt just pat our heads to assure that everything will be fine, pero di naibsan non ang inis ko. We all went home that day feeling exhausted. But I won't let the incident stop me from winning. Ngayon pa na marami akon rason para manalo. Ilalampaso ko si Maria at ipapakita ko sa mga lipores niya that I am not just a pretty face, at yun yung wala sila.

"Bukas na ang pageant mo, Mikee di ba?" Nopi, a gym instructor stand next to the hammer strength machine kung saan ako nakaupo at pokus sa pagtaas baba ng bawat side nito.

"Yep."

"Then why are you here? Dapat beauty rest kana ngayon."

Diversion.

"Pinapaalis mo ba ako sa gym mo Nop?"
Tumigil ako sa ginagawa at matalim na tinignan si Nopi na tumatawa.

"Hindi no! Siyempre dapat nagpapahinga ka na ngayon. Your body is in good shape. Infact you have all the right curves, so I guess panalo ka na."

Napailing akong nangingiti. "Panalo na talaga ako. Ako pa ba?"

Inasar lang ako ni Nopi saka umalis. I watched him guide and help others in lifting o di kaya'y tamang formation ng katawan. Nopi loves going to the gym so much na ginawa na niyang negosyo at inaral maging gym instructor. Minsan ko na siyang nakwakwentuhan at binahagi niya na rin sa akin ang rason kung bakit siya nagtayo ng gym. He was mocked and being bullied before for being obese, kaya't ginawa niya ang lahat para pumayat at maging maskulado.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon