2

15 2 0
                                    


Chapter 1:

--

"Kee! May naghahanap sayo sa labas! Ang gwapo!" Sigaw ni Chary sa akin. Napakunot noo ako nang makitang mas naexcite pa ang mga classmate ko at naunang lumabas. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin?

Tumayo ako mula sa kinauupuan dahil nacurious din ako just to see a college student standing outside our room. Nalaglag ang panga ko sa nakita. OMG!

Zaizen Ramirez.

"Michaela." He said at kumalabog na nang husto ang aking puso. Gusto kong bumalik sa loob ng classroom para icheck man lang ang mukha ko pero nag-ugat na ata ako saking kinatatayuan.

My crush is standing here in front of me. OMG!!

Pinagtulakan ako ng mga kaibigan ko dahilan upang mapalapit ako sa kanya nang tuluyan. Ngumisi siya at nagtilian na ang mga kaklase ko as he handed me a rose.

"Zai."

Zairen is a first year engineering student. He's popular dahil hindi lamang siya gwapo kundi achiever din. Everyone likes him kung kaya't lutang pa rin ako kung panong nandito siya sa building naming mga grade 11 with a rose in his hand and killer smile with him.

"Can I borrow her for a moment?" Zai asked to my friends.

"Oo! Kahit wag mo nang ibalik." Sigaw pabalik ng mga kaibigan ko dahilan para hilahin ako ni Zai at dinala sa may kiosk.

"Uh." I don't know what to say. Zai just stared at me at di ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking tingin. Naglalaro sa kanyang mukha ang ngisi at tuwa. Umiwas ako sa kanyang titig. OMG! This is awkward.

"You're staring too much." Napanguso na ako. Pulang-pula na siguro ang mukha ko. Tumawa si Zai. Pati tawa niya, nagmistulan nang musika saking pandinig.

"You're so beautiful."

Ugh. College boys and their words. Control your self Kee! I said to myself, pero di ko parin maiwasan ang hindi ngumiti.

"Bolero."

"I said you're beautiful. I'm not bluffing." Umupo ako but Zai remain standing. He towered me but I keep my distance dahil nahihiya ako. May mga dumadaan pa naman at napapatigil saka tinitignan kami.

"Bakit tayo nandito?" I asked trying to avoid eye contact dahil kanina pa talaga siya nakakatitig.

"I want to be alone with you." Diritso niyang saad.

"Huh?"

"I wanted to court you Kee."

Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Zai but he's just there staring at me na para bang kinakabisado niya ang bawat expression ko.

"I don't... I don't.."

Tumawa siya at bahagyang yumukod para maging pantay ang mukha namin. I really can't hide my adoration towards this guy. Even before I was just a junior, started when I was in Grade 8, crush ko na siya. He's the talk of the school. He's popular.

He's not just a boy with a beautiful face, he has substance. He's too perfect not to noticed. Matangkad, mayaman at matalino. He's not that typical student. He's kinda snob, may pagkasumplado and he has this air that you don't want to mess up with him.

Kaya't nakakapagtaka kung bakit narito siya sa harap ko at sinasabi ang lahat ng ito.

"Masyadong mabilis naman ata. "

I stared at him trying to find anything that tells me that he's just joking. But I see none. Even if Zai is my my alltime crush, masyadong mahirap makalapit sa kanya dahil marami ang lantaran kung magpahayag ng damdamin sa kanya. I met him formally last month when he attended the birthday of my cousin Jacko.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon