10

7 1 0
                                    


Chapter 10:

---

Mabilis kumalat ang balita. Isang araw pa lang ay kumalat na ang sinabi kong ex ako ni Zai. Gulat na gulat si Paula at nagtampo pa kung bakit di ko sinabi sa kanya. Naging talk of the school ako dahil sobrang sikat pala talaga ni Zai sa university. Nagulat pa ako nang may ipinakitang facebook acc sakin si Pau at tinanong kung ako daw ba ito.

"I'm not into facebook. Wala akong social media acc." Pagkaklaro ko.

"Ay? Saang bundok ka galing?! Gumawa ka na ng account!"

Nakakapagtakang kahit wala akong facebook account ay nakakuha pa rin sila ng mga old photos ko at maging ng mga latest photos ko. May mga prenisentang poser at dummy account sakin si Paula confirming kung ako ito ngunit pauli-ulit lang ako sa pagpaliwanag na wala akong account.

Dahil sa nangyari, maraming nakiisyuso at nagtanong kung pano nagsimula ang lovestory namin at inimbitahan pa ako ng editor ng publication ng school para sana interviewhin ngunit umayaw ako.

"My life is not an open book. Matagal na kaming tapos ni Zai."

"Miss Michaela, everyone is very curious kung panong naging kayo, ilang taon naging kayo at bakit kayo naghiwalay?"

Nilampasan ko ang mga pilit nagtatanong sa akin. Lumipas ang ilang araw hanggang sa matapos ang first year ko. Hindi nako kinontact ni Zai hanggang sa magsummer. Maging nong birthday ko ay wala akong natanggap na bati mula sa kanya. I was frustrated pero pinalampas ko nalang. Hindi na rin akong umasa na kokontakin niya ako dahil pagkatapos ng ginawa ko sa caf ay sinugod niya ako at nag-away pa kami.

"Why did you do that?!"

"Because I want them to know my significance in your life!"

Napahilamos si Zai at frustrated na hinarap ako. Nasa parking lot kami at buti nalang ay wala na halos estudyanteng dumadaan.

"Kee, you are important to me. You are part of me pero you have no right to humiliate me in front of my friends!"

"Fvck Zai!" I shouted at him. "So we're talking about humiliation here huh? Bakit sa tingin mo hindi ako napahiya sa lugar natin?! You humiliated me when you broke up with me! I was embarrassed because I was protecting you even if everyone is telling me how douche you are!"

Pulang-pula ang mukha ko sa galit at inis. Kahit noong kami pa ay hindi kami umabot sa gantong puntong nagsisigawan na dahil sa galit. We were able to control ourselves whenever we're too pissed with each other. But right now, gusto ko nang sumabog sa inis!

"I said I was sorry. Nagsorry na ako-"
I cut him off. "Sorry? You think a simple sorry will make everything alright?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Your sorry cannot change the story Zai! Ginago mo ako when all I ever did was loving you!"

Napapikit si Zai at humakbang palapit sa akin ngunit umatras ako.

"Kee, what I'm asking you is to give me enough time."

"Anong time ba ang gusto mo Zai? We were fooling each other! You're making me your option!"

He clenched his fist. Oh no no! Kung galit ka mas galit ako!

"I still love you though. Just come back to me at kakalimutan ko lahat ng ginawa mo. Break up with her Zai and we can be happy again."

Desperadang saad ko ngunit umiling lang siya.

"I can't leave her. I love her."

Napapikit ako sa sakit na bumalatay saking sistema.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon