Gabi ng ako'y makauwi galing school. Walang bago sa bahay. Ako padin magisa. Aanhin ko naman ang laki ng bahay nato? kung ako lang ang nakatira. Ayoko ng may katulong kaya ako lang talaga dito depends nalang if magpapalinis ako ng bahay.
Pagkatapos kong maisara ang seradura ng pinto ay umakyat na agad ako patungo sa aking kwarto. Tinamad na akong kumain kaya bukas nalang sa umaga. Naginternet nalang ako magdamag hanggang sa nakatulugan ko na ito ngunit bago ko isara ang talukap ng mga mata ko tinatak ko muna sa isip ko na maaga dapat ako gigising para bukas.
MAAGA pa sa inaasahan ko ang paggising ko dahil 3:23 am pa lamang ay nagising na ako marahil alas sais na ako ng makadating sa bahay at alas nueve na ako nakatulog. Yan ang depinasyon ko ng magdamag. Agad naman akong bumaba at pinrepare ang breakfast ko. Matapos ang pangmalupitang ritwal ay umalis na ako sa bahay namin at siniguradong walang nakakita sa pag alis ko.
Walang saysay ang pagiging nerd ko sa school kung malalaman nilang gantong klase ng pamumuhay ang meron ako. Nakarating ako sa Bergs Academy ng higit pa sa aga na inaasahan ko malamang makakarating ako ng maaga nag short cut ako e. Wala bang long cut? tall cut? ganon?
7 AM na ng dumating aming guro sa Filipino. Ang pinakapaborito ko sa lahat. Si Ma'am Isayyy. Bukod kasi sa mabait at maalaga syang guro mahilig din syang bigyan kami ng payo na makakatulong din naman samin. Kapag nakasalamuha mo na sya mapapasabi kana lang ng sana all.
Nagpatuloy ang diskasyon at aktibo ang lahat marahil narin sa taas ng energy ni Ma'am. Ngunit mayrong isang tanong ang nakaagaw ng kanan kong kamay.
"Bakit kailangan pa ng iba? kung nandito naman ako/tayo?"
( AN: idunno if may fil ba na sub sa college eh since iba iba naman sila ng strands baka wala idunno talaga hehe, sooo since kathang isip lang naman ito pabayaan nyo na ty )
YOU ARE READING
Like a Bullet ( TO BE EDITED )
General Fictionpilit akong hinahatak ng nakaraan sa mga ala alang dapat ay matagal ng kinalimutan.