Otto

19 3 2
                                    

AN: otto means eight. otso. 8. oo number HAHA. hindi yan yung brand ng sapatos at hindi din yan yung tagalog ng gullible na otto otto. tawa kana joke yan ng feeling otr HAHAHAHAHA.

GABI na naman kasi kanina ay Umaga dumaan ang Tanghali pagkatapos ng Umaga. Hindi na nagawang tumambay ng Tanghali kase maghahapon na naman. Hanggang ngayon hindi ko padin lubos maisip kung bakit kami pinapag gawa ng research chuvarnes na yan. Panigurado na'to taga "cubao dyan cubao" "oh isa nalang sa kanan" "konting isod pa po mga Ma'am" pagkagraduate ko. Since, napakabuti ko namang estupidyante may naisip na kagad akong research title. TAKE NOTE!! Kagroup ko sa research chuvarnes na'to ang pafa Asie nyo. Ang walang kakwenta kwentang kagrupo. Our research title is Effectiveness of Research in the means of stress, depress, stresstabs students. O diba pak na pak! pakpak.  Tiyak rejected kagad to.

Eh bakit ako? Di naman ako null hypo para mareject. Minsan talaga nahahawaan na ako ng teacher naming dyamante e. Nagiisip isip pa ako ng matino tinong title ng biglang magkringkrongkangkong ang phone ko.

"Hello dear Asiengot" asungot naman kasi talaga siya. Wala na ngang maitulong, manggugulo pa.

"Sungit naman neto para tinawagan lang e" sabi naman ng kabilang linya. Aba't sumasagot pa.

"Oh eh ano nga? Ano na namang pumasok sa utak utakan mo para bwisitin ako?"

"Wala naman, usto kolang sabihin sayo na" pabitin pa ang gago kala mo naman nakakatuwa.

"Na ano? bilis bilisan mo. Masamang magintay ang magaganda lalo na't kung wala na palang hihintayin" urada ko naman.

"Nasa labas ako ngayon ng bahay nyo at kung gusto mo pang makatikim ng fries eh bilis bilisan  mong bumaba" sunod sunod nyang sabi sakin. Aba ako pa ang bababa para sa kanya? Haller sa ganda kong to? Pero teka may sinabi sya e. Fries daw? as in. Mcdo Friesss! Arghhhhh! Alam nya talaga weakness ko kainis.

MATAPOS ng pangmalakasang pakikipag agawan ng fries sa kanya e sakin din naman napunta ang huling ngiti lagi ng halakhak e. At nakakainis pa ang gago nagyakag mag movie marathon kahit pilit ko na siyang pinapaalis, ending eto kami ngayon nanunuod ng No Escape.

"Shet! Shettt baka mahulooooog yung bata" sigaw ko naman. napakapit na ako sa kanya ng mahigpit kasi syete naman yung bata ihahagis.

"Tanga mo talaga. Manahimik kana nga dyan" sambit nya naman. Aba't gago talaga.

"Gago ka talaga. Kapag nahulog yang bata mamamatay yan kase walang sasalo" I replied.

"Kung ikaw yung bata at mahuhulog ka, hindi kita hahayaang masaktan kasi sasaluhin kita kaya dont u worry"

"Sana nga" mahina kong sambit.

Lumipas pa ang ilang sandali at natapos na ang makapigil hiningang palabas. Nang tatanungin kona siya kung san nya nilagay ang remote aba't nakatingin sakin ang gago correction tape nakatitig pala. Grabe gandang ganda saken ganon?

"Maganda ka naman pala Z, sadista nga lang" sambit nya habang nakangiti.

"Y'know Z is like moon. Still shines in and out. Still pretty in and out. Eventhough it has scars" makahulugan kong sambit. Pero feeling ko mali pa grammar ko. Ayos na yon basta maganda ako. I love moons and stars. Really.



Asie sana nga.

Sana ginawa mo.

Nagawa mo nga.

Tapos na.

AN: hi readers, thankyou sa pagbabasa ♡ road to 50 readers na tayoooo yeyyy!! salamat salamattttt. btw hehe pls wag niyong isipin na si feeling author yung bida. okay? focus kayo sa story ni Z and A okay? thankyou. Wag niyo intindihin si feeling author cute padin naman ako.

THANKYOUUUUU!!


Like a Bullet ( TO BE EDITED ) Where stories live. Discover now