1

1.8K 90 20
                                    

Tag-araw...

"magandang umaga po! welcome to San Juan LA UNION!!! Where you will neber feel alone!" Masaya at punong puno ng energy na bungad ni Summer sa mga bagong dating na turista.

Sya si Summer Catbagan 21years old, isang tourist guide slash tindera sa palengke slash part time singer. Panganay sya sa tatlong magkakapatid kaya naman kayod kalabaw din sya para matulungan ang mga magulang sa pagpapa-aral ng dalawa nyang kapatid.

"oy Summer ang aga-aga naririnig ko hanggang sa loob yang boses mo day! Baka naman matakot ang mga turista nyan." tumatawang sita sakanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Pamela na isang room attendant sa resort na pinagtratrabahuhan nila.

"ganun talaga Pam para umaga palang good baybs na! At tsaka sa ganda kong to matatakot ang mga turista?! Malabo day!" hinampas pa nya ang kanyang mahabang buhok na tumama naman ng hindi sinasadya sa mukha ng kaibigan.

Tumatawang tumakbo sya palayo dito dahil kung hindi ay tiyak na masasabunutan nanaman sya nito lugi pa naman din sya dahil mahaba ang buhok nya samantalang hanggang balikat lang ang buhok ng kaibigan.

"sorry na, sorry na hahahahaha"

"nakuu talaga ka, makahawak lang ako ng gunting kalbo ka sa akin." may pang gigigil na sabi pa ni Pamela sakanya.

"hindi mo magagawa yun." nagtaas pa ito ng kilay sa sinabi nya.

"pano mo nasabi?" pataray na tanong nito sakanya na ikinabungisngis nya lalo.

"dahil mahal mo ako di ba bespren?"

"tse!" unti-unti natawa na din ito sa pinag gagagawa nila.

"oh sya may sasalubungin daw sa airport, sumama ka na kay kuya Rudy paalis na sya bilisan mo." bigla sabi nito sakanya na ikinalaki naman ng mata nya.

"bakit di mo agad sinabi day? Magmimisa nanaman nito si manager kapag hindi nasundo agad yun." natataranta at nagmamadali na syang naglakad papunta sa parking.

"magandang umaga kuya rudy! Ang pogi nyo po ata ngayon? Pasensya na po sumakit kasi ang tyan ko kaya nahuli ako ng punta dito." derederetso na pagdadahilan nya dahil kapag binigyan nya pa ito ng pagkakataon na magsalita tiyak na kagagalitan sya nito. Mabait naman si kuya Rudy ayaw lang ng babagal bagal.

" ikaw talagang bata ka, sya bilisan mo sumakay kana at baka tayo pa ang hintayin nung susunduin natin pareho tayong pagmimisahan." natawa naman sya sa sinabi nito at mabilis na sumakay na sa sasakyan.

Isa ito sa mga gusto ni Summer sa pagiging tour guide maliban sa nakakagala sya sa kung saan saan habang kumikita iba't ibang klase pa ng tao ang nakakasalamuha nya.

"ano nga ho yung pangalan ng susunduin natin kuya?" tanong nya sa kasama dahil kailangan nya iyong isulat sa papel para mas madali sila nitong mahanap mamaya.

"Storm Villarreal isang linggo magstastay yun sa resort kaya magpakitang gilas ka mamaya para kunin kang guide nya sa pamamasyal dito." tatango tango naman ang dalaga habang nagsusulat.

"Storm tsaka Summer naku hindi kaya magclash kami nito? Magkasalungat ang pangalan namin eh." tinitigan pa nya ang sinulat na pangalan.

"pangalan palang parang masungit na."

"at kelan ka pa naging manghuhula?"

"hehehe joke lang naman ho yun kuya." tumahimik nalang sya dahil kung hindi ay tiyak na lilitanyahan din sya nito.

Nauna na syang bumaba pagkadating nila sa airport dahil magpapark pa ng maayos si kuya Rudy, dumeretso na sya sa arrival area at itinaas ang hawak na bond paper. Tsinek nya ang kanyang mumurahing relo at sakto lang ang dating nila.

"Storm Villareal po?" ilang minuto na syang nakatayo pero wala pading lumalapit sakanya medyo naiinip na din sya dahil unti unti ng nauubos ang mga tao galing sa loob.

"nakuuu naman baka naman hindi na tumuloy yun. Sus nagpasabi man lang para hindi na kami nageffort na pumunta dito nakakaloka."

"excuse me, ikaw ba ang susundo sa akin?" napatigil ang pagkausap nya sa sarili ng may malambing na boses na nagsalita. Dahan dahan syang napatingala sa harap nya at tatlong beses pa syang napalunok ng makita ang hitsura ng lalaking nagsalita.

Mahabaging langit, naglakad na ata pauwi ang panty nya! Susmaryosep! Inay, Itay patawad!

"miss? miss? Are you okay?" pumitik pa ito sa harap nya saka lang natauhan ang dalaga.

"ayyy... ayy sarreh shir, welcome to La Union po! yesh shir I came to pick you up shir. I'm Summer shir" naglahad pa ng kamay ang dalaga na inabot naman ng kaharap pero agad din binawi.

"Summer? I'm Storm. Alright, here are my things" inabot nito sakanya ang maleta pero hindi ang back pack nito dahil mabigat daw iyon.

Wew gentleman . Gwapo na ay hindi lang gwapo ubod pa ng gwapo tapos gentleman pa. Ikaw na kyah!

"so where's the car?" nagising sya sa pagdaday dream sa tanong nito kaya agad agad na tinawagan nya si kuya Rudy.

"ayan na po." turo nya sa van na papalapit sakanila.

"welcome to La Union sir!" bati ni kuya Rudy kay Storm ng makasakay na ito sa likod.

"thank you." simpleng tugon lang ng binata at itonuon na ang atensyon sa labas.

Pasimple naman itong sinusulyapan ni Summer sa rear view mirror.

"matunaw naman ang bisita natin Summer." bulong ni kuya Rudy sakanya kaya napahagikgik sya.

"ang kuya Rudy talaga matsika, tsinetsek ko lang naman kung maayos sya sa likod."

"nagdahilan pa, sumbong kita sa iyong inay para makurot ka nun sa singit."

"hala kuya wag, nagwagwapuhan lang naman ako sakanya. Tignan nyo naman kasi para syang anghel kung matulog jeskelerd! Nauna na nga ho atang umuwi ang panty ko kanina ng makita ko sya eh." pabulong pa ding sabi nya kaya biglang napapreno si Kuya Rudy agad na nagaalalang liningon naman nya si Storm pero mukhang hindi naman ito nagising.

"ano ba naman yang mga sinasabi mong bata ka!"natatawang nagpeace sign nalang sya dito.

Pasimple namang tinatago ni Storm ang kanyang ngiti sa mga naririnig. This girl is crazy. Hindi pa nya makalimutan ang hitsura nito ng makita sya nito kanina mukhang maaliw nga sya sa pagbabakasyon dito.

Ilang sandali lang ay naramdaman ng binata na huminto na sila kaya nagkunwari syang bagong gising at pupungas pungas na tumingin sa paligid.

"naku mabuti gising na po kayo, iniisip ko palang kung pano kaya gigisingin eh. Hali na po kayo para mas maayos po kayong makapag pahinga" bungad sakanya ni Summer at kinuha na nito ang kanyang maleta.

May mga staff na sumalubong at nagwelcome sakanya, maganda din ang ambiance ng resort hindi man iyon katulad ng sa ibang mas kilalang resort pero mukha namang maayos at maganda ang service dito.

Pagka kuha nya ng keycard ay may lumapit na sakanyang room attendant, doon inabot ni Summer ang kanyang maleta.

"oh Jayson ikaw ng bahala dito kay sir. Nakangiting tumango naman dito ang huli.

"enjoy your stay sir." masayang paalam nito sakanya na bahagya pang yumukod.

Wala sa sariling inilahad naman nya ang kanyang kamay dito kaya nagtatakang tiningala sya ng dalaga.

"you're a tour guide right? I might need you while i'm here so can i have your calling card?" kakamot sa batok na sabi pa nito sa dalaga.

"ayyy wala po akong calling card pero ibigay ko nalang po yung number ko wait lang ser!" agad itong lumapit sa front desk at pagbalik sakanya ay may dala na itong ballpen. Kinuha nito ang kamay nyang nakalahad kanina saka doon sinulat ang number nito.

"ayan! Call me ser ah? Sige po!" yumukod itong muli bago naglakad palabas ng hotel. Nangingiti at napapailing nalang syang sinundan ang palayong dalaga.









-

Summer+Storm <3
May bago nanaman po!

Summer Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon