7

770 80 11
                                        

Pagsuyo...

"good morning Pam!"

"ay! Masigla yata tayo day ah!" napahagikgik nalang sya sa sinabi nito at sa paraan nito ng pagtingin na parang hinahalukay ang pagkatao nya.

"oh bakit ganyan ka kung makatingin?" sinipat sipat pa kasi nito ang mukha ng dalaga na parang may kung anong hinahanap.

"hmmm. wala naman, parang iba ka lang ngayon."

"baliw! sige na mag-in na ako." kumaway lang sakanya ang kaibigan, sya naman ay nagtuloy na sa front desk.

Maganda ang ngiti ng receptionist sakanya kaya naman nginitian din nya iyon pabalik. Alangan naman pakabog sya.

"good morning miss. Mag-in na ako."

"good morning talaga Summer, oh!" nagulat sya ng abutan sya nito ng tatlong piraso na pulang rosas.

"oh? Para kanino ito?"

"para sayo yan, aga-aga ah! haba ng hair." napamaang sya dito saka napaisip, unti-unti naman sya lihim na napangiti ng maisip kung kanino pwede nanggaling iyon.

"kanino galing?" kunwari walang ideyang tanong nya dito.

"kanino pa ba? sige na, may susunduin sa airport ngayon pasuyo nalang." pagtaboy sakanya nito, nagpasalamat naman sya at nagumpisa ng maglakad palabas.

"ingat ah? baka mapatid ka ng buhok mo." natatawang nilingon nalang nya ito.

Hindi nya mapigilang kiligin habang inaamoy-amoy ang mga bulaklak, sa tanang buhay nya kasi eh ngayon lang may nagbigay sakanya ng mga rosas.

"magandang umaga kuya rudy, may susunduin daw tayo." masiglang bati nya sa lalaki sabay akbay dito. Hindi naman nakaligtas dito ang hawak hawak na bulaklak ng dalaga.

"nakuuuu. Saan mo naman napulot yan?" pang-aalaska nito sakanya na nginisihan lang nya.

"kuya, binigay ito ni Diane may nagpapaabot daw sa akin. Ang ganda ko noh?"

"maganda talaga yang mga rosas Summer. Hala! Sige na sumakay kana." sinabayan pa nito ng malutong na tawa ang sinabi bago nagmamadaling sumakay sa van.

"kuyaaaa!!"

Panay ang pang-aasar sakanya ng nakakatandang lalaki habang nasa daan sila. Panay lang naman ang ngisi ang sagot nya dito. Hindi rin nya sinasabi kung kanino iyon galing kahit pa may ideya naman sya kung sino ang nagpanigay noon. Mabilis naman nyang kinuha ang cellphone ng magring iyon tanda na may nagtext.

"goodmorning summer, naibigay na ba sayo ang mga bulaklak?" pigil ang kilig na binasa nya ang text na iyon ni Storm pero hindi nireplayan ayaw nyang isipin ng lalaki ba makukuha sya nito sa pabulaklak lang.

Naalala nanaman nya ang tagpong nakita nya noong nakaraang gabi bigla tuloy syang nakaramdam ng pagka inis na agad din naman nyang iwinaksi.

Kaagad din silang nakabalik ng resort dahil pagdating nila sa airport ay sandali lang naman silang naghintay sa mga susunduin. Busy din sya buong umaga dahil may kumuha sakanyang magkakaibigan bilang guide ng mga ito. Halos ala-una na ng makabalik sila at makapag-out sya para umuwi sakanila.

Wala syang nadatnan sa bahay dahil tumulong ang nanay doon sa kabilang barangay kaya naman magisa lang syang kumain. Napasimangot sya ng pagtingin ulit sa cellphone ay wala ng kahit na ano pang pagpaparamdam galing kay Storm. Imbes na isipin pa iyon ay naghanda nalang sya para sa pagtitinda.

"tsss. pabulaklak lang pala ang kaya nya eh!" bubulong bulong nyang kausap sa sarili habang inaayos ang mga paninda.

"gusto ko din naman sya eh, pero hindi naman pwedeng oo agad! Aba! Paghirapan nya ako noh!" may paghampas pa sa hangin na sabi nya. Isang buntong hininga muna ang ginawa nya bago lumabas ng bahay.

Summer Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon