Puso...
Halos murahin na ni Storm ang staff ng resort na nagkwento sakanya tungkol sa video ng interview nya noong isang araw na kumalat sa barangay. Nabanggit din nito kung paano nalaman at napanuod ni Summer ang tungkol dito kaya naman pala napakalamig ng pakikitungo sakanya ng dalaga.
"D*mn it!" nahampas nya ang mesang nasa harap kaya nagmamadaling nagpaalam na ang staff sakanya. Tinawanan lang naman sya ng mga kaibigan.
"you're in big trouble buddy! Mukhang mahihirapan kang suyuin si Miss Tag-araw." nakakalokong nginisihan pa sya ng kaibigang si Eman.
"kaya pal she's not answering my calls and texts yesterday. Tssss wag ko lang makikita ang mga tsismosang iyon dahil baka makalimutan kong babae sila."
"sisihin mo din ang pres kuya, masyado silang assuming. Plus ikaw, may pa mysterious effect ka pa kasi alam mo naman na madumi magisip ang mga taga media." inirapan nya ang pinsan na napagkamalang girlfriend nya na nakapamewang pa sa harap nya.
"but in fairness i like her, she's not the kind of lady na puro pagpapabebe lang ang alam."
"ohhh you mean she's not like you Zarah?" inismiran lang sya ng pinsan bago nagmartsa palabas ng kwarto.
"seryoso ka na ba talaga dyan? Baka naman nabibigla ka lang bro." biglang sabi naman ng kaibigang si Philip.
"i am more than sure bud, it sounds cheesy and even I can't believe it at first but it's true. I love her." nakangiti nyang baling sa mga kaibigan na sinabayan pa nya ng malapad na ngiti, nagunahan tuloy sa pagtayo ang mg ito at iiling iling na iniwanan na sya sa kwarto.
Sumunod at lumabas na din sya ng kwarto para magpunta sa restaurant. Nakakatuwang kilala pa din sya ng mga nagtratrabaho doon, saktong pagpasok nila ay naguumpisa na sa pagkanta si Summer. He cannot stop himself from staring at her innocent face, namiss nya ito ng sobra kung hindi lang dahil sa mga kaipangan nyang tapusin sa kumpanya mas maaga sana syang nakabalik dito.
Tumihip ang dibdib nya ng magtagpo ang mga mata nila, parang kinurot ang puso nya ng makita ang lingkot sa mga mata ng dalaga. Gusto nya itong takbuhin at yakapin but its not the best thing to do at the moment, kailangan nya muna itong makausap para makapagpaliwanag.
Bumaling sakanya ang tingin ng mga kaibigan ng magumpisa nang kumanta ang dalaga samantalang sya naman ay nakapako lang dito ang tingin nya.
Natulala ng makita kang may kasamang iba
At sa aking puso ay may kaba
Dahil nagtataka kung saan nga ba
Nagkamali o nagkulang ba?
Ano nga ba'ng meron sya?
Hindi ko na malaman pa ang gagawin
Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya?
Kakayanin kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin?
Kakayanin kaya?
Nag-iisip kung mag kukunwari na lang ba ako
At itatago ang sakit?
Pipilitin bang tanggapin
Na ika'y may iba bukod sa'kin
Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaangn sumaya ka sa piling niya?
Kakayanin kayang ikay may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin na lang bang tatanggapin?
Kakayanin kaya?
Na hayaan ka nalang
O ipaglalaban ba ang pag-ibig ko
Obwag nalang?
Hindi ko alam kung
Kakayanin kayang ika'y mawala
At sa kanya'y ipaubaya
At hayaang sumaya sa piling niya?
Kakayaning kayang ika'y may iba
At ang mahal mo'y kaming dalawa
Akin nalang bang tatanggapin?
O akin nalang bang papalayain
Kakayanin kaya?"last song na po muna yun ah? Bukas po ulit. Maraming salamat po." napatayo sya ng umalis na si Summer sa stage.
"where are you going?" habol sakanya ni Eman ng paalis na sya, tinignan nya lang ang kaibigan nakakaintidi naman itong tumango kaya nagtuloy na sya palabas.