Indescribable Pain...
Nakasimangot na nakatanaw sa malayo si Summer, nandito sya ngayon sa pwesto nya. Kaninang umaga pa wala sa mood, nanggaling sya sa resort at hinanap si Storm dahil may usapan sila na magsu-surfing ngayong araw pero wala na ito doon at sabi pa sakanya ng receptionist na napagtanungan ay may kasama daw itong babae nang lumabas.
"paano ka naman makakabenta eh pwede ng sabitan ng mga paninda mo yang nguso mo day?" nagulat pa sya ng sumulpot mula sa kung saan ang kaibigan nyang si Pamela. Inismiran nya lang ito at binaling ulit ang tingin sa malayo.
"ay taray ni ate girl! Anong nangyari sayo? May nangaway ba sayo? Sabihin mo ng maresbakan natin!"
"wala, masama lang ang gising ko kanina." ngumiti sya ng pilit dito para tigilan na sya.
Pero dahil likas na sa kaibigan ang pagiging makulit, hindi pa rin sya nito tinigilan. Nagbabangayan na sila ng bigla syang mapahinto ng makita ang dahilan ng paghuhurumentado nya.
May kasama nga itong magandang babae na naka crop top at short-shorts na halos kita na ang kasingit-singitan. Naka-angkla pa ang kamay nito sa braso ni Storm at akala mo ay hindi marunong maglakad kaya kailangan pang alalayan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan biglang parang sumakit ang dibdib nya sa nakita.
Linagpasan lang ng mga ito ang pwesto nya ng hindi man lang sya tinatapunan ng tingin. Samantalang sya ay kung nakakamatay lang ang tingin malamang bumulagta na ang mga iyon. Naagaw lang ang atensyon nya ng mahinang humagikgik si Pamela.
"hihihi. Naku. Naku. Naku. Kaya naman pala sambakol yang mukha mo dahil may kasamang iba si pogi." nakangising sita nito sakanya na lalo namang ikinakunot ng noo nya.
"sinasabi mo dyan day? Bakit naman iinit ang ulo ko dahil dun?" imbes na sumagot ay humalakhak lang ito sakanya kaya inirapan nya na ito.
"Hindi na siguro ako kailangan ng mokong dahil meron ng maganda at seksing magtotour sakanya, edi dun sya tsss." parang tangang bulong bulong nya sa sarili.
Padabog syang tumayo at inumpisahan ng magligpit ng mga paninda. Sinundan nalang sya ng tingin ng iiling-iling na si Pamela.
Pagkatapos ay naglakad na sila pauwi, naghiwalay lang sila ng mapadaan sila sa pwesto ng nanay ni Pam ng buko.
"dito na ako day! May gig ka ba mamaya?"
"meron doon sa resto, sayang ang kita eh."
"sige, ngumiti kana. hayaan mo na yun, makakamove on ka din." sinamaan nya ng tingin ang kaibigan dahil sa sinabi nito pero tinawanan lang sya.
Pagkadating ng bahay ay itinabi nya lang ang mga gamit pagkatapos ay agad na din syang gumayak para sa raket nyang pagkanta sa resto. Hindi sya pwedeng magpaapekto sa nararamdaman ngayon kundi nganga sila at hindi yun pupwede.
Wala pang masyadong tao sa resto pagdating nya kaya tumambay na muna sya sa may counter para hintayin ang cue na maguumpisa na sya. Iginala nya ang paningin sa mga naroroon at ganun nalang ang gulat nya at pagpintig ng puso nya ng magtama ang mata nila ni Storm na nakatingin din pala sakanya. Kasama parin nito ang babaeng pabebe na kasama nito kanina at parang lintang kapit na kapit sa binata.
Sya na ang unang nagiwas na ng tingin, bakit ba sya tinitignan nun? Feeling nya lalapitan ko sya? Pwes manigas sya! May panggigigil na isip isip ng dalaga.
Sakto namang sinenyasan na sya ng isang staff na maguumpisa na kaya agad-agad na syang tumayo para magtrabaho.
Katulad ng nakagawian, kumanta muna sya ng dalawang set bago nagumpisang tumanggap ng request. Nakalimang requested song din sya, kaya naman kahit naiilang dahil kahit na medyo madilim ay ramdam nya ang mataman na pagtitig sakanya ni Storm mula sa kinauupan nito nakangiti padin nyang tinapos ang mga iyon. Aba! Malaki ang kita nya ngayon kaya kiber sa lalaking yun.
Nagstay pa sya sandali doon bago naisipang umuwi, naglalakad na sya sa may dalampasigan ng biglang may marinig na ungol. Kaagad nyang nayakap ang sarili.
"susmaryosep! Mumultuhin pa ata ako!" nanginginig na kausap nya sa sarili sabay ng pagbilis ng lakad, pero habang palapit sya sa may mga nakadaong na bangka ay palakas ng palakas ang ungol na naririnig nya.
Palingon-lingon pa sya sa paligid at hinanap kung saan iyon nanggagaling. Halos lumuwa ang mga mata nya ng makita na sa dalawang taong halos magkapalit na ng mga labi pala nanggagaling ang ungol na naririnig nya. Lalo pang lumakas ang ungol ng dumako na ang halik ng lalaki doon sa babae, hindi na nya malaman ang gagawin parang napako na sya sa kinatatayuan.
"uhhhh. Storm baby! uhhhh" parang binuhusan sya ng malamig na tubig sa narinig kaya patakbo na syang umuwi sakanila.
Hindi na nya napansin ang pagtawag sakanya ng nanay nya dahil dumeretso na sya sakanyang kwarto. Doon pinakawalan nya ang isang malalim na buntong hininga. Pakiramdam nya may mabigat na bagay na nakadagan sakanyang dibdib.
"si Storm? eh ano naman sayo? Malamang ginagawa nya yun! Umayos ka nga! Bakit ba apektado ka?!" kastigo nya sa sarili habang nakatingin sa salamin.
Parang nanghihina na napaupo nalang sya sa hilid ng higaan at napaluha. Hindi na nya maintindihan ang sarili. Hindi na nya maipaliwanag kung bakit ganun nalang sya naapektuhan sa nakita.
---
"uhhh... Storm baby uhhh..." nanggigigil na pinisil pa nya ang bewang ng babaeng kahalikan. Kailangan nyang ilabas ang frustration na nararamdaman, nagagalit sya dahil hindi man lang sya nilapitan ni Summer ineexpect nyang kukulitin sya nito sa hindi nya pagcontact dito para sa usapan nila pero parang balewala lang naman sa dalaga ang hindi nya pagkausap dito.
Sinandya nyang dumaan sa pwesto nito kanina, sinandya din nya na hindi ito pansinin dahil hinihintay nyang lumapit ito sakanya pero hindi nito ginawa. Kanina sa resto ineexpect nyang kakausapin sya nito, alam nyang alam ng dalaga na nandoon sya pero hindi man lang nya ito nakitaan ng emosyon ng magtagpo ang mga mata nila kanina.
Napatigil sya saglit sa ginagawa ng marinig ang yabag ng paa na tumatakbo, pagangat nya ng tingin ay nahuli ng paningin nya ang pamilyar na likod ng isang babae na nagmamadaling tumatakbk palayo sa pwesto nila. Kaagad nyang naitulak ang babaeng kamake-out.
She saw us. She knew it's me. Napakaingay naman naman kasi ng babaeng ito. Tinapunan nya ng tingin ang babaeng nasa harap nya ng umpisan nitong haplusin ang braso nya.
"stop. nawalan na ako ng gana." pero hindi nagpatinag ang babae at patuloy parin sa ginagawa kaya hinuli na nya ang kamay nito para tanggalin sa braso nya.
"i said stop it miller. Leave now, i want to be alone" hindi nya napag handaan ang sunod na ginawa nito, para syang mabibingi sa lakas ng impact ng sampal nito. Sinamaan nya ito ng tingin at akmang hahablutin ang kamay pero nakailag ito.
"it's melissa not miller! You as*hole!" binigyan pa sya nito ng dirty finger bago walang lingon likod na nagmartsa paalis.
Naiwan naman syang minamasahe ang pisnging nasampal, saka mapait na napangiti habang tinatanaw ang daang tinakbo ni Summer.
Now he's in trouble. In a big trouble.
-
Ginagawa mo Storm?! May pagkaadik po sya ano?
Comment & Vote pls mga be. Salamat!