9

676 70 13
                                    

Pag-ibig...

Mabigat ang pakiramdam ni Summer na bumangon kinabukasan, para syang nabugbog ng ilang tao pero pinili pa din nyang tumayo at pumasok sa trabaho. Nabungaran nya sa hapag ang kanyang pamilya na pinukulan sya ng nagaalalang tingin na hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin.

"kumain kana Asuncion." tawag sakanya ng kanyang ina.

"sa resort na po nay, mahuhuli na po ako eh." akma namang magproprotesta pa ito pero naunahan na nyang nagpaalam para umalis.

Wala ng nagawa ang mga ito kundi tumango sakanya, ayaw naman nyang magalala ang mga ito dahil alam naman nya na nakarating na marahil sa mga ito ang balita tungkol kay Storm pero mahuhuli na talaga sya sa trabaho.

Pasimple syang sinusundan ng tingin ng mga taong nadadaanan nya pero hindi na nya iyon binigyang pansin, pasasaan ba at makakalimutan din ng mga ito ang issue.

Pasasaan ba at makakalimutan din nya si Storm.

Sinalubong sya ni Pamela sa bungad palang ng resort, para itong hindi magkandaugaga sa pag yakap sakanya.

"bakit parang ang saya mo ata?" nagtatakang tanong nya dito ng sa wakas ay pakawalan sya nito ng yakap. Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito at hinila na sya papasok sa loob ng resort papunta sa may front desk.

"good morning summer, may susunduin ka mamayang after lunch sa airport okay lang? Grupo yun consists of 5 people." maganda din ang ngiting salubong sakanya ni Mina ang nakaduty na receptionist.

"ahh, sige hindi na muna ako magtitinda. Anong oras ba ang dating?"

"2:15pm daw kaya aalis kayo ni kuya Rudy ng mga 1:30pm."

"sige salamat." pagtapos ng usapan nilang yun ay nagtungo na sya sa labas para doon na muna magassist sa mga turista.

Mabagal na lumipas ang oras, hindi pa din sya kumakain maliban sa hopiang monggo na binigay ni Pamela kaninang break time nila. Hindi sa pag iinarte pero wala talaga syang gana.

Pinatawag na sya ni kuya Rudy ng bandang 1:30 na kaya nagmamadali na syang nagpunta ng parking, katakatakang hindi sya inasar nito ngayon.

Makulimlim pero maalisangan ang panahon ngayon, tamang tama sa mga bisitang gusto mamasyal at maligo sa dagat. Tahimik lang sya sa byahe at hinayaang maglakbay ang isip nya sa kung saan, hindi rin naman sya kinikibo ng kasama na parang pinakikiramdaman lang sya.

Ala-una palang nang makarating sila sa airport, kaya naghintay na muna sya sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto bago ang paglapag ng eroplanong sinakyan ng susunduin nila ay lumabas na sya bitbit ang placard na may nakasulat na pangalan ng taong hihintayin nya at pumwesto na sya sa may arrival area. Ilang minuto lang ang lumipas at nagumpisa ng lumabas ang mga taong sakay ng flight na dumating. Itinaas nya ang hawak na placard at naghintay ng lalapit.

"excuse me miss, are you from Blue Waves?" malapad na ngiti ang binigay nya sa lalaki bago tumango at sumagot.

"yes ser, are you ser Emannuel Gapuz?" nakangiting naglahad sakanya ng kamay ang kaharap na magiliw naman nyang tinanggap.

"yes, Eman nalang. And you?"

"Summer po ser, ahhh..." sabi nya habang nagkakanda haba ang leeg sa pagtingin sa likod ng lalaki. Ang sabi kasi sakanya eh grupo itong susunduin nya pero parang magisa lang naman ata.

"ahh ser yung mga kasama nyo po?"

"ah, andyan na din ang mga yun." sagot nito sakanya na sinundan din ng tingin ang tinitignan nya bago biglang kumaway na parang may tinatawag.

Summer Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon