6

734 76 23
                                        

Pag-amin...

Storm groaned in frustration ng tumama ang sinag ng araw sa mukha nya, sabay napasapo sya sa ulo ng kumirot iyon.

Damn! Hangovers!

Pupungas pungas na bumangon sya sa kama at dumeretso agad sa banyo para maligo at ng mahimasmasan sya. Hilot-hilot pa din nya ang sentido ng mag-order sya ng breakfast. Ayaw muna nyang lumabas dahil pakiramdam nya ay mabibiyak ang ulo nya anytime sa kirot.

Sakto naman pagkakain nya ay nagring ang phone nya, his bestfriend Eman's calling.

"bakit?"

"woah! Well good morning too bro." pasarkastikong sagot naman ng kaibigan sakanya.

"i'm nursing a hangover bro, so spill it." narinig pa nya ang pagtawa nito mula sa kabilang linya.

"just checking on you, baka kasi naisipan mo ng mag-asawa dyan at magstay there for good." for some reason mukha ni Summer ang pumasok sa isip nya sa sinabi ng kaibigan.

That woman is not healthy for him.

Ipinilig muna nya ang ulo bago sumagot dito.

"what made you say that? Ineenjoy ko lang ang bakasyon, besides don't be overacting ilang araw palang ako dito." he tried to sound casual as possible kahit pa na ginugulo sya ng imahe ng dalaga.

"so wala kang babae dyan?" may pagdududa sa boses na tanong ni Eman na tinawanan lang naman nya.

Ilang segundo syang nagisip bago napapangiti sa sarili na nagsalita ulit.

"actually I have. But she's different." he heard Eman swooned from the other line kaya lalong lumapad ang ngiti nya.

"i knew it! Iba ka talaga! Bagyo sa bilis! ano girlfriend mo na? What's her name?"

"naah... have to go bro, call you next time. Bye!" hindi na nya hinintay na makasagot ito at pinatay na nya ang tawag. Nasisiguro kasi nya na hindi nanaman sya titigilan nito.

Eman has been his friend since gradeschool kaya kilalang kilala sya nito and sa mga ganitong pagkakataon na confuse sya siguradong aalaskahin lang sya nito.

He decided to go and look for Summer, alam nyang nakita sya ng dalaga sa ginagawa nya kagabi. He needs to explain and apologize dahil baka kung ano na ang naiisip ng dalaga tungkol sakanya.

Nagpaikot-ikot na si Storm sa resort pero kahit anino ni Summer hindi nya nakita, he even went to ask her friend na staff sa hotel pero kahit ito hindi din alam kung pumasok ang kaibigan.

He's starting to worry, sa ilang araw na nakilala nya ang dalaga napansin nyang hardworking ito at parang takot na takot na walang kitain, alam din nya na lagi itong maaga pumapasok kaya malaking palaisipan kung bakit wala pa ito aa resort. Habang nagiisip ng gagawin ay nagikot-ikot muna sya sa dalampasigan at ganun nalang ang pagkislap ng mata nya ng matanawan ang pamilyar na babae.

Agad-agad syang nagmadali sa paglalakad at hinabol ito.

"ma'am! ma'am!" lumingon naman ito sakanya at nagtatakang tumingin at parang inaalala kung sino sya.

"Si Storm po ito ma'am remember? Yung kaibigan po ni Summer." agad naman nagliwanag ang mukha ng ginang ng makilala sya.

"ay oo! kumusta ka iho?"

"okay naman po, hinahanap ko po si Summer hindi ko po kasi sya makita sa resort." walang paligoy-ligoy na sabi nya rito, ngumiti naman ito sakanya bago tumango tango.

"naku hindi nakapasok si Summer, eh may dysmenorrhea daw sya. Ayun namimilipit sa sakit. Sige iho, mauna na ako." tumango at nagpasalamat sya dito.

Summer Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon