2

989 87 11
                                    

Bagyo...

Payapang nakamasid si Storm sa dagat mula sakanyang balkonahe. Nandito sya para magbakasyon at makamove on sa pagkamatay ng kanyang ina ilang buwan na ang nakakalipas. Ayaw sana nya pero mga kaibigan na nya mismo ang nagpilit sakanya na gawin ito dahil kailangan nya raw magpahinga. Mula kasi ng mailibing ang kanyang mommy ay tuloy tuloy na ang pagtratrabaho nya para hindi indahin ang sakit ng pagkawala nito. Sa loob tuloy ng ilang buwan ay napakaraming bagong kontrata ang napasok nya na lalong nagpalago sakanilang negosyo, pero sa kabila noon ay nagaalala pa din ang mga taong malalapit sakanya dahil na din sa naging masungit at bugnutin nga raw sya. Well, he was really like that even when his mother was still alive pero lumala nga daw ngayon kaya naman pinagkaisahan sya ng mga ito at pinagtulakan na magbakasyon dito sa isa sa mga resort na pagaari ng kanyang matalik na kaibigan na si Eman. Naagaw ang atensyon nya sakanyang pagmumuni muni ng makita ang dalawang taong nagtatalo sa baba. Hindi nya marinig ang pinagtatalunan ng mga ito pero natatawa sya sa paghahampasan at paghahabulan ng mga ito. Si Summer yung isang babae pero hindi nya kilala yung kasama nito.

Weird at baliw talaga sya.

Doon nya naalala ang number ng dalaga na sinulat nito sakanyang palad. Naiiling na kinuha nya ang kanyang cellphone saka dinial ang number, nakakatatlong ring na iyon bago nya sagutin.

"hello?" masayang bungad ng dalaga pag sagot nito ng tawag na naging dahilan kung bakit ilang segundo syang natigilan at hindi nakasagot.

"hello? Pipi po ba kayo? Kung ganun text nalang po tayo kung di rin naman kayo magsasalita." natatawa na sya sa tuloy tuloy nitong pagsasalita. Narinig marahil nito ang kanyang pagtawa dahil biglang naging masungit ang boses ng dalaga.

"ay koya nantritrip kaba? Wala akong time sayo, i'm a busy person you know." doon na sya napahalakhak ng todo.

"hi Summer, this is Storm." nakita nya pa ang tila pagtingin nito sa kanyang cellphone na parang makikita nya doon ang hitsura ng kausap.

"sir Storm? Yung kanina pong sinundo namin sa airport?" bakas sa boses nya na hindi ito makapaniwalang tinawagan sya ng binata.

"the one and the only." nakangiti sa sariling sagot ni Storm na mas lumapad nang makita nyang nagtatalon si Summer na parang nanalo ito sa lotto. Sinama pa nya sa pag talon ang babaeng kausap na hindi man yata alam ang dahilan ng kaibigan sa pagtalon ay nakikitalon na din.

"are you still there?"

"ahh, ehemm yes sir. Napatawag po kayo?"

"save my number i'll contact you tomorrow kapag mamasyal ako. Bye Summer." ibinaba na nya ang tawag at pinagmasdan nalang ang dalaga na hanggang ngayon ay parang lutang padin sa kanyang pagtawag. She's funny and cute.

-

"hoy day! Anong nangyari sayo? Para kang naengkanto dyan!" suway sakanya ni Pamela. Kabababa lang nya ng cellphone pagkatapos magpaalam ni Storm.

"magkakaboypren na ata ako day! Yieeeeee" hindi makapaniwalang tingin nalang ang tinapon sakanya ng kaibigan saka iiling iling na naglakad palayo dito.

"Summer alam kong hindi masama ang mangarap pero dapat alam namin ang pinagkaiba ng pangarap sa ilusyon okey??"

"tse! Basta pag ako nagkaboypren who you ka talaga sa akin Pamela!!" padabog na nauna na syang naglakad at iniwang tatawa tawa ang kaibigan.

Umuwi muna si Summer sakanila para kunin ang mga paninda nyang mga beach accessories na ititinda nya sa palengke mamaya. Nakita nya ang kanyang nanay na nasa likod bahay at naglalaba.

Summer Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon