Kilig...
"i love you, it may sound crazy but that is what i am feeling for you. I can't tell you how it started I just know, wag mo naman sanang pagdudahan ang nararamdaman ko." puno ng emosyon na sabi ni Storm habang titig na titig sa mga mata si Summer. Hindi nya tuloy malaman kung ano ang sasabihin, masyadong malakas ang pintig ng puso nya at nararamdaman nyang pinamumulahan na din sya ng mukha.
" p--pero b--bakit ako? hindi naman ako maganda Storm. Jusko patpatin pa ako, sigurado na maraming babae na mas maganda kang nakakasalamuha doon sa Maynila kaya bakit ako?"
"how many times do I have to tell you that you are beautiful para maniwala kang maganda ka? Yes, you may not be as fair skinned compare to some girls but you are beautiful and the most beautiful for me." hinawakan pa nito ang mukha ni Summer para mas mailapit pa sakanya ang dalaga.
"i cannot express how much you mean to me through words, so let me prove it through my action." hinapit pa sya lalo ni Storm palapit sakanya saka tinitigan ang buong mukha ng dalaga hanggang sa mapadako ang tingin nito sa nakaawang na labi ni Summer.
"a--ano... ahhh. a-nong ibig mong s-abihin?" napapalunok na sabi pa nya na tila hindi mapakali dahil sa sobrang lapit ng mukha nila. Hindi sumagot si Storm, patuloy lang sa dahan dahan na paglapit sa mukha nya. Nabibingi na si Summer sa sobrang lakas ng tibok ng puso nya, pakiramdam nya ay sasabog na iyon anytime.
Nang ilang pulgada nalang ang layo ang labi nila ay pumikit na sya habang hinihintay na dumapo ang labi ni Storm sa labi nya...
"hahahahahahahaha nay ang ate parang baliw oh! Hahahahaha" napamulat si Summer ng marinig ang malakas na boses ng kapatid nyang si Klea na hindi na magkandaugaga sa pagtawa habang tinuturo sya.
"nanaginip ka ata ng gising ate, siguro may iniimagine kang kahalikan noh! Ang haba pa ng nguso mo eh! Ganito oh! Hahahahah" dinemonstrate pa ito ang ginagawa daw nya kanina habang malakas na humahalakhak.
"heh! Doon ka na nga! Bakit kasi pumapasok ka dito basta basta! Doon ka na!" pataray na taboy nya sa kapatid na tatawa tawa padin. Paglabas ng kapatid ay napahawak naman sa labi nya si Summer.
Ano ba naman yan bakit ko ba naiimagine yun?! Umayos ka Asuncion nakuuu!
Tila walang nangyari na lumabas sya ng kwarto at dumulog sa hapag kainan. Nakakalokong tinitignan sya ni Klea kaya pinanlalakihan nya ito ng mata.
"balita ko eh maraming turista ngayon Asuncion. Tiyak na pagod ka nanaman kaya kumain ka ng mabuti anak." sabi ng nanay nya habang nilalagyan sya ng pagkain sa pinggan. Napasimangot naman sya dito dahil sa tinawag sakanyang pangalan.
"mudrakels! Summer po. Hindi Asuncion nakakloka po kayo!" nagmumuryot nyang pagtatama dito pero tinawanan lang sya ng kanyang ina.
Nagmamadali na syang nagpaalam sa mga magulang ng matapos syang kumain, kailangan nyang maaga pumasok para kaagad syang masabihan kapag merong guest na gusto mamasyal at kailangan ng tour guide.
"alis na po ako mudra, pudra." humalik muna sya sa mga ito bago binalingan ang mga kapatid "oy kayo magaral kayong mabuti ah? Trabaho na ang ate! Babush! Pakabait ah!"
"bye ate kiss ko!" pahabol pa ni Klea sakanya na inirapan lang nya.
"tse!"
Nagmamaganda syang naglakad papunta sa resort. Agad naman syang lumapit sa front desk para mag attendance.
"good morning Abby, meron na bang guest na nagavail ng tour?" masiglang bati nya sa receptionist na naka duty.
"good morning summer, wala pa pero tawagan kita agad kapag meron na." tumango nalang sya dito saka masiglang nagpaalam na magiikot muna sa resort.
Nasa may bandang pool na sya ng mamataan nyang papasok na ang kanyang matalik na kaibigan na si Pamela. Kaya naman ay dahan dahan syang nagtago sa may daraanan nito at tahimik na nagabang dito. Pakanta kanta pa ito habang naglalakad kinailangan nya tuloy takpan ang bibig para hindi malakas na matawa.
"MAGANDANG UMAGA BESPREN!" pasigaw nyang bati dito at patalon na lumabas sa pinagtataguan.
"ay bruhang palaka ka!"
"ano ba naman yan Summer?! Aatakihin naman ako sa ginagawa mo eh!" hawak pa nito ang kanyang dibdib. Tumatawa namang inakbayan nya ito at sinabayan sa paglalakad.
"good morning ulit bespren."
"ang saya mo ata ngayon day! Nakakatakot yang pangiti ngiti mo ah"
"grabe ka sa akin Pam, maganda lang talaga ang umaga ko." tinaasan naman sya nito ng kilay
"at bakit naman?" kinwento nya ng pahapyaw sa kaibigan ang mga nangyari ng nakaraang gabi pero hindi na nya sinama doon ang pagiimagine nya kay Storm dahil siguradong aasarin lang sya nito.
"grabe talaga day! ang gwapo naman kasi talaga nya di ba? at gentleman pa! Gusto nga nya ihatid pa ako pauwi kagabi dahil delikado daw na maglakad ako magisa. Day! Kras ko na ata talaga sya! Yieeee." parang teenager syang nagkukwento dito na sinabayan pa nya ng kumpas ng mga kamay at pagbyubeautiful eyes kaya naman nahampas sya ni Pamela.
"huy hinay hinay sa kilig day! Nakamamatay yan." inismiran naman nya ang sinabi ng kaibigan.
"tsss bitter! Pano naman ako mamamatay day? Eh ngiti palang ni Storm eh buhay na buhay na ako."
"good morning Summer!" nanlaki bigla ang mata nya ng marinig ang boses ng lalaking pinaguusapan mula sa likuran nila. Aligaga nya itong hinarap at nginitian.
"good morning ser! Ano... ahmmm kanina pa po ba kayo dyan?" nanlalamig na ang kanyang kamay sa isipin na narinig ni Storm ang mga pinagsasabi nya kanina. Nagpipigil naman ng tawa ang kanyang kaibigan.
"actually no, i am about to call you para tanungin kung nasaan ka then nakita dito." ano rew? tatawagan daw nya ako?
"ahh, bakit naman po ser?" pasimple nyang kinurot si Pamela dahil sa pagpipigil ng kilig.
"you'll be my tour guide today di ba? O baka may nauna ng kumuha sayo?"
"nakuu hindi! Ang totoo nga nyan hinihintay ko din po ang tawag mo eh!" natakpan nya ang bibig dahil sa nasabi, nahihiyang tinignan nya si Storm na nakangiti sakanya ng nakakaloko.
"really? hmmm." hinaplos pa nito ang kanyang pisngi na dumagdag sa init ng kanyang mukha.
"you're blushing. how cute." naagaw ang atensyon nila pareho ng tumikhim si Pamela.
"ahh heheh maiwan ko na po muna kayo tutal parang invisible na din naman ho ako dito." binigyan pa sya nito ng nanunuksong tingin. Nakalimutan nyang kasama nya pala ang kaibigan.
"ay hala! ser Storm si Pamela po pala bespren ko, Pam si ser Storm guest natin dito." pagpapakilala nya sa dalawa. Naglahad naman ng kamay si Storm sa kaibigan.
"nice to meet you."
"ganun din po ako sir, mauna na po ako. Malelate na din po kasi ako." yumukod pa ito sa lalaki bago bumaling sakanya.
"pasyal ako mamaya sainyo day! Babye!" nakangiting kumaway nalang din sya dito.
"so nagbreakfast kana? kakain na muna ako sumabay kana." pagtawag nito sakanyang atensyon.
"naku sir nakakain na po ako bago umalis ng bahay, kain na po muna kayo. Ipatawag nyo nalang po ako kapag ready na po kayo mamasyal." magalang nyang pagtanggi dito.
"i see, sige. I'll have breakfast first. See you later Summer." kumindat pa ito bago tuluyang tumalikod sakanya na nagpalundag nanaman sa puso nya.
"sige ser! Eatwell po!"
Nasapo nya ang kanyang dibdib sa sobrang pagwawala ng kanyang puso.
Apakalandi mo heart kalmahan lang natin okay! Hooooh!
-
Goodvibes muna tayo!
Yakap! Mwah!