Paghihintay...
Mga araw naging mga linggo hanggang sa naging buwan... Isang buwan na ang nakakalipas simula no'ng umuwi si Storm sa Manila hinihintay pa din ni Summer ang pagbabalik nito. Hindi naman sila nawawalan ng kominikasyon, araw-araw namang tumatawag ang lalaki, halos araw-araw din kung makatanggap sya ng kung anu-ano mula dito kaya kahit pa na medyo naiinip na sya sa ay pinanghahawakan pa din nya ang sinabi nitong babalik ito para sakanya.
"malayo nanaman ang tingin ng dalaga ko ah?" umupo pa sa tabi nya ang kanyang ina para matignan sya ng mabuti.
"mudra tingin mo babalik pa yun si Storm?" hindi na nya maitago ang lungkot sa boses na tanong nya dito. Ngumiti naman ang kanyang ina sakanya at hinaplos ang kanyang mukha.
"tingin ko naman ay seryoso sya sa sinabi nyang gusto ka nya, at hindi naman sya pumapalya sa pagpaparamdam sayo no'n hindi ba?"
Tango lang ang nagawa nyang isagot dito, mahinang tinapik ng kanyang ina ang balikat nya bago ito tumayo at iwan sya doon sa may bintana.
Kumunot ang noo nya ng matanawang paparating si Pamela kasama si Romel. Tumayo sya at sinalubong ang mga ito sa may pintuan ng kanilang bahay.
"maganda ka pa sa hapon day! May gusto daw kumausap sayo." nagtatakang napagawi ang tingin nya kay Romel na ngayon ay nakayuko.
"para namang iba ka at kinailangan mo pa talaga ng kasama para magpunta dito ha Romel? Ano ba yun?" kakamot kamot naman itong ngumiti sakanya.
"ahh maiwan ko muna kayo, makikimeryenda na muna ako bff." nauna ng pumasok sa loob si Pamela at dumeretso sa kusina nila para makimeryenda.
"pasok ka na din muna Romel." aya nya dito pero hinawakan nito ang kamay nya para pigilan sya, nagulat na napatingin sa binata si Summer na mukhang nagulat din sa ginawa at biglang napabitaw.
"ahh, dito nalang Summer."
"sige, ikaw bahala. Ano ba yun?"
Ilang segundong nakayuko at tahimik lang na nakatingin sa mga paa nya si Romel kaya naman naguumpisa ng mapikon si Summer. Hinampas nya ito ng mahina.
"huy! Anyare na?"
"ahmm Summer, ano eh... ahm..."
"haaa? Ano?" nagangat ng mukha si Romel sakanya at tumingin ng deretso sakanyang mata.
"p---pwe---pp-wede ba akong m---man---manligaw?" napatanga sya sa sinabi nito, hindi nya inaasahang yun ang sasabihin ng kababata.
Ilang segundo silang nakatayo lang at nakatingin sa isa't isa bago tumikhim si Summer at nahihiyang humarap ng maayos sa binata.
"Romel, ano kasi eh... Ah... Alam mo naman na importante ka sakin di ba? Kahit na lagi tayong nagkakainisan mahalaga ka sakin dahil kaibigan kita, sabay na tayong lumaki." nakatingin lang ito sakanya na hinihintay ang susunod pang sasabihin nya.
"Pero kasi, parang kapatid ang tingin ko sayo. Hanggang doon lang talaga eh. Sorry." mapait ang nalalasahan nya sakanyang bibig habang binibitawan ang mga salitang yon sa kaibigan.
Nanlumong, mapait na ngumiti naman sakanya si Romel at pilit na pinatatag ang boses.
"matagal na kitang mahal Summer, mga bata palang tayo. Siguro nahuli na ako, torpe kasi eh. Pero naiintindihan ko. Sige, pasensya kana." gusto nyang maiyak ng magumpisa na itong maglakad palayo.
Napakabuti nitong kaibigan at ngayon alam nyang dahil sa nangyari ay malaki ang magbabago sakanilang dalawa. Pumasok nalang sya sa loob at napaupo sa upuan nila, sya namang balik ni Pamela na nakakaintinding lumapit at yumakap sakanya.