Pana ni Kupido...
"hi ser Storm!!!" bati ni Summer sa binata. Pagkatanggap nya ng text nito ay kaagad nya itong pinuntahan.
"hello Summer, come in. May tatapusin lang ako." nahihiya naman syang pumasok sa loob ng kwarto ni Storm.
Pinaupo sya nito sa sofa habang nagderetso naman sa kusina ang lalaki. Ginala ni Summer ang paningin sa buong silid hindi nya maiwasang mamangha dahil kung hindi sya nagkakamali ito ang pinakamahal na silid sa resort dahil meron itong direkta at napakagandang view ng dagat.
Bigtime talaga!!! Sya namang balik ni Storm sakanya na may dalang juice.
"here, i'll be very quick."
"sige lang ser, salamat po." dumeretso na ito sa loob ng silid habang sya naman ay binusog nalang ang mga mata sa pagmamasid sa dagat na tanaw nya mula dito dahil sa bukas na veranda.
Masyado syang nagenjoy sa pagtanaw sa dagat kaya hindi nya namalayan na lumabas na ng silid si Storm at pinagmamasdan sya na may pigil na0 ng itineraries sa labi. Tumikhim ito para makuha ang atensyon ng dalaga na agad naman lumingon.
Muntik pang mapasipol si Summer nang bumungad sakanya ang bagong ligong si Storm, parang ang sarap nitong amuy-amoyin.
"you're drooling summer." seryosong saas ni Storm na tinuro pa ang gilid ng labi nya. Wala sa sariling napapunas tuloy sya dooon na ikinahalakhak ng lalaki.
"wala naman ser eh! Grabe!" nakasimangot na sabi nya dito, agad naman pinaseryoso ni Storm ang mukha ng makitang di tumatawa ang dalaga.
"hey i'm just kidding."
"hehehe nagbibiro lang din naman ako ser. Kayo talaga!" may pag kindat pang sagot naman nito saka nauna ng naglakad papunta sa may pinto.
Natatawang umiling nalang si Storm sa inasal ng dalaga at sumunod na sakanya palabas.
"so where are we going, miss tour guide?"
Saglit munang nagisip si Summer bago nakakalokong tumingin kay Storm.
"hmmmm... Basta tara!"
Hinila nya ito pero agad din na parang napapaso nya itong binitawan. Nagpatiuna na syang pumasok sa elevator, pasimpleng pinapakalma ang sarili.
Ngiti-ngiti naman si Storm na pasulyap sulyap din sa dalaga.
Naglakad lang sila ng naglakad hanggang masayang kumaway si Summer sa isang matandang lalaki na nagaayos ng bangka.
"Manong Arman!! Maganda umaga ho manong!" masiglang bati nya rito na sinuklian din naman ng matanda ng masiglang bati.
"napakataas talaga ng enerhiya mong bata ka. Ano ba ang atin?" nakangiting tanong nito habang iiling iling.
"ay manong, may kasama po akong turista. si ser Storm po, ser Storm si manong Arman pinakagwapong bangkero dito sa La Union!" magalang namang nagabot ng kamay si Storm habang si mang Arman ay parang naestatwa ng nakatitig lang sa mukha ng binata kaya naman tinapik na ito ni Summer.
"uy manong! hala, nainlab ka na ata kay ser Storm. Hindi kayo talo manong!" maarteng saad nya dito, doon palang natauhan at natatawang nagabot ito ng kamay.
"pasensya na po ser, namangha lamang ako dahil akala ko eh anghel na mula langit na kayo." ngiti lang naman ang sinagot dito ni Storm.
"naku! yan na nga ba sinasabi ko manong, aagawan mo pa ho ako eh! Wag ganyan!" derederetso nyang sabi habang nagmamaktol lalo syang napasimangot ng humalakhak ng malakas ang matanda.
