Milka's POV: one zero
"Saan ka nanaman nanggaling? Anong oras na? Uwi ba ng matinong babae yan?" Pasuray suray na lumakad sa akin si mom.
Kapag lasing lang yan may pake sakin, pag lasing nya lang din ako napapansin. Masama bang hilingin ko na sana, kahit hindi sya lasing ay mapansin nya ako?
"Matutulog na po ako" walang gana kong sambit saka umakyat na sa hagdan.
Hindi pa ako tuluyang nakaka akyat ng makarinig ako ng pagkabasag.
Lagi naman syang ganyan pag lasing nagbabasag at saka umiiyak. Nasanay na ako na palagi syang ganyan,simula ng naghiwalay sila ni dad.
Napabuntong hininga nalang ako at saka nagtungo ng banyo para maligo.
Nakatulala lang ako sa kisame habang inaalala ang nangyari kanina sa paraiso. His beautiful eyes, thick brows, pointed nose and reddish thin lips.
Shut up Milka! Wag mo na isipin yun! Iyun na ang una't huli nyong pagkikita...
Mabilis kong tinapos ang paliligo at saka humiga na sa kama para matulog.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng pangyayari na yun. Papasok na naman ako sa University.
Tamad akong naglakad patungong room. Prente akong naupo sa aking upuan ng biglang dumating ang aming professor.
Agad na bumati ang aking mga kaklase habang ako ay walang emosyon lang na nakatingin sa kanila.
"Good morning Ms. Isabella"sarcastic na bati sa akin ng professor. Tinignan ko lang siya ng walang gana kaya naman nagiwas sya ng tingin.
"Okay class we have a transfer student here, introduce your self Mr. Jackson.
Agad na nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa harap, nakangiti ito ngunit nasa akin ang atensyon. Pinagtaasan ko lamang sya ng kilay saka muling nagiwas ng tingin.
"Good morning everyone my name is Dansel Mychael Jackson. Just call me Dan if you want." Aniya ng ngiting ngiti.
"Okay take your sit Mr. Jackson" nakangiting pahayag ng aming prof. Hindi ko nalang sila pinansin at saka dumukmo para matulog.
Hindi pa man ako nagsisimulang matulog ng may tumabi sa akin. Agad na nagsitayuan ang aking balahibo ng maramdaman ko ang pagtitig nya sa akin.
"Hi miss long time no see" aniya ng nakangiti. Tinignan ko lang siya ng masama saka muling dumukmo.
Pero kahit anong pilit kong matulog ay hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Nagkunwari akong tulog para kahit papaano ay mabawasan ang aking pagkailang.
"I don't want another face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
I know that you are something special
To you I'd always be faithful
I want to be you what always needed
Then I hope you'll see the heart in me🎶"
Fuck! He had a good voice!
"Ano ba ang ingay mo! Hindi ako makatulog!" kunwari'y iritado kong sambit.