Milka's POV:
At iyon nga ang ginawa namin pumunta kami sa bahay nila kasama ang kanyang lola. Isinama ko rin si nanay Elma at ang driver kina Hansel.
Nalaman ko rin na ang Lola nya nalang at ang kanyang tatay ang kasama nya sa bahay. May isa din syang kapatid na babae at 6 years old palang ito.
Ipinalibot ko ang tingin sa kanilang bahay. Malaki ito at malinis, maaliwalas ang dating ng kanilang bahay kaya masarap pagmasdan.
May mga paintings din at may mga pictures ng pamilya nila.
Nilapitan ko ang Isa sa mga paintings at saka ko ito tinitigan.
Nasa hospital bed yung babae at may mga nakakabit na aparatos sa kanya. Tulog na tulog ito at may lalaki sa gilid nya na iba yung kulay, sa tingin ko kaluluwa na ito. May mga luha sa pisngi ng lalaki habang pinagmamasdan yung girl na natutulog.
Iniwas ko ang aking paningin dahil sa pinapahiwatig ng painting na iyon.
"Ate kakain na taw po" napalingon ako dahil sa nag salita. Ito yung sinasabi ni Hansel na kapatid nya.
Napatitig ako sa itchura nya at parang wala itong pinagkaiba kay Hansel.
Girl version huh?
Pumunta kami sa dinning room kung saan may mga nakahandang pagkain.
Tinawag pa yung Iba para sabay sabay kaming kakain. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mailang dahil sulyap ng sulyap ang Lola ni Hansel.
Puro kwentuhan at tawanan kami dito sa hapag.
Hindi mapagkakaila na masaya at magaan kausap ang tao sa bahay nila."Sya nga pala hija, ikaw ba iyong kinukwentong nobya nitong si dadang?" Nakangiting tanong nya.
Seriously dadang? Kamuntikan pa akong mapahagalpak dahil sa nickname nya!
"O-opo" nahihiya akong nagbaba ng tingin sa hapag.
"Tama nga ang sinabi nitong Apo ko, magandang dilag pala talaga ang nobya nya! Kaya Apo, ikaw ingatan mo tong magandang dilag na ito! Naka jackpot ka!"
Nagtawanan ang mga nasa hapag dahil sa sinabi ng lola ni Hansel.
"Alam mo ba nung bata pa lang itong Apo ko, lagi nyang kinakain yung biscuit na Hansel kaya naman naisipan kong isunod ang pangalan nyang Dansel" pagkukwento ng lola nya.
So tama pala ang hinala ko!
Namumula ang mukha nito at ang tainga. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa akin.
Umalis sandali ang lola nya at pagbalik ay may dalang photo album.
"Tignan mo ito, Mapapansin mong maraming putik sa mukha nya diba? Nangudngod lang nam--"
Pftt! Nakahubad si Hansel sa picture at kitang kita ang maliit nitong puwet.
"La! Tama na yan nakakahiya sa bisita!"
"Ano naman ngayon Apo? Kinukwento ko lang naman yung kapilyuhan mo nung bata ka pa" nangaasar itong tumingin kay Hansel.
Tumayo si Hansel at saka hinawakan ako sa kamay.
"Labas muna tayo..." Nakatungong sambit nya bago ako hinila palabas.
Nasa garden kami ngayon at parehong tahimik, Ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Agad ko itong hinagilap at saka sinagot.
"Ayon sa test Ms. Isabella, 1 week and 5 days nalang ang eksaktong linggo at araw ang itatagal mo. Kung hindi parin tayo makakahanap, malabong makaligtas ka pa sa sakit mo. Pero sa ngayon may ginawa akong gamot ngunit hindi pa ito sigurado..."