Milka's POV: ha?
Ilang subject na ang nagdaan ngunit hindi parin ako makatulog. Namamalayan ko nalang na hinihigit ko na ang aking hininga.
Malakas ang tibok ng aking puso kaya madalas ay napapahawak ako dito.
"Gatas ko, sige na kasi! Wala naman akong gagawin sayong masama eh! Mag dedate lang tayo sa condo" nagmamaktol na sabi ng katabi ko.
Inis ko syang nilingon at nakita kong magulo ang kanyang buhok at kagat kagat nya ang pangibabang labi.
Nakatingin sa akin ang kulay gray nitong mata kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito.
"I'm your boyfriend so you can't do anything kapag sinabi ko" nakangisi ito sa akin kaya naman ginantihan ko sya ng mas malawak na ngisi.
"I'm your girlfriend. Kapag ayaw ko susundin mo, ako ang batas at ikaw ang taga sunod naintindihan mo ba yon?"
Kamuntikan na akong mapahagalpak ng makita ko ang pag irap ng mata nito.
"Paano kung hindi ako sumunod?" Nakasimangot na tanong nya.
"Simple I will break yo--" he cut my words.
"F*ck! dammit babe! That's unfair!" Marami pa itong sinabing mura kaya naman napatawa na ako.
"Susunod ka o hihiwalayan kit--"
"Oo na! Oo na! Ano bang sabi ko? Susunod na nga diba?" Suplado ang mukha nito at saka umirap.
Sumapit na ang break time kaya naman agad akong nagtungo sa cafeteria.
"Hindi man lang nakonsensya! Hindi man lang inaya ang boyfriend nya na kanina pa gutom na gutom!" Pagpaparinig ng nasa likod ko.
Lihim akong napangiti ng nauna itong maglakad sa akin. Dali dali akong nagiba ng direksyon at ilang saglit lang ay naririnig ko na ang padabog nitong martsa sa likod.
Umupo na ako sa dati kong upuan at saka oorder na sana ng nagpresinta ang nasa harap nya na kanina pa nakasimangot.
"Ako na!"
Tahimik lang akong kumakain at minsa'y sumusulyap sa lalaking nasa harap ko.
Suplado itong kumakain at kapag magtatama ang aming mata ay agad itong umiirap.
Mabilis lumipas ang oras, nandito ako ngayon sa classroom at nagaayos ng gamit. Magdidilim na at ako nalang ang tao dito kaya binilisan ko ng magligpit. Mahirap na baka may gumagalang multo dito.
Kinuha ko na ang bag ko at patakbong umalis para magtungo sa parking lot.
Naabutan kong nakapikit na nakahilig si Hansel sa kotse at naka pamulsa ito.
Perpekto ang kanyang panga at maganda ang kurba ng kanyang Adams apple.
Naramdaman nya ang presenya ko kaya nagmulat sya ng mata at lumapit sa kinatatayuan ko.
Napalunok ako ng dilaan nya ang kanyang labi at saka ito kinagat. Matamang nakatitig sa akin ang kulay abo nyang mata at ilang saglit pa bago nya ako hinila putungong kotse at binuksan iyon.
"Paano napunta sayo yang susi ng kotse ko?" Mataray kong tanong.
"Kinuha ko kanina habang tulog ka" simple nyang sabi at saka sumakay na ng kotse.
Sya ang nagmamaneho ng kotse kaya tahimik lang akong nakamasid sa daan.
"Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong dahil pamilyar ang daan na aming tinatahak.
"Paraiso" tipid nyang sambit at pinark ang sasakyan sa ilalim ng puno.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at titig na titig nanaman ito sa akin. Darn! Bakit ang gentleman nya?
Nakanguso akong lumabas at nauna ng maglakad patungo sa taas kung saan kitang kita ang kalangitan na punong puno ng bituin.
Wala pa ako sa kalagitnaan ng naramdaman ko ang braso nya na pumulupot sa bewang ko.
Hindi ako makagalaw ng maayos hanggang sa makarating kami sa pinakataas. Umupo kami at nakatingala sa magandang kalangitan.
"Look at the moon bb, maganda diba?" Tanong nya ng nakangiti.
Tinignan ko ang buwan at nakita kong maganda ang hugis nito ngayon. Tumango ako kay hansel at saka ngumiti.
"Do you want to hear the short love story about the moon and the sun?" He asked. Humiga sya sa damuhan at tinapik ang tabi nya.
Humiga na ako sa tabi nya at sinimulan nya ng magsalita.
"A legend say that the sun and the moon have always been in love, but they could never be together, because the moon rises at sunset and the sun just at dawn. And his infinite goodness, god created the eclipse as proof that there is no love impossible" bumaling ito sa akin ng nakangiti.
Napatitig ako sa kanya dahil masaya itong nakatitig sa kalangitan.
He really loves the moon!
"Sky full of stars but my eyes are only chasing the moon" he said. Makinang ang mga mata nito at malungkot ang boses.
"Do you want to hear the story about the boy and his mom who loves moon so much?"
"Y-yes"
"Tuwing mag gagabi laging nasa paraiso ang mag Ina para pagmasdan ang buwan at mga bituin. Iyon ang bonding nila tuwing gabi..... Masaya sila nun.... sobrang sya..." Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at agad nya iyong pinunasan.
"Then one day nagpunta ulit sila sa paraiso.... The young boy is really happy but his beautiful mom is not.... Malungkot sya nitong pinagmamasdan na parang may mangyayaring hindi maganda. Then shoot! Pag dating nila sa bahay..... His mom can't breath clearly.... Nakahawak ito sa puso at hinahabol ang hininga. The doctor told him that his mom is gone at may sakit ito sa puso... Hindi sya naniwala hanggang sa tinignan nya ang nakahiga, her mom..Umiyak sya ng umiyak hanggang sa Wala na syang mailuha..."
"Simula non lagi ng nasa paraiso yung batang lalaki at magisa nya nalang na pinagmamasdan ang buwan..."
"Anong pangalan ng batang lalaki?" Tanong ko
"Dansel Mychael Jackson..... Ako, I only love one girl in my life, she's my mom until you came." Nakangiti nyang sambit.
F*ck! I'm speechless!
Kung sya yung batang lalaki... Bakit parang wala syang dinanas na hinanakit? Dahil ba lagi syang nakangiti?
"Alam ko ang iniisip mo bb, there was a sadness behind my smile..."
"A-ah.." nagiwas ako ng tingin dahil sa nakakailang nyang titig.
"Pero dumating ka... " he whispered
"W-what do you mean?" I asked
"You came, unti unti mong inaalis yung lungkot na nakabaon dito sa puso ko. Lagi mo akong pinapasaya, pinapatawa pinapakilig din at the same time" nakangiti nyang sambit
"Pinapakilig? Bading kaba?" Nakakaloko kong tanong. Imbis na magalit ay nakakaloko pa itong tumawa.
"Maybe? Bading na bading sayo....yiee" aniya at sinundot sundot ang tagiliran ko.
"Ha?"
"Ang sabi ko bading na bading sa--"
"Hatdog" pamimilosopo ko at saka umirap.
"Ha?"
"Halam--"
"Halabyouuu" aniya at humalakhak.
Okay speechless! Pinanlakihan ko sya ng mata saka bumaling ulit sa kalangitan.
"Halabyouuu more than the moon baby milk" he said huskily kaya hindi ko na mapigilang mapangiti.