Fifth day of her happiness

1.5K 13 0
                                    

Milka's POV: I like you

Naglalakad ako ng wala sa sarili at bumalik na sa classroom. Naabutan ko si Hansel na malamig na nakatingin sa kawalan.

Pumasok na ako kaya bumaling ang malamig nyang tingin sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka seryoso.

Umupo na ako sa upuan sa tabi nya,Hindi ko nalang sya pinansin at saka nagtulog tulogan.

"Hindi na nga nag salita, umalis pa!" Nagmamaktol na sambit ng katabi ko.

"Tapos ngayon parang hangin nalang ako? Ha! Akala nya hindi na talaga kita kakausapin Milka! Mag pakailanman magpasawalan----" muntik na akong mapahagalpak sa tawa pero pinigilan ko iyon at nagalit galitan nalang

"Ano ba! Ang ingay ingay mo!" Inis inisan kong tugon.

"Hindi ako maingay! Yung maingay sumisigaw! Mag kaiba ang sigaw sa bulon---" namumula na sya sa inis.

"Akala nya hindi na talaga kita kakausapin Milka!" Panggagaya ko kaya naman nahihiya syang nagiwas ng tingin.

"Hmm.. hindi pala kakausapin ah" ani ko at tinusok tusok ang tagiliran nya. Napaigtad ito kaya napahagalpak ako ng tawa.

"A-ano b-ba! H-hindi kita kakausapin!" Aniya at saka hinuli ang kamay ko.

Nakatingin ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang. 

"Pumayag ka ba?" Seryoso nyang tanong kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Nakipag balikan ka ba?" Malamig nyang tanong. Hindi agad ako sumagot kaya naman agad nyang binitawan ang kamay ko "Mukhang alam ko na ang sagot..... Maging masaya ka gatas ko." Aniya at saka ako iniwan.

"Problema non?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko.

Napailing iling nalang ako at saka dumukmo para matulog.

Nagising ako dahil sa bulungan sa aking harapan.

"Nasan kaya si Dansel? Nakakainis! Bakit ba hindi sya pumasok? May date pa naman kami mamaya"
Maarteng sambit ng linta sa harap ko.

Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. Napatayo ako at saka humarap sa kanila.

"Will you please shut your fucking big mouth? Ipit na ipit! Nakakairita!" Hinampas ko sa kanyang bibig ang notebook na hawak ko at padabog na umalis.

Nasaan ba kasi yun? Maghapon na hindi pumasok? Nagaaral pa ba yun?

Bakit ba ako nag aalala? Eh may date pa sila mamaya ng pabebeng linta na yun!

Nagdadalawang isip pa tuloy ako kung hahanapin ko ba sya o uuwi nalang?

Namalayan ko nalang ang aking sarili na naglilibot sa buong University. Napahinto ako ng makita ko syang naguunat na lumabas ng clinic.

Napabaling ang atensyon nya sa akin kaya lumamig na naman ang tingin nya. Magsasalita pa lang ako ng bigla nya akong lampasan.

Laglag panga ko syang sinundan ng tingin, Dirediretso syang naglakad. Kaya naman maglalakad na sana ako ng bigla syang magsalita.

"A-ano bang sasabihin mo?" Iritado nyang tanong. Ngunit hindi ko sya pinansin at naglakad nalang.

"Ano ba? May sasabihin ka ba?" Iritado nyang tanong habang ang kamay ay nakahawak sa pulso ko.

"Wala! Napadaan lang ako! Iniisip mo ba na pinuntahan kita dito para lang kausapin ka?" Inis kong tanong na ikinapula nya.

"H-hindi ah! Mukha ka kasing may sasabihin kaya kita pinuntahan! Ako na nag adjust!" Aniya ng hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Assuming ka kamo!" Ani ko at maglalakad na sana ng hawakan nya nanaman ako "Ano na naman b--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Ikaw ang assuming! Anong gagawin mo dyan? Tatae? Walang daan dyan chitae! Gusto mo bang ma rape dyan ng kung sinong siraulo?" Lumalaki na ang butas ng ilong nya sa galit.

Damn napaghahalataan ako dun ah. Bakit ba kasi nasa dulo yung clinic?

"Umalis ka nanga! At mukang may date ka pa mamaya sa pabebeng linta na yun!" Ani ko at nauna ng maglakad agad naman syang sumunod.

"Ikaw nga nakipagbalikan pa sa GGSS na yun! Mukha namang Tomboy na nagmamaneho ng Mio!" Inis na inis na sambit nya.

"Bakit ba pinipilit mo ako dun? Hindi ako nakipag balikan okay? Cause I love someone else" I rolled my eyes.

"Sino naman yang mahal mo? Fuck gatas ko! Nagseselos ako kahit hindi tayo!" He said. Padabog itong naglakad.

Agad akong sumunod sa kanya kaya humarap ito sa akin.

"Bakit ka sumusunod?"

"Bakit ka ba sumisigaw? Eh dyan ang daan papuntang parking lot eh! Edi ikaw dumaan ka dun, mag pa rape ka!" Yamot kong tugon at nauna ng maglakad.

"Wala kang dalang kotse wala din ako, kaya mag commute na tayo!" Aniya at inakbayan ako.

Nag abang kami ng bus. Umaayaw ako pag may dumadaan dahil punong puno ang bus na akala mo zombie na ang nasa loob eh!

" Habang pa lalim ng palalim ang gabi mas mahihirapan tayong umuwi! Kaya tara na!"

Hinila nya ang pulso ko at pumasok na sa bus. Nakatayo kami kaya kapag pumepreno ang bus ay na wawalan ako ng balanse.

Hindi ako sanay mag commute kaya nung may kumalabit sa akin ay tinignan ko ng masama.

"Bayad mo neng"aniya.

"Nakatayo na kami kuya oh! Naniningil kapa!" Sigaw ko.

"Kung ayaw mong magbayad ineng bumaba ka nalang" aniya.

"Kuya hindi na po kailangan... ito na yung bayad namin" sabi ni Hansel sabay bigay ng pera sa mama.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong hinanap biglang nagpreno ang bus kaya naman ay nawalan ako ng balanse.

"Humawak ka kase gatas ko" bulong nya sa tenga ko habang ang isang braso ay nakahawak sa bewang ko.

Doble doble ang hawak kong bag kaya hindi ako makahawak.

Nakita nya iyon kaya hinawakan nya nalang ako sa bewang hanggang sa makarating kami sa Makati.

"Thank you" pagpapasalamat ko

"Hatid na kita baka ma rape ka pa, ako lang pwede mang rape sayo" aniya kaya kinurot ko sya sa tagiliran.

Nang makarating na kami sa may tapat ng subdivision ay humarap ako sa kanya.

"May nakalimutan ako...."kinuha ko ang stick sa bulsa ko saka inabot sa kanya.

Una kong inabot ang itim saka nagsalita. "I hate you kase hindi ka natatakot sa akin! Lagi mo akong natatabla!" Inabot ko din sa kanya ang dilaw na stick.

"Lagi mo nalang ako napapatawa tuwing magkasamasa tayo. Hindi iyon pilit dahil may pinagmumulan yun" sambit ko sabay turo kung saan naka pwesto ang aking puso.

"And last..."binigay ko sa kanya ang kulay pula. "I don't know but when we're together like this, my heart is beating really fast" nilahad ko ang kamay ko sa kanya na agad naman nyang tinanggap.

Inilagay ko iyon sa aking dibdib

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya

"M-mlakas yung t-tibok"aniya

"Nagwawala yan pag nandyan kana" ani ko ng nakangiti "by the way my Hansel, I like you" I said before left him.

11 days for her happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon