Eighth day of her happiness

1.3K 16 0
                                    

Milka's POV:

Ngiting ngiti akong nag park ng kotse at kinuha ang gamit sa loob. Busy ang mga teacher ngayon dahil sa nalalapit na graduation kinabukasan.

Habang naglalakad ako ay hindi tumakas sa akin ang pagbubulungan ng mga estudyante.

"Oh my gosh! Alam mo bang kukuha ng sikat na make up artist si mommy para sa graduation natin bukas? Paniguradong maiingit sila sakin 'cause I'm more beautiful than them" 

Napairap nalang ako dahil sa pagbubuhat nya ng sariling bangko.

Ganito naman sa University na to eh! Pinangagalandakan yung sarili nilang yaman at sarisariling buhat ng bangko.

Dumiretso nalang ako sa classroom dahil umagang umaga pinapainit nila ang ulo ko.

Hindi narin naman ako aasa bukas na darating ang mommy ko, lagi nalang si nanay Elma ang nandyan tuwing ga-graduate ako.

At si mommy? Iyon naglalasing at paminsa'y nagdadala ng lalaki sa bahay.

Nakita ko lang naman ang magaling kong mommy na nakikipaglantungan sa lalaki nya.

Ayaw ko namang masira ang araw ko kaya itinulog ko nalang at isinantabi ang mga iniisip.

Nagising ako ng naramdamang may kamay na kumakalikot sa buhok ko. Dahil sa gulat ay agad akong napabangon at tinignan ng masama ang lapastangan na iyon.

"Wag kang malikot, nakatakas tuloy yung kuto sa buhok mo!" Dismayado nyang sambit at hinawakan ang ulo ko para padukmuin ulit.

"What the hell?" Inis kong tinampal ang kamay nya at tinignan sya ng masama.

Ibinaba nya ang kamay at naiiritang tumingin sa akin.

"Wag kang malikot! Iyon na ang pagkakataon para makakuha ng kuto tapos naglikot ka pa?" He rolled his eyes.

Pffft bakla!

"FYI wala akong kuto! Malinis ang buhok ko at mabango. Kung gusto mo, amuyin mo pa!"

"Hmm... Ang bango talaga ng gatas ko nakakaadik ang amoy at hindi nakakasawa" aniya habang inaamoy ang buhok ko.

Tinignan ko sya ng masama saka nagiwas ng tingin.

Mabuti nalang at wala ngayong masyadong tao sa classroom dahil break time na.

"Tara sa cafeteria dairy milk, Alam kong gutom kana" aniya at saka hinila ang kamay ko.

Cafeteria

"Anong oorderin mo gatas ko?"

"Katulad nalang ng sayo"

"Aww Hindi ko akalaing ganyan ka pala ka sweet gatas ko"

Inis ko lang syang binalingan ng tingin at dahil sya Hansel, ay kinindatan nya lang ako.

Dumating na ang order at nagsimula na kaming kumain.

"Manliligaw ulit ako" seryoso nyang sambit.

Kamuntikan ko ng mailuwa ang kinakain kong burger dahil sa sinabi nya.

"A-ano?"

"Sabi ko, manliligaw ulit ako para hindi mo naman isipin na pinilit lang kita na maging girlfriend ko." Ngumisi ito kaya naman nagbaba ako ng tingin.

"Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita kaya wag ka ng tumanggi.....gusto kita, sagot mo nalang ang hinahantay ko"

Ganto ba talaga to manligaw? Really fast huh?

"G-g-gusto din n-naman kita kaya...."

"Ang dami namang g-g-gusto nyan?" Aniya at saka humagalpak ng tawa.

"Hindi pa ako tapos!"

"Okay continue" nangingiti ang mga labi nito.

"T-tayo n--" he cut my word

"Talaga? Tayo na? Totoo? Pwedeng ulitin mo?" Sunod sunod nyang tanong.

"Dun din naman patungo nyan kaya bakit ko pa papatagalin?" I rolled my eyes.

"Woaaahhh! Tayo na nga?" Nanlalaking matang tanong nya habang niyuyogyog ang balikat ko.

"Oo. Hinaan mo nga yang boses mo!" Tinampal ko ang kamay nya saka nag iwas ng tingin.

Nagulat ako ng bigla syang tumayo sa lamase saka sumigaw.

"SINASAGOT NA AKO NI GATAS KO! KAMI NA WOAHHHH!"

Parang bata itong sumuntok sa hangin kaya naman natawa ako.

Ngiting aso itong lumapit sa akin kaya hindi ko mapigilang mailang.

Pagkatapos ng nakakailang na pangyayaring iyon ay panibagong nakakailang na eksena naman.

Pauwi na kami ngayon at hanggang ngayon ay hindi parin nabubura ang nakakainis nyang ngisi.

"Wag ka ngang ngumisi! Para kang baliw!"

He chuckled.

"Hindi na ba pwedeng maging masaya ngayon?" Ginagalaw galaw nya ang kamay naming magkahawak at saka ako tinignan.

Dala nya ang bag ko ngayon at wala akong mahawakan. Paniguradong lukot na lukot na ang aking palda dahil sa higpit ng hawak ko dito.

The fuck! Ganto pala kiligin? Halos maihi na ako sa sobrang pagtitimpi!

Daldal lang sya ng daldal habang nag lalakad kami 'oo at hindi' lang lagi ang sagot ko tuwing nagtatanong sya.

"Sino nga palang aattend sayo bukas?" Huminto ito sa paglalakad at saka tumingin sa akin.

Napa tungo nalang ako dahil hindi ko alam kung sino ang aattend sakin bukas, siguro si nanay Elma nanaman.

"Ewan. Si nanay Elma nalang siguro" ani ko at nauna na sakanyang maglakad.

"Sino yun?  Mama mo?" Curious nyang tanong.

"Hindi. Tinatawag ko lang nanay dun kase ako mas komportable"

Sumabay sya sa paglalakad ko at hinawakang muli ang aking kamay.

Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating sa sakayan. Hindi ko na dinadala ang kotse ko para makasabay kay Hansel.

"Nga pala, sama ka sakin bukas after graduation may kaunting handaan kasi kami sa bahay"

Sa bahay nila? Ipapakilala nya rin kaya ako? Anong sasabihin ng mga magulang nya pag nakita ako? Aayawan kaya nila ako?

Huminga ano ng malalim dahil sa isiping iyon. Pero mas mabuting sumama ako para makilala ko narin ang parents nya.

"S-sige"

Mabuti nalang at may huminto ng bus  dahil kung mananatili pa kaming mag kasama ay baka hindi  ko na mapigilan ang sarili kong maglumpasay sa kilig dito.

Masaya kong binuksan ang aming gate. Nasa labas palang ako ay kita ko na ang sasakyan ni mommy.
Tss akala ko wala ng balak umuwi yun.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko si mommy sa sofa na natutulog at may basag na bote sa sahig.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtungo na sa kwarto para maligo at makapagpahinga na.

Nagising ako kinaumagahan na wala na ang sasakyan ni mommy siguro maaga iyong pumasok sa opisina.

"Anak..hindi ba ngayon ang graduation mo? Anong oras ba? Para makapaghanda ako ng maisusuot ko mamaya" nakangiting bungad sa akin ni nanay Elma.

"Mamaya pa pong five ang simula" Ani ko at pumunta na sa kusina kung saan nakahanda na ang agahan.

Pinasabay ko na ang mga kasambahay sa akin para kahit papaano ay hindi nakakalungkot kumain.

Paalis na ako ng bahay ng tumunog ang telepono sa sala. Dali dali akong bumalik at sinagot ang tawag.

"Hello who is this?"

"Ms. Isabella may kailangan kang malaman tungkol sa sakit mo... Mabuti pa at pumunta ka ngayon sa hospital ko para masabi ko sayo ng maayos." Ani ni Dr. Alonzo at saka ako binabaan ng tawag.

Ano ang dapat kong malaman? Malakas man ang kabog sa aking dibdib ay dali dali kong pinaandar Ang kotse patungong hospital ni Dr. Alonzo.

11 days for her happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon