Fourth day of her happiness

1.6K 13 0
                                    

Milka's POV: The red, black and yellow stick

Hindi ako pumasok kahapon dahil nagpa check up ako kay Dr. Alonzo, umatake na naman ang sakit ng aking puso kaya nag pahinga lang ako buong magdamag.

Ilang araw na rin hindi umuuwi si mommy, ako at ang mga maids lang ang tao sa bahay. Gabi gabi rin akong nagtatanong sa sarili ko na... Gusto ko ba sya?

Bumaba na ako ng hagdan para kumain at ng makapasok na. "Anak, masama pa ba ang iyong pakiramdam? Huwag ka nalang kaya munang pumasok" halata ang pagaalala sa boses nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo na sa kusina para kumain.

Sya si nanay Elma, mas komportable akong tawagin syang nanay dahil para ko na rin syang tunay na Ina.

Kung titignan parang si nanay Elma pa ang tunay kong Ina kaysa kay mommy. Napabuntong hininga nalang ako at saka nag simula ng kumain.

Nagpahatid nalang ako kay manong Bert dahil hanggang ngayon ay kumikirot parin ang puso ko.

Pagdating ko sa University ay nagaalalang mukha ng lalaki ang sumalubong sa akin.

"Are you okay? You look pale" nagaalalang nyang sambit. Tumango lang ako at nauna ng maglakad.

At kung hindi rin ako tatanga tanga bigla akong natapilok, inabangan ko na ang pagbagsak ko sa lupa ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi parin ako nakakaramdam ng sakit ng pagbagsak.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang mukha ni Dansel. Nakahawak sya sa aking bewang.

Dahil sa gulat ay dali dali akong tumayo ng maayos.

"A-ano t-thank y-you" ani ko at saka yumuko ng maramdaman ang pamumula ng aking pisngi.

"Mag ingat ka, Hindi ako laging nasa tabi mo para sagipin ka." Aniya at nagiwas ng tingin.

"S-sige una na ako" I said. Bakit parang malungkot sya? May problema kaya yun? Hindi ko nalang iyon inisip saka nagtungo na ng klase.

"So class 1 week nalang tayong magkikita kaya sulitin na natin ito. Hindi ako magkaklase dahil maglalaro tayo. Ang tawag sa larong ito ay confession challenge. I have 3 different color's here. Color red if you had crush on him/her, black if you hate that person and yellow if he/she made you smile and cry. So make a circle and let's start the game" nakangiting wika ng aming Prof.

Bumilog na sila at ako nalang ang hinihintay, tamad akong nagtungo sa kanila at walang ganang umupo.

"Okay let's start. Get 3 different color's and pass"

Kumuha na kami para makapagsimula na.

Tumayo ang nerd naming kaklase saka lumapit kay Dansel. "I like you" aniya at nahihiyang yumuko. Lumapit sya sakin at walang sabing ibinigay ang kulay itim na stick. Agad syang umalis saka binigay ang kulay dilaw sa kanyang kaibigan.

Marami na ang sumunod at maraming nagbigay kay Hansel ng kulay pula, samantalang sa akin naman ay purong itim.

I don't care if they all hate me. Mabait man sila sa akin o naiinis, maganda man sila o panget ang mahalaga hindi ko sila kilala.

Napairap nalang ako sa kawalan. Si Dansel na pala ang nasa harap at nakatingin ito sa akin.

" I will give this red stick to the girl I like" he said. Hindi nya parin inaalis ang tingin nya sakin.

Dahan dahan itong lumapit sa akin at saka matamis na ngumiti. "Hi miss, I'll give you this cause I like you" aniya at binigay sa akin.

May mga napahinga ng malalim at napairap. Tss they're all bitch!

Tinignan ko muna sya ng masama bago ko tinanggap. Tumawa lang sya at binigay din sa akin ang dilaw na stick. "Thank you......fuck! Parang bakla man sabihin pero..." Tinignan nya ako sa mata "You made me happy everytime we're together" nahihiya syang yumuko at inabot din sa akin ang itim "I hate you, dahil ang manhid mo" he said.

My jaw dropped. Nakatitig lang ako sa likod nya.

"Ms. Isabella ikaw na" ani ng prof. Tinignan ko lang sya saka umalis.

Nandito ako ngayon sa rooftop na lagi kong tinatambayan, nagpapahangin ako dito at nasa  malayo ang tingin.

He liked me? Bakit ako? Mas marami pang babae na mas magugustuhan nya..... 

You made me happy everytime we're together

naginit ang aking pisngi ng marinig ang kanyang boses sa aking isipan.

I hate you dahil ang manhid mo

I hate you dahil ang manhid mo

Anong ibig nyang sabihin? napabuntong hininga nalang ako at tamad na umupo sa upuan ko sa rooftop.

Handa na akong matulog ng-----

"Bakit ka umalis? Naiilang kaba?" Tanong ng lalaki sa likod ko.

Agad na nanlaki ang mata ko at saka tumingin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Inis kong tanong.

Biglang naging malungkot ang mukha nya. "I'm here cause I want to explain everything, hindi kita pinaglaruan Isabell....."

Lumapit sya sa akin kaya lumayo ako. "Pwede ka namang magpaliwanag ng hindi lumalapit diba?" Walang gana kong tanong sa kanya.

Tumango sya at saka yumuko "Now... Explain" ani ko.

"Hindi kita pinaglaruan Isabell, remember nung nag text ako sayo na mauuna na ako sa bahay nyo? Tuwang tuwa ako non kasi sa wakas makikilala ko na ang parents mo. Pero pag dating ko ay yung mommy mo na agad ang sumalubong sa akin, magmamano ako nun pero iniwas nya ang kamay nya. Nalungkot ako nun Isabell, lalo na nung sinabi nya na hindi ako bagay sayo...." Iniwas nya ang kanyang mukha pero hindi tumakas sa aking paningin ang pagtulo ng luha nya.

Pinakalma nya ang kanyang sarili bago nag salita muli.

"Kasi.....hindi kami mayaman, nakipag break ako kasi...." his voice cracked "Wala pa akong maipagmamalaki, I did my best, may tumulong sa akin na mag trabaho sa kumpanya habang nagaaral. Tiniis ko lahat ng hirap isabell.... Bawat taon,linggo,araw,oras, minuto, segundo na lumipas hindi kita makalimutan. Yung tumulong sa akin na mag asawa na mayaman wala silang anak o kamag anak. Inampon nila ako then they died, pinamana nila sa akin ang kumpanya Isabell. I did my best kaya mas lumago ito. hinanap kita, nagbabaka sakaling babalikan mo ako....." Aniya at tumulo ang luha

"I promised to myself that I will make you fall again, this time wala ng hahadlang.... But  I saw you yesterday...... when his arms around your waist and his chin on your shoulder, my heart's fell down and broke into a million pieces. That was really hurt Isabell...." His voice cracked, walang tigil ang luha nya sa pagtulo.

Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay tuluyan ng bumuhos.

"Now, tell me Isabell..... Do you still love me? Kasi kung oo I will fight for you isabell, we will fight together."

"Tapos kana ba? Tss ang babaw mo pala" I said sarcastically and smirk

"By the way, lumaban ka magisa mo.. The answer for your question is NO. I love someone else...." Sambit ko at saka iniwan syang umiiyak..

Fight, fight pa syang nalalaman! Utut nya bulok!

11 days for her happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon