MP 20

81 2 1
                                        

Jayden's POV

It's been a month simula nung nalaman namin na si Damian ay anak ni Don Bernardo.
Hindi parin pinapaalis ni Aaliyah si Damian. At so far wala pa naman siyang ginagawang kahit anong masama.

"Anong iniisip mo?" Natigil ang pagiisip ko ng magsalita si Ali. Magkasama kami ngayon on the way sa school. Dadaanan namin si Steph

"Wala." Sagot ko at binalik ng tingin sa daan.

"Hmmm. You're quiet. Anong nakain mo?" Ngiti niya, beautiful as always.

"Wala pa naman akong kinakain." Sagot ko at binalik ang tingin ulit sa daan.

"Let's see a movie after class you want?" Tanong niya sakin. Bago yun a.

"Pass." Ngiti ko sakanya. This past few days mas naging close pa kasi sila ni Damian, so I guess it's time for me to back of ano ba naman laban ko sa childhood friend a.k.a saviour niya. Pathetic Jayden.

"If you say so." Sagot niya at tumingin na sa labas.

Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa kila Steph. Pagtigil ko sa gate ng bahay. Bumusina ako. Lumabas naman agad si Steph at sumakay sa likod.

"Hi Jayyyydeeeeeen! Hiii Liiiyaaaah!" Hyper na bati niya

"Maganda umaga mo ha." Ngiti ko

"Oo naman. Anyways where is Kiel?" Tanong niya

"Busy." Sagot naman ni Ali. Nililigawan kasi ni Kiel si Steph. Nagstart last week. Fir the first time Kiel is inlove!

"Saaad." Sabi niya tapos nagpout

"Alam mo naman diba di biro ginagawa niya." Ngiti naman ni Ali

"I know. Pero kasi bat ikaw. Na babalance mo ang work at personal life."sagot niya

"Masanay ka na di magtatagal magiging parang mga magulang na rin namin kami." Ngiti ni Ali na may lungkot sa mga mata.



Nang makarating kami sa school. Sabay sabay kaming pumasok ng gate humiwalay ako sakanila.

I skipped class. At nagpunta sa rooftop ng school. Gusto ko muna makahinga ng matiwasay.

Habang pinagmamasdan ang school mula sa taas. Sooner or later magtatago na rin sila Kiel once na malaman nilang sila pala ang mga anak ni Don Sebastian at sila na rin ang namamahala sa mga gawain ng RDM. Marami namang nakakakilala sakanila. Tumatahimik lang sila dahil natutulungan din naman sila ng mga Smith. Malaki ang utang na loob ng mga tao sakanila. Kaya wala pang nkaakaalam na awtoridad ngayon. Sa ngayon.

"Andito ka lang pala. Why did you skip?" Tanong ng babaeng tinitibok ng puso ko

"Ang toxic eh. Alam mo yun." Sagot ko pero di ko parin siya nililingon lumapit siya at tumabi sa kinatatayuan ko at tinignan din ang mga tao sa baba.

"Sana kasing normal nalang din nila tayo no." Napatingin naman ako sakanya ng sabihin niya yun, natawa ako ng bahagya at umiling.

"Kaso hindi eh. Nasa komplikadong mundo tayo." Sagot ko at tumalikod at akmang aalis na nang magsalita siya.

"Ako ba iniiwasan mo?" Tanong niya, hinarap ko siya nakatingin na siya sakin. I'll protect those eyes no matter what.

"What do you want me to say?" Pagod na ngiti ko sakanya.

The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon