MP 23

74 1 0
                                    

Jayden's POV

Nagulat kami ni Ali ng kumatok si Kiel.

"Si Kiel?" Sabay naming sabi

Tumayo naman kami pareho. Agad ko namang dinampot ang mga damit ko at nagpunta sa C.R nagbihis na din si Ali.

"W-wait lang!" Sigaw niya

Pinuntahan niya ako sa banyo.
"Go to my walk in! Hindi niya tayo pwedeng makita. Magagalit yun." Sabi niya tumango naman ako.

Alam kong gusto ako ni Kiel sa kapatid niya. Pero ibang usapan yung may nangyari samin. Sobrang protektado niya ang kapatid niya. Naniniwala yun sa kasal muna bago ang lahat lalo na kay Ali.

Narinig kong binuksan ni Ali ang pinto.
"Goodmorning. Kagigising mo lang?" Narinig king tanong ni Kiel at pumasok siya
"Ano ba to Aaliyah ang gulo ng kama mo. Bat ganyan ka matulog?" Sabi naman ni Kiel. F*#k yung kama pala.

"Bakit pala ang aga mo mambulabog?" tanong naman ni Ali

"Hinahanap ko si Jayden eh. May balita ka ba sakanya?" Tanong niya nako po

"Wala bakit di ba umuwi kagabi?" Tanong naman ni Ali

"Hindi eh. Anyway. Pupunta tayo kila Steph mamaya. Aalis muna ako." Sabi niya, " atsaka linisin mo nga yang kwarto mo." Sabi niya at narinig ko na ang pagsara ng pinto

Pumasok naman agad si Ali sa walk in.

"Buti nalang nagmamadali siyang umalis." Sabi niya at nangingiti

"Siya punta nako sa kwarto ko at maliligo." Sagot ko at bumulong sakanya "ikaw rin maligo ka na for sure. Amoy Jayden ka ngayon." Pag layo ko sakamya namumula naman mukha niya natawa ako

"I'm just joking babe." Hinila ko siya palapit sakin. At hinalikan siya ng marahan. Mahal na mahal ko tong babaeng to.

"I love you... so much... very much." Sabi niya,

"I love you too. Why do you always say those two sentences separately?" Sabi ko, madalas niya kasi gawin yun pag nag i i love you. Parang pa intense. Pero i love it.

"Wala lang. Nasanay lang ako." Sabi niya. Pinakawalan ko naman na siya at hinalikam sa noo

"Ligo ka na rin. And wait for me here. Bago tayo magpunta kila Steph. Iikutan ko lang mga gawain." Ngiti ko at umalis.

4pm...

"Hi baby." Bati ko kay Aaliyah sabay yakap sakanya mula sa likod. Hinalikan ko siya sa pisngi,

"Home already? Si Kiel?" Tanong niya,

"May binili daanan na daw natin siya dun tapos tara na kila Steph. You ready?" Sagot ko,

"Hindi pa papalit palang ako." Sagot niya, at tumakbo na papunta sa taas,

Pupunta kami ngayon kila Steph para mamanhikan. Mukhang seryoso naman na si Kiel atska mukha rin namang handa na si Steph sa papasukin niya.

"Tara na." Yaya sakin ni Ali

Natulala ako ng makita siya. Wow.

"You're wearing a dress?" Tanong ko habang tinitigna siya mula ulo hanggang paa,

"Pangit ba?" Tanong niya, nilapitan ko siya at hinawakan sa bewang,

"Lahat babagay sayo. Kasama nako don." Ngiti ko sabay kindat.

"Sus, ang hangin. Tara na nga." Sabi niya,

Sa bahay nila Steph...

"Binili ko po kayo ng mga pagkain." Sabi ni Kiel kay Tita Nora

"Maraming salamat naman." Tapos nilapag na namin lahat ng pagkain na dala namin. "Napakarami naman ng mga to. Ihahain ko lang ang hapag para makakain na rin kayo." Ngiti niya, at nagpunta na sa kusina.

Tinulungan naman siya ni Steph at Ali.

"Pre chill lang." Sabi ko kay Kiel,

"Kinakabahan ako pre." Sagot niya naman.

"Wow ha nun ngang sumugod ka sa bahay nila Don Bernardo di ka kinabahan ngayon pa kaya." Sagot ko naman at tumawa ng mahina,

"Gago. Magkaiba yun." Sagot niya naman

"Tara na mga hijo." Tasag naman ni Tita Nora,

Naupo kaming lahat sa hapagkainan.

"Ahm, Tita may sasabihin po sana ako." Panimula ni Kiel,

"Ano yun hijo." Sagot naman ni Tita Nora

"Maari ko bang hingin ang blessing niyo na magpakasal kami ni Steph." Sagot niya,

Naaptigil naman si Tita Nora at huminga ng malalim

"Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayo. Pero hindi ba parang amlng babata niyo pa?" Tanong niya,

"Wala naman po sa edad yun diba. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Proprotektahan ko po siya sa abot ng aking makakaya." Sagot ni Kiel, naks! Yun ang pinakamahabang sentence niya in tagalog ah. I'm so proud.

"Alam ba ng mga magulang mo?" Tanong ni Tita Nora

"Alam na po ni Daddy. Bibisitahin palang po namin si Daddy pagkatapos namin kayo makausap." Paliwanag ni Kiel,

"Sige. Basta okay sa mga magulang mo okay din sakin." Ngiti naman ni Tita Nora na may halong pangamba,

"Wag po kayong magaalala andito din po kami ni Jayden para sakanila." Sagot naman ni Ali

"Oo nga mommy. Don't yah worry." Biro ko naman, natawa naman ng kaunti si Tita Nora,

"Ikaw talaga Jayden." Sabi niya,

Natapos ang gabi na maayos. At umuwi na kami.

Aaliyah's POV

Andito nako sa kwarto ng may biglang kumatok sa pinto. Maalmang si Jayden yan.

"Aaliyah." Tawag ni Damian.

"Oh Damian. Ngayon lang kita nakita. San ka galing?" Tanong ko

"Busy sa HQ alam mo naman." Sabi niya sakin,

"I can see." Sagot ko naman sakanya.

"Labas tayo minsan." Yaya niya,

"Sure sige." Sabi ko

"Bukas?" Ngiti niya,

Sige.

----------------------------------------------

Like and Support ❤💗

The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon