MP 29

144 3 0
                                    


"Baby wake up. Please. Antagal ka na naming hinihintay magising." Iyak ng binata habang hawak ang kamay ni Aaliyah,
"I missed you.. so much.. very much baby." Iyak ng binata habang hinahalikan ang kamay ng girlfriend neto.

Napalingon naman siya ng may humawak sa balikat niya, nilingon niya ito at nakita si Kiel.

"Go home bro. Kailangan mo ring magpahinga." Sabi niya sa binata,

Ibinalik ni Jayden ang tingin sa dalaga,

"Hindi ako aalis sa tabi niya.. gusto ko ako ang una niyang makita pag nagising siya." Sagot ng binata

Lumapit naman ang ina ni Aaliyah.

"Lahat tayo nasassaktan. Pero kailangan nating maging matatag para kay Aaliyah." Sabi niya

Biglang bumukas ang pinto. At tumambad si Don Sebastian at Don Fernando. Na ikinagulat ng lahat.

Nakatungkod si Don Sebastian dahil nagkasakit nga ito.

"Ano pong ginagawa niyo dito? Delikado." Sabi ni Kiel

Isang malakas na hampas sa mukha ang nakuha niya sa ama.

"Sebastian!" Sabay na sigaw ng Lola nila Kiel at ni Don Fernando.

Pinuntahan naman ng Lola niya si Kiel.

"Bakit mo hinayaang mangyari ito sa kapatid mo." Ma awtoridad na tanong ni Don Sebastian sa anak

"Hindi ko po sinasadya." At lumuhod ito sa harap ng ama

"Tumayo ka Kiel." Sabi ng Lola neto at pilit itong pinapatayo,

"Wag na tayong magsisihan dito Sebastian!" Sigaw ng Biyenan neto sa anak

"Ikaw ang may kaslanan lahat neto!" Sigaw pa niya
"Ikaw ang naglagay sa anak niyo ng anak ko sa kamang iyan!" At itinuro ang apo na walang malay

Hindi nakapagsalita si Don Sebastian. Maaring tama nga ang biyenan sa mga sinabi neto.

Napatingin siya sa anak na nakahiga ngayon at walang malay. Lumapit siya dito at hinawakan ang mga kamay neto.

"My princess. I'm sorry." Paghingi niya ng tawad sa ama.
"I'm sorry for everything I've done. Pasensya na kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ko." Dagdag pa niya.

"Ang tangig magagawa nalang natin ngyaon ay magdasal." Sabi ni Don Fernando

The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon