Chapter 3
JESSIE
TAHIMIK LANG AKONG nakaupo dito sa waiting area sa Gonzales Airlines. Parang wala akong kasama dahil sa sobrang katahimikan at coldness ni Nicho.
Nakaupo lang sya sa tabi ko at nakalagay sa tenga nya ang earphones nya. Na tutulog na nga ata sya eh. Kung noon lagi nya kong kinakausap ngayon para na kong hangin para sa kanya.
Namimiss ko na yung dating Nicho. Yung Nicho'ng walang ginawa kung hindi asarin ako at pasayahin. Yung Nicho'ng laging nakangiti. Yung Nicho'ng akala mo walang problema. Yung Nicho'ng akin.
"Huy, bakit pang biyernes santo yang mga mukha nyo?"
Nag angat ako ng tingin sa nagsalita. Nakita ko si Pictor na magkasalubong ang kilay na nakatingin samin.
Bumuntong hininga lang ako. Ayokong pumatol sa kanya. Pagod na ko. Physically and emotionally.
Nakita kong na halata yun ni Levi kaya pinalo nya si Pictor. "Bili muna kayo ni Nicho ng makakain natin."
Tumango si Pictor at nilapag nya yung backpack nya sa harap namin. Nilapitan naman nya si Nicho at tinanggal nya ang earphones na nasa tenga nya.
Nag angat ng tingin si Nicho at sinamaan nya ng tingin si Pictor. "Problema mo?" Cold na sambit nya.
Pinaningkitan sya ng mata ni Pictor. "Wag kang magsungit dyan. Samahan mo ko bumili ng makakain natin."
Umigting ang panga nya saka tumayo at umalis na nga silang dalawa ni Pictor. Mas lalo akong na lungkot. Nagbabago na talaga sya. Pwede ko bang pigilan ang pagbabago nya? Psh, malamang hindi. Ako nga ang dahilan kung bakit sya nagbabago eh.
Napalingon ako kay Levi ng tumabi sya sakin. She looked at me with her worried eyes. "What's wrong?" Concern na tanong nya.
Alam ko kung anong pinaparating nga pero nag act ako na hindi ko alam kaya kinunot ko ang noo ko. "Huh? Walang mali Levi ano ka ba." Pinilit kong ngumiti kahit halatang halata nang fake yun.
Bumuntong hininga sya at hinawakan nya ang kamay ko. "I know you're not fine and there's something wrong... with you and Nicho. What is it? You can tell me anything just to lessen what your carrying in your chest."
Hindi ko na naman na pigilan ang sarili ko kaya tumulo na naman ang mga luha ko na hindi na uubos. Niyakap ko si Levi at dun ako umiyak. "S-sumuko na s-sya." Garalgal kong sambit sa kanya.
Naramdaman kong hinagod nya ang likod ko. "Shh. Why?"
"D-dahil sakin."
"Panong dahil sayo?"
Tumahan ako at tinanggal ko ang shades ko para mapunasan ko ang mata ko gamit ng panyo ko. Wala na kong pake kung mukha akong ewan dahil na sira ang mascara ko. Wala na kong pakealam sa ibang bagay.
Sinuot ko ulit ang shades ko at huminga ako ng malalim. "Sinabi ko sa kanyang hindi ko sya mahal. Na hanggang ngayon si Wes pa rin kahit na alam ng puso kong hindi na. Na pilit lang palang pinapaniwala ng utak ko sa puso ko na si Wes kahit na ang totoo si Nicho na ang mahal ko. Na si Nicho pala ang minamahal ko at hindi si Wes."
Nakikinig lang sya sakin at hindi sya nag sasalita kaya nagpatuloy ako. "Mahal na mahal ko si Nicho, Levi. Alam ko na yun dahil hindi naman ako magkakaganun dati kung hindi ko sya mahal. Tama si Rose eh, kung hindi ko mahal si Nicho dapat pinatigil ko na sya sa panliligaw kahit makulit sya. Mahal ko sya at masakit para sakin ngayon na parang wala na syang pake sakin samantalang dati mas may pake pa sya sakin kesa sa sarili nya.
"I miss my Nicho but I guess I can't have him anymore." May nakatakas na namang luha mula sa mata ko kaya agad ko yung pinunasan.
Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. "This is your turn, Jessie."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
She gave me a small smile. "To prove your love for him. Mukhang times up na si Nicho kaya yung oras mo naman ang tumatakbo. Hindi naman pwedeng si Nicho lang ang naghahabol diba? Sabi nga nila nakakapagod humabol kaya kapag hindi mo na kaya titigil ka na. Sya yun kaya ikaw naman. Ipakita mo sa kanyang mahal na mahal mo sya."
Bigla akong na tauhan sa sinabi nya sakin. Tama sya. It's my time to prove to him my love. Apat na taon nyang pinatunayan sakin na mahal nya ko kaya deserve nyang sumuko pero hindi ibig sabihin nun susukuan ko na rin sya. Ako naman ang lalaban para sa aming dalawa. Kung dati sinasabi ko na ako at Wes ang para sa isa't isa, pwes ngayon hindi na. Kami ni Nicho ang nakatakda na magkatuluyan sa mga bituin. Kami ang pinana ni Kupido sa isa't isa. Ipaglalaban ko to, ipaglalaban ko sya.
"Heart to heart talk ah. Tara umalis na tayo, boarding na. Baka mamaya maiwan pa tayo ng eroplano."
Lumingon kaming dalawa ni Levi kila Pictor at Nicho. Tig isa silang may hawak na malaking paper bag galing sa isang fast food chain. Nagsisimula na silang magbuhat ng gamit nila kaya nagbuhat na rin kaming dalawa ni Levi.
Isang backpack lang ang dala ko dahil may damit naman ako dun sa bahay nila Rose. Lagi naman kasi kaming nagbabakasyon dun nung elementary kami kasi madalas na mamiss nilang dalawa ang magulang nila.
Tumingin ako kay Nicho at nakita kong na hihirapan sya sa dami ng dala nya kaya dali dali akong lumapit sa kanya at kinuha ko ang paper bag na pilit nyang hinahawakan.
Tumingin sya sakin pero walang expresyon ang mukha nya kaya ngumiti ako. "Ako na lang ang magbubuhat nito. Mukhang na hihirapan ka na eh." Masiglang sambit ko.
"Tsk." Wala na syang ibang sinabi bukod dun at dere deretso na syang naglakad papunta sa boarding area.
Huminga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti kahit na wawasak na naman ang puso ko. Kaya mo yan, Jessie. Kung sya nga kinaya nya, kaya mo rin.
Lumingon ako sa kumapit sa braso ko. Ngumiti sya. "You can do it. Let's go?" Nakangiting aya ni Levi.
Ngumiti rin ako at naglakad na kami papasok ng boarding area. Tama sya, I really can do it. Patience is a virtue. Kaya kong maghintay para sa kanya, sa kanya lang.
Pumasok na kami sa loob ng eroplano. Hinanap namin ang upuan namin. Nakita kong nandun sa may gitna si Nicho kaya lumapit ako sa kanya pero na patigil rin ako nung nakita kong may tumabi sa kanyang lalaki.
Nilingon ko si Pictor. "Bakit may tumabi kay Nicho?" Nagtatakang tanong ko.
Tinignan nya si Nicho. "Ibang seat number kasi ang pinili nya pero kahilera pa rin naman natin sya." Malumanay na sambit nya at umupo na sya sa upuan nya.
Tinignan ako ni Levi at nginitian nya ko. "Four hours lang naman yung byahe tsaka at least lalaki yung katabi nya diba hindi babae?" Pagpapagaan nya ng loob ko.
I just gave her my small smile and sat on my chair. Yeah, four hours lang naman. Okay lang yun.
Naglagay na ko ng seatbelt at pinikit ko ang mga mata ko. Kamusta na kaya si Rose? Sana stable na sya dun. Pati na rin si Michael. Miss ko na yung kakulitan at kasungitan ng pinsan kong yun.
Nilingon ko si Nicho for the last time at hindi ko inaasahang makita syang nakatingin rin sa dereksyon ko. Agad syang nag iwas ng tingin. Ngumiti ako ng malapad. That's more that enough for me.
•••
BINABASA MO ANG
Game Changer (WCH II)
Teen Fiction(This is the sequel of WE COULD HAPPEN so I advice you to read that story first before this.) "Everything could happen in just a snap of a finger." Arrange marriage. Mistake. Accident. Switch. Hindi inaasahang mga pangyayari. Bigla na lan...