Chapter 9
Trip?GAEL
"ALAM MO, KALOKA kayong tatlo nila Ralph! Nung isang araw si Wes ang nagpapakalasing, kahapon si Ralph at ngayon ikaw? Ano may schedule ba kayo ng pagpunta dito sa Drinking Tambayan?" Nai stress na sambit ni Andrea sakin at nagpunas pa sya ng butil ng pawis sa noo nya.
Hindi ko sya tinignan at pinagpatuloy ko ang pag inom ko. Ni hindi ko na nga masyadong na intindihan ang mga sinabi nya dahil sa hilo at lakas ng music.
Hindi ko na naman maikakailang tambay na talaga ako dito. Sino bang broken ang hindi? And I'm not here to flirt, I'm here to get wasted para pagdating ko sa bahay tulog agad. Yun na ang daily routine ko simula ng maghiwalay kami ni Jos.
Ewan ko na lang sa kanya. Even though he left me without any reasons, I still think about him. Kamusta na sya. Anong ginagawa nya. Is he happy with Nisse.
I felt my heart sunk with what I thought. Muli akong nagtagay ng alak sa baso ko at mabilis na nilagok yun. Na sanay na siguro ang lalamunan ko sa alak na mistulang ginagawa ko ng tubig.
Magsasalin pa sana ako ng alak sa baso ng pigilan ako ni Andrea. Bahagya akong na hilo sa pag angat ko ng tingin sa kanya.
Seryoso nya kong tinignan sa mata. "Ano ba, Gael. Ano bang tingin mong ginagawa mo sa sarili mo? Dahil lang may fiance na si Wes sisirain mo ang buhay mo? Ano namang mapapala mo dun? Babalik ba sya sayo kapag nalaman nya to?"
May na muong bukol sa lalamunan ko. Umiwas ako sa kanya ng tingin at pumatak na naman ang luha ko. Akala ko ubos na yun pero ito at walang humpay na naman syang umaagos sa pisngi ko.
"I'm not d-doing this to s-seek for he's a-attention." Pautal utal na sambit ko at pinupunasan ko ang luha ko kahit na wala namang use yun.
"Then why? Gael, please maawa ka naman sa atay mo, sa sarili mo. Even Tita and Tito is worried in your actions. Akala mo ba hindi to nakakarating sa kanila?"
Binaling ko muli ang atensyon ko sa kanya dahil sa sinabi nya. "W-what do you m-mean, Andrea?"
He sighed. "Sinasabi ng Dad ni Julian kila Tito na lagi ka ng nandito. They're business partners kaya wag ka ng magtaka if na sabi iyon ng Dad Ni Julian kay Tito."
Mariin akong napapikit. Mukhang kailangan ko ng lumipat ng bar. Ayokong nag aalala sakin sila Mom at dapat hindi nila malaman itong ginagawa ko sa sarili ko. I don't want to disappoint them because of my unnecessary actions.
"Gael," hinawakan ni Andrea ang kamay ko. "if you're hurt you can always count on me. Hindi mo ko naging kaibigan for nothing. Ngayon na wala sila Pyxis, I can lead you my ears. Handa akong pakinggan ang drama mo buong magdamag just please don't ruin yourself."
Nakikita ko ang sincerity at pagsusumamo sa mga mata ni Andrea. Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa mga tingin at sinabi nya sakin.
Agad ko syang niyakap at umiyak ako sa balikat nya. Bukod sa sakit dahil kay Wes, I cried because I felt bad for Andrea. Hindi ko man lang na pansin that he's always there for me. Kahit gano ka tigas ang ulo ko hindi sya sumuko.
Sa tuwing kailangan ko sya he's always ready to rescue. When ever I need someone to talk to lagi syang ready makinig sa mga kadramahan ko and when ever I'm hurt handa syang ipaglaban ako.
Feeling ko naging walang kwenta akong kaibigan dahil hindi ko pinahalagahan ang malasakit nya sakin but not anymore. Hindi na ko maglalasing at mas gugustuhin ko na lang na makasama sya. Bukod sa naawa na ko sa atay ko, feeling ko mas makakausad ako kung sya ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
Game Changer (WCH II)
Teen Fiction(This is the sequel of WE COULD HAPPEN so I advice you to read that story first before this.) "Everything could happen in just a snap of a finger." Arrange marriage. Mistake. Accident. Switch. Hindi inaasahang mga pangyayari. Bigla na lan...