Chapter 12
Weird feelingsPYXIS
NINE NA NG umaga at nandito ako ngayon sa kitchen ng hospital na tinutuluyan ko. Tulog pa sa kwarto ko ang mga kasama ko kasi mga puyat sila kaya na isipan kong magluto ng almusal naming lahat.
I know I can't remember a single thing in my past but when I see them I feel relief and contentment. Para bang walang kulang. Even though hindi ko pa nakikilala ang mga magulang ko dahil nasa bahay daw sila ngayon ay okay lang sakin na sila muna ang na kilala ko ngayon. Ayoko namang biglain ang sarili ko kung isahan nilang ipapakilala sakin ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.
"Miss Pyxis, bakit kayo po ang nagluluto? Pwede niyo naman pong utusan ang Cook." Sambit ng lalaking nurse sakin.
Tinignan ko siya at ngumiti. "Hindi na, ako na lang. Kaya ko naman so don't worry."
Nag aalangan siyang tumango sakin. "Sige po, Miss Pyxis. Basta if you need any help nandito lang po kami." Nakangiti niyang sambit.
"I will. Thank you!" Nakangiti ko ring sambit sa kanya.
Bahagay siyang nag bow sakin at naglakad na siya palabas ng kitchen.
Buti na lang pinayagan niya ko. Luckily Marie and her family owns this hospital kaya pwede akong pumunta dito sa kitchen. Nagsimula na kong maghanap ng maluluto para paggising nila kakain na lang kami.
Binuksan ko ang ref doon at nilibot ko ang paningin ko. I frowned when I can't find anything to cook. Halos lahat ng nandun ay iinitin na lang. Hays, mukhang kailangan ko pang mamili ng ingredient pero hindi ko alam kung nasaan.
Wait, diba sabi nung nurse na kausap ko kanina pwede akong magpatulong sa kanya? Baka pwede niya kong samahan sa pinakamalapit na grocery store para makabili ako ng ingredients. Tama!
Naglakad na ko palabas ng kitchen at hinanap ko na siya. Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen at napangiti ako ng makita ko siya di kalayuan sa kinatatayuan ko kaya agad ko na siyang nilapitan.
Kinalabit ko siya nang nakalapit ako sa kanya. Agad naman siyang humarap sakin at halatang na gulat siya sa bigla kong pagsulpot. "M-miss Pyxis, may kailangan po kayo?"
Nahihiya akong tumango at ngumuso. "Ahm, kasi wala akong makitang pwedeng lutuin sa kitchen kaya gusto ko sanang humingi ng favor."
Napatango siya at ngumiti. "Ano po yun, Miss Pyxis?"
"Ahm, pwedeng samahan mo ko sa pinakamalapit na grocery store?" Nahihiya kong sambit.
"Ako na lang kaya ang bumili, Miss Pyxis?" Alok niya.
Agad ko naman yung inilingan. "No, just come with me. Sobra sobra naman kung ikaw pa ang papabilhin ko eh ako na nga tong humihingi ng pabor sayo."
Namamangha niya kong tinignan at ibinuka niya ang bibig niya upang magsalita pero agad niya rin tong sinara at tumagos ang tingin niya sa likod ko.
Nagtaka naman ako kaya tinalikuran ko siya para tignan rin ang tinitignan niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Michael na patakbong lumalapit samin nung nurse na kasama ko.
Sinalubong niya ko ng mahigpit na yakap ng makalapit siya sakin. He sigh in relief. "Akala ko nawala ka na, Pys. Wag ka na ulit aalis ng kwarto mo ng hindi nagpapaalam samin ha? Pinakaba mo ko dun! Buti na lang hindi na gising yung kakambal mo kundi nagpapanic na yun ngayon."
Hindi ko alam kung bakit biglang nagparamdam nung tahimik kong puso. Para bang gusto niyang magpapansin dahil sa higpit ng yakap sakin ni Michael. Shit, this is wrong. Sa pagkakaalam ko we're bestfriends kaya hindi pwede tong nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Game Changer (WCH II)
Ficção Adolescente(This is the sequel of WE COULD HAPPEN so I advice you to read that story first before this.) "Everything could happen in just a snap of a finger." Arrange marriage. Mistake. Accident. Switch. Hindi inaasahang mga pangyayari. Bigla na lan...