Chapter 5

58 3 0
                                    

Chapter 5
Taking care of her

RALPH

"TAMBAY KA NA dito, ah? Wala ka pa bang trabaho, Ralph?" Natatawang tanong sakin ni Ace.

Umigting ang panga ko at tinignan ko sya. "Wala kang pake." Cold na sambit ko.

Na tawa sya sa sinabi ko kaya tinaasan ko sya ng kilay. "What's funny?" Na iiritang tanong ko.

Umiling sya at pinigilan nya ang sarili nyang tumawa. "Tangina, Ralph. Balik sa dati, ah? Nasan si Pyxis? Kailangan ka nyang maki-"

"We broke up." Pagputol ko sa sinasabi nya.

Na panganga sya sa sinabi ko at mabilis na umupo sa tabi ko. "Seryoso ka?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Do you think I'm joking around?"

Hindi makapaniwala syang tumingin sa gilid nya. "Tangina totoo nga pero diba mahal mo sya? Pano?" Nagtatakang tanong nya.

Tinungga ko ang shot na nasa harap ko. "Hindi sapat ang pagmamahal para manatili sya sa tabi ko."

Ngumiwi sya sa sinabi ko. "Puta, ang drama mo, pre. Kaya ka pala nagiging suki ng bar ni Friginal dahil broken ka." Umiling iling sya. "Gusto mo bigyan kita ng babae pa- Chill sabi ko nga hindi." Tinikom na nya ang bibig nya at nag order na lang rin ng maiinom nya.

Umiling ako. Tatahimik rin pala. Kailangan pang samaan ng tingin para manahimik, eh. Kaya ayokong nakakasama tong si Ace, eh. Mas okay pa sakin si Mark kasi at least yun marunong ilugar ang kadaldalan itong isang to hindi eh.

"Huy, Ralph. Si Gael oh mag isa dun sa isang VIP table. Samahan mo." Sambit ni Ace.

Kinunot ko ang noo ko at nilibot ko ang paningin ko sa mga VIP table at ayun nga, nandun sya. Napailing ako. Mukhang nakakadami na sya. Binaba ko ang tingin ko at umigting ang panga ko. Mukhang balak nyang sirain ang atay nya ha. Nakaapat na bote na syang ng brandy at bagsak na ang ulo nya sa table.

Tumayo ako at naglakad papalapit kay Gael. Narinig ko pang tinawag ako ni Ace pero hindi ko na sya pinansin.

Inuga ko ang braso nya ng makalapit na ko sa kanya pero wala syang ibang ginawa kundi hawiin yun.

Umigting ang panga ko. Tangina naman. Nasan ba si Wes? Bakit nya hinahayaang maglasing yung girlfriend nya dito? Kahit naman may nangyari saming dalawa may pake pa rin ako sa kanya dahil naging magkaibigan naman kami.

Pinalig ko ang ulo ko at binuhat ko si Gael na parang sako. Hindi naman sya umangal kaya naglakad na ko palabas ng Drinking Tambayan.

Naglakad ako papuntang car park at lumapit ako sa kotse ko. Pinaupo ko sya sa shotgun seat at umikot ako para makapunta sa driver's seat.

Pinaandar ko na ang makina at umalis na ko. Mukhang mag aalaga pa ko ng damulag sa condo unit ko. Tsk, iinom inom kasi tapos hindi naman pala kaya. Kung hindi sya nakita ni Ace kanina malamang merong magsasamantalahan sa kanya.

*kring kring*

Napalingon ako sa phone ko. Sinagot ko yung tawag kahit hindi ko naman alam kung sino yun. Nilagay ko rin sa tenga ko ang earphones ko.

"Hello." Bungad ko.

[Ralph.]

Na ningkit ang mata ko ng makilala ko ang boses nya. "Hoy, Wes. Kunin mo nga tong girlfriend mo sakin. Tangina, nagpakalasing sa Drinking Tambayan."

Na tahimik sya kaya kumunot ang noo ko. "Huy Wes. Nandyan ka pa?"

[Wala na kami.]

Bigla akong na papreno sa sinabi nya. Buti na lang nakaseatbelt si Gael kundi na untog na sya sa dashboard.

Game Changer (WCH II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon