Chapter 14
Love YourselfVENICE
NAGLULUTO AKO NG lunch ko dito sa mansyon naming dalawa ni Wes and as usual wala na naman siya. We don't share the same room so hindi ko na papansin kapag umaalis siya. Medyo late pa naman akong na gigising kaya malaya siyang umaalis ng walang nagtatanong sa kanya kung saan siya pupunta.
Well, alam ko naman kung saan siya pumupunta kapag umaalis siya. Sa Drinking Tambayan. Sa halos isang buwan naming magkasama sa iisang bubong, ilang beses ko na rin siyang sinusundo doon. Bubuhatin paakyat at aalagaan. Konti na nga lang sapakin ko na yun habang lasing na lasing siya para matauhan.
Nakakainis na kasi yung mga actions niya. Alam kong nasasaktan pa rin siya but does he think that what his doing will help him? Kung oo, ang bobo niya. Broken rin ako tulad niya pero hindi naman ako nagpakalunod sa alak dahil hindi naman ako nun matutulungan.
Panandaliang solusyon lang yun. Paggising niya sa umaga, babalik lahat ng sakit at sasamahan pa ng matinding hang over. Hayst, ewan ko ba sa lalaking yun. Pasalamat siya at hindi ko siya sinusumbong sa Dad niya.
"Ven!"
Napalingon ako sa taong tumawag sakin. Napangiti ako. "Shane! Akala ko ba hindi ka pupunta ngayon?" Nakangiti kong sambit sa kanya at nagbeso kaming dalawa.
Simula nung lumipat ako rito, walang araw na hindi siya bumibisita. Sobrang saya ko dahil lagi siyang nandyan for me. I don't feel alone because of her. Hindi ko pa rin na aamin sa kanya na ako si Hera but I guess I should just leave it unsaid.
Umupo siya sa bar stool at pinatong niya ang siko niya dun. "Well, change of plans dahil yung baklita kong kaibigan ay may work pa daw na kailangang gawin. Si Lance naman busy sa company nila so dito muna ko! Alam ko namang wala kang kasama ngayon." Kinindatan niya ko.
Natawa ako sa inakto niya. "Buti naman at nandito ka kasi medyo madami tong carbonara na niluto ko."
Ngumiti siya ng malapad. "Yey! Ang swerte ko talaga kasi may magaling akong magluto na kaibigan."
"Asus, alam ko namang luto pa rin ni Lance ang favorite mo." Nakangit kong sambit.
Magaling rin kasing magluto si Lance. Last time kasi tumambay ako sa condo nilang dalawa kasi wala naman akong magawa dito sa bahay. Si Lance ang nagluto ng dinner naming tatlo at ang sarap ng luto niya. Dinaig pa ko.
"Tumataba na nga ko eh!" Nakanguso niyang reklamo at hinawakan niya pa ang tyan niya.
Nilapag ko sa harap niya ang plato na may carbonara at umupo ako sa tabi niya. "Dahil nga ba yan sa luto ni Lance or dahil sa kanya mismo?" Nakangisi kong tanong sa kanya.
Pumula naman ang pisngi niya at agad siyang ng iwas sakin ng tingin. Nagsimula na siyang kumain. "Hmm, ang sarap talaga ng luto mo, Ven. Try mo bili!"
Humalakhak ako. Her reaction is priceless! Gotcha, Shane.
"Yah! Stop laughing!" Nakanguso niyang reklamo sakin.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at nginitian ka siya. "Okay, basta ninang ako ha?" Pang aasar ko pa sa kanya.
Pumula pa lalo ang pisngi niya at hinampas niya ang balikat ko. "Tse! Nga pala, hinahanap ka sakin ni Kean. Miss ka na daw niya." Tinaasan niya ko ng kilay at nginisian.
Kumunot ang noo ko. "Kean who?" Nagtataka kong tanong.
Napaawang ang labi niya. "Don't tell me you don't remember him?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Game Changer (WCH II)
Teen Fiction(This is the sequel of WE COULD HAPPEN so I advice you to read that story first before this.) "Everything could happen in just a snap of a finger." Arrange marriage. Mistake. Accident. Switch. Hindi inaasahang mga pangyayari. Bigla na lan...