Chapter 6
ExplanationVENICE
BORED KONG PINAPANOOD sila Appa at Eomma na tuwang tuwang tumitingin sa mga designs ng mga wedding gown na dala ng wedding planner na hinare nila.
Mas masaya pa sila kesa sa ikakasal. Sana nga sila na lang eh, wag na ako. Nandito lang ako sa tabi nila habang nakasimangot.
Hindi ganito ang pinangarap kong mangyari sa pagpre prepare ng kasal ko. Akala ko magiging sobrang saya at excited ako. Akala ko aabot hanggang sa tenga ang ngiti ko. Puro akala lang naman pala yun.
"Anak, tignan mo rin ang mga designs para makapili ka na ng gusto mo." Nakangiting sambit ni Eomma at inabot nya sakin ang mga designs.
Nakakapanibagong hindi sila ng hahangul. Well, kakilala naman kasi nila yung wedding planner kaya hindi na nila kailangang mag hangul.
Bumuntong hininga ako saka ko binuklat ang designs at tinignan ang mga iyon. Maganda naman sila at nakakaakit talaga ng mata pero walang design ang nakahuli talaga ng atensyon ko.
Meron na kasi akong na gawang gown na ako mismo ang nagdesign. Nung mga panahon na masaya pa kami ni Khael, na isipan kong gumawa ng wedding gown pati suit nya at gown ng abay ha! Ang effort ko kaya nun. Akala ko kasi pwedeng kaming dalawa ang panghabangbuhay ng isa't isa pero hindi naman pala.
"Hey, Venice. Sasha is asking you if you already made up your mind."
Pinalig ko ang ulo ko at tinignan ko sila Eomma. I pursed my lips and sighed. "Ahm, hindi pa eh. Pwedeng bukas na lang?" Naghalf smile ako.
Sasha smiled and nodded. "Sure, anytime when you're ready. Hindi naman talaga dapat minamadali ang pagpili ng gown. Weddings are special occasions and we want to make it perfect and memorable."
Sana nga maging memorable kahit yung lalaking papakasalan ko hindi ko mahal.
Tumango si Eomma. "You're right, Sasha. So, can we continue this tomorrow?"
Tumango si Sasha. "Yes po. Sana po bukas kasama na po natin ang groom para naman makita nya na rin ang mga nakahanda naming designs for his suit."
"Sure. Sadyang busy pa sya ngayon dahil may pinagawa sa kanya si Mr. Frost." Sambit ni Appa.
Ngumiti si Sasha at tumayo. "Sige po. Alis na po ako." Nakangiting paalam nya.
Tumayo si Appa at Eomma kaya tumayo rin ako. Hinatid namin palabas ng mansyon si Sasha. Nag uusap pa silang tatlo pero hindi na lang ako na kisali. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya mas okay ng tumahimik na lang.
Hinintay naming makaalis ang van na sinasakyan nya bago kami pumasok ulit sa mansyon.
"Venice anak, bakit parang wala kang gana kanina? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Eomma at sinipat pa nya ang noo ko.
Pinilit kong ngumiti at umiling ako. "Wala, Eomma. Kulang lang siguro sa tulog."
Lumapit samin si Appa at inakbayan nya si Eomma. "Venice is right. It's too early. Go take a nap at your room." Nakangiting sambit ni Appa.
Tumango lang ako at umakyat na nga ako. Pumasok ako sa kwarto ko at pabagsak akong humiga sa kama ko.
Paniguradong nasa Drinking Tambayan si Wes. Tambay na yun dun eh. Kahit sabihin nila Appa na may inutos yung Dad nya sa kanya pagkatapos nyang gawin yun deretso yun agad sa Drinking Tambayan.
Hmm, parang gusto ko nga ring uminom eh. Inabot ko ang phone ko at tinignan ko kung anong oras na. 9:30 am pa lang. Mamayang gabi na lang pala.
Tumihaya ako at tinignan ko ang kisame ng kwarto ko. Ano kayang pwedeng gawin ngayon? Kainis naman kasi eh. Hindi ko mahanap kung nasan si Marie at Rose. Nagu guilty naman akong kausapin si Mau. Hindi ko pa nga alam kung alam nya bang ako ang fiancée ni Wes. Na alala ko tuloy yung dati nung tinago namin sa kanya yung tungkol kay Pictor.
BINABASA MO ANG
Game Changer (WCH II)
Teen Fiction(This is the sequel of WE COULD HAPPEN so I advice you to read that story first before this.) "Everything could happen in just a snap of a finger." Arrange marriage. Mistake. Accident. Switch. Hindi inaasahang mga pangyayari. Bigla na lan...