Chapter 15
AffectedJESSIE
NAGISING AKO SA sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at na pansin kong wala ako sa kwarto ko. Nagsalubong ang kilay ko ngunit bahagya rin akong natawa ng maalala kong nandito nga pala ako sa mansyon nila Rose dito sa Korea.
Na discharge na siya kahapon at sa wakas ay dito na kami nag i stay. Mas gusto kong dito kami magstay kesa sa ospital namin. Mabigat sa pakiramdam kapag nandun kami dahil tanging ang walang malay na si Rose ang nakikita namin. At least ngayon gising na siya at masaya pa.
Tumayo na ko sa kama ko at inayos yun. Pumunta rin ako sa cr para mag ayos ng mukha bago lumabas ng kwarto.
Bahagya akong napangiti ng ingay agad ang sumalubong sakin. Dito rin kasi nakatira sila Kuya Miggy at ang pamilya niya kasama si Kurt. Walang problema naman yun kila Oba dahil mas gusto nilang madaming kasama kesa silang dalawa lang ang nandito.
Nakita ko agad sila Dust, Kurt at Kuya Miggy na naglalaro sa sala habang nakangiting nakamasid lang sa kanila si Ate Danielle. Napangiti ako ng marinig ko ang maaliwalas na tawa ni Dust. Iba talaga kapag may bata sa isang bahay. Para bang nagiging maaliwalas ang buong bahay.
Tanging si Ate Danielle ang tumingin sakin ng makababa ako kaya nilapitan ko siya.
"Where's the others?" Nakangiti kong tanong.
Nginitian niya rin ako. "Nasa kitchen sila Michael, Pyxis, Levi at Pictor. Si Nicho naman umalis, may susunduin daw siya."
Napalunok ako ng mabanggit niya ang pangalan ni Nicho. Hindi ko na siya masyadong na papansin dahil nakatuon lang ang pansin ko kay Rose. Ngayon ko lang siya mapagtutuonan ng pansin dahil okay na ang lahat.
"S-sino daw?" Bahagya akong na papikit dahil sa pag utal ko.
Mukhang hindi naman yun na pansin ni Ate Danielle. Nagkibit balikat siya. "I don't know. Nung na gising kami wala na siya."
"Ah, okay Ate. Thank you. Puntahan ko na lang sila Rose sa kitchen." Nakangiti kong paalam sa kanya.
Tinanguan niya lang ako kaya naglakad na ko papuntang kitchen. Hindi matanggal sa isip ko yung sinabi ni Ate Danielle. Sino yung sinundo ni Nicho at bakit hanggang ngayon wala pa siya? Malapit lang naman ang Incheon International Airport dito sa mansyon nila Rose, eh.
Wait? Bakit ko naman na isip na pupunta siyang airport? Malay ko naman diba kung yung sinusundo niya ay kaibigan nila Oba. Pinasundo lang nila kasi nga wala silang driver kasi mas gusto nilang walang kasambahay.
Aish, just think positive, Jessie. Babalik sayo si Nicho. Mamahalin ka ulit niya and when that day happens, mamahalin mo rin siya ng totoo at walang pag aalinlangan.
Napangiti ako sa na isip ko. I never been this happy just by thinking of someone.
Baka nga matagal ko ng minamahal si Nicho pero hindi ko lang ina acknowledge kasi nga ang buong akala ko ay si Wes ang mahal ko.
Nakakairita lang kasi kung kailan na amin ko na sa sarili kong mahal ko siya dun naman siya sumuko. Bakit ba kasi ang tanga-
"Ouch! Wengya kailan nagkaron ng poste sa gitna ng kitchen nyo, Pictor?" Nakapikit kong sambit habang iniinda ang sakit ng noo ko dahil sa pagtama ko sa poste.
Kainis naman! Bakit hindi ako na inform? Kung alam ko edi sana umiwas na ko agad para hindi ako nasaktan, putek.
Nagsalubong ang kilay ko ng marinig kong tumatawa sila Pictor at Michael kaya binalingan ko sila ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Game Changer (WCH II)
Teen Fiction(This is the sequel of WE COULD HAPPEN so I advice you to read that story first before this.) "Everything could happen in just a snap of a finger." Arrange marriage. Mistake. Accident. Switch. Hindi inaasahang mga pangyayari. Bigla na lan...