✋Chapter 1

2.4K 44 0
                                    

VICE's POV

Hi, ako si Jose Marie Viceral, Vice nalang itawag niyo sakin. 27 years old, culinary graduate sa FEU. Hindi naman magarbo ang pinasukan 'kong university kasi gusto kong umarte nang normal. May ari ng 14 companies ang dad ko dito sa Pilipinas at 2 sa states. Dating direktor ang mom ko pero tumigil na siya simula ng dumating kami ng kapatid ko. Oo may kapatid ko, si Lester Viceral. 11 years old lang siya at nag-aaral sa Ateneo bilang 6th grader. Hindi 'yon matino, jusko halos pagbuhatan ko na 'yon ng kamay sa sobrang kakulitan. Buti nalang mahaba ang pasensya ko kundi matagal ko na siyang napatay. Haha! Joke lang, mahal na mahal ko yang kapatid ko kahit papano.

Wala ang dad ko ngayon dito sa Pilipinas, nasa states siya para asikasuhin yung client niya 'don. Ako naman, hinahandle ko ang restaurant na pinamana sakin ng dad na pinamana sa kanya ng mama niya. Gulo ba?.. 'Coconut' ang pangalan ng resto. I don't know why pero it's cool. Kagaya rin ng favorite kong kanta, ang 'buko'. Araw araw akong bumibisita sa branch ko 'non sa Makati pero meron din naman sa MOA pero 'dun talaga ako madalas bumisita kasi 'don naka distino ang bestfriend ko, si Billy. Hi-nire ko na siya bilang head cook kasi magaling din naman siya since classmate ko siya ng college.

Girlfriend? Haha, wala pa ako niyan. Mas iniisip ko muna ang priority ko sa sarili ko bago yan. Darating din naman 'yan eh. Lilitaw rin niya in time. Naniniwala nga ako sa 'Tadhana o Destiny' eh. Kusa kusa yang darating ng hindi mo nalalaman. For now, focus muna ako sa business na hinahawakan ko at sa pagtulong kay Mom na alagaan ang kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko munang magka-girlfriend eh. Gusto ko kasi yung bigla bigla lang na mags-spark yung paligid mo kung makikita ko na nga ang babaeng para sakin.

Kakarating ko lang sa shop ko ngayon. As usual na gawain ko. Pumasok na ako saka ako binati ng mga staffs o workers ko dito. Ngumiti nalang ako pabalik saka nagtungo sa kitchen para bisitahin ang bawat niluluto nila. Kinuha ko agad yung apron na nakasabit at isinuot ko saka pumunta sa may mga nagluluto. Una kong pinuntahan si Francés na nagluluto ng soup. "Can I?" sabi ko at kinuha ang isang spoon para tikman ito. Ninamnam ko muna bago ako sumagot. Mukhang natatakot na yung mukha niya kaya sumagot nalang ako agad. Well, masarap naman talaga.

"Perfect." I said and smiled. He sighed at nag thumbs up sakin.

"Gracias, Sir." Sabi niya sakin at nag bow ng kaunti saka bumalik sa ginagawa niya. Chineck ko isa isa ang mga supplies namin kung sapat pa ba at pagma-manage ng inatasan kong isang tao dito. Okay naman ang lahat, walang problema.

Pinuntahan ko na ang bestfriend ko na head cook dito, si Billy. "Good afternoon, Sir." Bati niya sakin. Tumawa ako at siniko siya ng kaunti.

"Loko ka, wag mo na akong ise-Ser dyan." Sabi ko at tumulong sa paghihiwa ng gulay na ilalagay niya sa putahe. "'Di ako sanay na sine-Sir mo ako. Nagmukha ka tuloy mabait!." Biro ko at umiling habang tumawa rin siya ng kaunti.

"Haha, iba ka talga kuys." Sabi niya habang nialalagyan ng wine yung niluluto niya.

"O, hindi ganyan bakit ang dami. 1 cup lang ang ilagay mo." sabi ko at inagaw yung bote ng wine sa kanya. "Masusunog yan eh." sabi ko at nag chuckle.

"Masusunod kamahalan." Loko loko talaga 'tong Bil-Billy na 'to. Pinag-patuloy ko na ang pag gagayat sa mga gulay at nilalagay ko narin sa niluluto ni Billy nang biglang dumating ang isang waitress ko na si Coleen.

"Sir Vice. Excuse me po, si Ryan po kasi aksidenteng natapunan ng hot chocolate yung babae 'don." Nangangatog niyang sinabi. Jusko naman 'tong koreanong 'to. Ang tagal tagal na dito pumapalpak parin. Pinunasan ko na muna ang kamay ko saka humarap sa kanya.

Love Is Blind | VicerylleWhere stories live. Discover now