Chapter 12

843 34 1
                                    

VICE'S POV

"Ano ba, tahan na.." Sabi ko habang hinihimas ang braso ni... Karylle. Eh ano pa nga ba, brukhart ang loka. Sabi na eh, kutob ko talagang hindi naman dapat yang Neil na yan para kay Karylle. Sinaktan na eh. Subukan niyang magpakita sakin.

Yakap yakap ko si K habang iyak siya nang iyak. Andito kasi kami sa bahay namin. Bigla nalang siyang dumating saka nag-iiiyak sa tabi ko kaya pinapatahan ko na. Nakakaawa eh, kung akin ka lang talaga hindi ka umiiyak ngayon.

"Eh ang s-sakit sakit kasi, J-JM.. B-bakit hindi nalang s-siya humingi ng pera agad-agad?! K-kailangan pang paikutin a-ako.." Humihikbi niyang sabi.

"Ssshh.. Hindi niya deserve yang luha mo. Sayang 'yan K. Tahan ka na, andito naman ako eh.." Pagpapatahan ko sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Tinignan niya ako mata sa mata pero puro luha parin yung kanya.

"J-JM?? Bakit?..." Biglang tanong ni Karylle sakin. Mas lalo akong tumingin sa mata niya at sa nakakapagtapkang tanong niya. "Bakit mo ba 'to ginagawa? Bakit parang ang gaan gaan ng loob ko sayo? And.. Ang bilis kitang paghatiwalaan. Actually iilan lang ang mga taong pinupuntahan ko pag malungkot ako and look I actually headed to you. Kailan lang tayo nagkakilala pero you seemed to be nice and I feel safe with you.." I gulped.

"A-alam mo, K? Paglu-luto nalang kita, gutom ka na siguro eh. Kanina ka pang umaga dito. Baka hindi ka pa kumakain," palusot ko at hinalikan muna siya sa ulo bago tumayo. Hindi ko alam ang magiging sagot ko sa mga sinabi niya. Hindi pa naman ako handang sabihin ang lahat. Baka masaktan ko lang siya, at baka masaktan lang rin ako kung di niya matatangap.

🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟🌟

We're currently walking at the park, of course me and K. She asked me to go out para makapag-isip isip siya dito. I can't say no, I'm not busy anyway. Hindi ko siya masyadong kinakausap, hinayaan ko lang siyang makapag-isip muna at tanggalin yung lungkot. Madali kang naman 'to para sa kanya kasi hindi naman sila ganung katagal nagsama ni Neil.

"You know, JM? Hindi naman pala masakit eh," biglang sabi niya habang nakatungo.

"I told you, hindi naman talaga masakit kung hindi ka magpapa-apekto. Hindi ka niya mahal, kalimutan mo na siya," sabi ki at lumapit ng konti habng naglalakad kami.

"Amm, JM can I ask you, paano kung.. Kung mahal ako nung tao pero gusto ko siyang kalimutan. Bakit di ko magawa?" Tanong niya.

"Ibig sabihin lang niyan, mahal mo narin yung tao," simpleng sagot ko.

"P-paano kung mahal ko na nga 'yung tao pero hindi ko na alam kung nasaan siya?"

"Eto kasi 'yan, tanungin mo ang sarili mo. Bakit kayo nagkahiwalay, bakit mo siya iniwan? Ayan bakit kayo nagkalayo? Kasalanan mo ba o kasalanan niya?" Hugot na sinabi ko. Hindi naman ako umaasang ako yung taong tinutukoy niya. Masakit nang umasa.

"A-ako.. K-kasi iniwan ko siya," mahina niyang sagot.

"Bakit mo ba siya iniwan?"

"I didn't mean to leave him! Gusto ko lang namang gumaling para pag nagkita kami uli, makikita ko na siya. 'Yung hindi na puro itim yung nakikita ko, but then I woke up wala na. Wala talaga hindi ko na maalala yung mga tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung inoperahan lang ba ako o nagka -amnesia." Sabi niya. Alam ko na 'to, si VICE nga ang tinutukoy niya,

"Akala ko kasi babalik rin ako agad, but I was wrong. Kung hindi ko pinilit sila mama hindi kami uuwi dito. Saka ko kinalimutan si V-- I mean yun guy. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin. Ang tanga ko, pinakawalan ko pa 'yung taong nagmahal sakin ng TOTOO," she continued. Talaga namang totoo ang pagmamahal ko kay K, buti naman ramdam na niya ngayon.

"Kaya nga minsan parang I feel na nandito lang siya malapit sakin. I don't even know kung anong itsura niya," kailangan mo lang namang maramdaman eh, malalaman mo rin. "Ano ba 'yan, naluluha nanaman ako." Sabi niya at ngumiti nalang para pigilin yung luha.

Inakbayan ko nalang siya para gumaan ang pakiramdam niya. Ayokong nalulungkot to noh, mahal ko kaya to.

"Wag ka nang umiyak, di mo naman kailangan eh. Makikita mi rin 'yang taong 'yun. Malay mo nasa tabi mo lang," sabi ko. Napatingin siya sakin at kumindat naman ako.

"Baby!! Baby K!!" Sabay kaming napatingin sa likod ni Karylle. And guess who? Ang walanghiyany pako. K's eyes widened kaya hinawakan ko siya ng mahigpit.

"Baby K! F-flowers o.. Pinuntahan kita sa bahay niyo but w------UGH?!" Inunahan ko na siya ng sapak sa panga. Bagay yan sa mga taong manloloko at tanga! "What the fuck is wrong with you?!" Singhal niya sabay hawak sa pisngi niya.

Naramdaman ko ang pagpigil ni Karylle kasi hinila niya ang kamay ko pero hindi ako magpapaawat dito. Basagulero na kung ganun.

"Walang mali sakin. Sayo meron! You! How dare you na saktan si Karylle? Hindi mo ba alam na nasaktan 'yung tao?! Gago ka pala eh," binirahan ko nanaman siya ng suntok sabay hawak ko sa kwelyo niya. Hindi ko siya hinayaang makapalag at patuloy lang ako sa pagsuntok.

"JM! Tama na 'yan! Please!!" Sigaw ni Karylle nang paibabawan ko na si Neil. Lakompake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito basta pinagtatanggol ko lang yung taong mahal ko.

"Dapat lang 'yan sayo! Bitch!" Sigaw ko at panay ang suntok sa sikmura niya.

"S-stopp! Urghh!" Angil niya hanggang sa tinulak na ako ni Karylle. Fuck?!

"Tama na nga! Ba't pa ba kayo nag-susuntukan? Kailangan may ganun? Di naman kayo nakakatulong eh," bulyaw samin ni Karylle habang tinutulungang makatayo si Neil. Wtf?! Mas kinakampihan niya pa 'yang asshole na yan?

"Whut?? Mas kinakampihan mo pa 'yan ngayon, Karylle? Gumaganti lang naman ako para sayo eh!" Sagot ko nang padabog.

"Hindi mo naman ako kailangang ipaghiganti, JM!"

"Eh anong pinapalabas mo ngayon, ako pa 'tong masama kasi ako ang nanguna? Fvck! Tinulungan ka na nga! Ganyan ka parin, Karylle! Binabale wala mo parin ako hanggang ngayon!" Hindi na ako nakapagtimpi, nilabas ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. MASAKIT na eh.

"A-ano?" Tanong niya at natigilan sa pagtingin sa labi ni Neil na may dugo.

"Ulitin ko pa? Karylle ang sakit sakit na! Simula pa lang nang sagutin mo 'yang Neil na 'yan durog na durog na ko! Dati pa! Hindi mo ba ko nararamdaman?!" Sigaw ko at napahawak sa buhok ko.

"P-pero.. Hindi pa tayo ganung katagal magkakilala, JM. Ano bang ibig mong sabihin?!"

"KARYLLE I LOVE YOU! And I have something to tell you..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

To be continued

Last 2

Love Is Blind | VicerylleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant