Chapter 3

1K 36 0
                                    


VICE
.
.
A year and 5 Months passed, unti unti na kaming nagiging komportable ni Karylle sa isa't isa. Nalaman ko nalang na ang dami pala naming similarities. At I saw na gustong gusto ni Mom si Karylle. She treat her like her own daughter. Yeah right, nagkakilala na ang mom ko and si K. Lagi ko kasing pinapasyal si Karylle sa bahay at nagiging close rin sila ng Mom ko.

Nope, you're all wrong. Hindi ko siya girlfriend. Walang malisya ang lahat ng bondingan naming dalawa, siguro sadyang gusto lang namin makasama ang isa't isa.

Pero I should say this, minsan nakakaramdam ako ng kakaiba whenever I'm with her. She's nice, funny, smart, and beautiful. Nagliliwanag yung paligid ko sa twing nakikita ko siya. Pero I think ako lang ang nakakaramdam nito. Not the same as hers, KAIBIGAN niya lang ako.

Oo bulag siya, then what? I LOVE HER.

You read it right, I love her. Ayokong aminin, this may cause our friendship to be broken.

I love it when I give time to take care of her. To support her when she needs to. Hindi kumpleto ang araw ko sa tuwing hindi ko siya susunduin sa bahay nila tapos makikipagkulitan ako sa kanya, sasama siya sakin sa mga visitings ko sa mga branch ng restaurants ko. Ganun siya kasupportive sakin bilang kaibigan niya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya na.. Mahal ko siya. Gusto ko siya. Ewan ko, siguro may tamang panahon naman diyan diba? Hindi pa siguro ngayon, siguro kailangan ko pa siyang pasayahin ng husto at baka maramdaman na naman niya.

"Vice, if makakita ako. Anong unang bagay na ipapakita mo sakin?" Pagmamahal ko. Tanong niya sakin while we're sitting on a bench dito sa park. Kung pwede hindi mo na makita ang pagmamahal ko okay lang basta maramdaman mo ayos na.

"Mmm, kung gaano ako ka-gwapo I think?" I joked.

"Hahaha! I wish."

Ganyan kaming magbiruan, harutan, kulitan. Ang sarap niyang kasama.

"Ay teka, K. May ibibigay pala ako sayo." I said and took the thing from my pocket and placed it on her fingers.

"S-singsing? Uy, nagpo-propose ka sakin noh? Hahahah!" Siguro, pagdating ng panahon.

"Hindi uy! Haha, nakikiuso lang ako sa kapatid ko. Friendship ring daw 'yan. Wag mong iwawala ha? Mahal yan.. Joke lang, basta itago mo 'yan." I held her hand tighter.

"Bakit mo naman sakin ibinigay 'to sa dinami dami ng mga kaibigan mo?" She asked, bakit nga ba?.. Kasi..

"Kasi, hindi ako nagdalawang isip na sayo ibigay 'to. Ikaw lang kasi ang babaeng.. I mean kaibigang naging komportable sakin ng ganito eh. Saka you're true to me, pinapasaya mo ko lagi. This is just for thanking you sa lahat lahat. Kaya pangako mo ah, walang iwanan. Hinding hindi tayo mag-iiwanan." My tears almost fell. Bakit ba ganto ang pakiramdam ko?

"O-oo naman. Thanks Vice." She touched the ring and smiled.

"I love you K, thanks for being a nice friend," normal lang naman sakin na sinasabihan ko siyang I love you. Kasi ang alam niya, pangkaibigan lang yun. I hugged her at the same time.

"Ambango mo talaga," she giggled.
.
.
.
.
.
GENERAL POV

Pagkatapos nang ilang buwan na ibinigay ni Vice kay Karylle ang magarang singsing na binili pa niya sa halagang 20k at hindi yung puchu puchung friendship ring lang kundi may meaning talaga.

Hindi man niya maisigaw o maipahayag ang nararamdaman niya ngayon ngunit umaasa siya na kusa itong maramdaman ni Karylle. Parang bato naman si Karylle sa kanyang katigasan[A/N: HOY! BAD.] at kamandhidan dahil hindi niya magawang maramdaman man lang ang pag -ibig ni Vice.

Kapag may nag-aakalang mag-jowa sila, tanging ngisi at konting panghihinayang ang nararamdaman ni Vice.

Dumadating ang mga panahong nahihirapan si Vice sa pag-alalay at kakulitan ni Karylle pero natatawa nalang siyang isipin na siya rin naman ang may gusto nito. Gusto niyang siya lang lagi ang kasama ng dalaga sa hindi niya alam na rason. O baka nga ito na yng sinasabi nilang.. pag-ibig.

Araw-araw nagdadala ng bulaklak si Vice sa bahay ni Karylle sa tuwing susunduin niya ito upang gumala. Hindi man nakikita ng dalaga ang mga lugar na pinupuntahan nila, ramdam naman ni Vice na kahit ganoon ay nag-eenjoy siya.

Konting ngiti lang ni Karylle gumagaan na ang kalooban niya. Konting kapit lang nito sa kamay niya, kinikilig siya. Konting tawa lang nito, nahuhulog na siya.

"JM, ano bang nginingiti mo dyan. May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" singit ng ina ni Vice na kapapasok lang sa kwarto nito. Nakadungaw kasi si Vice sa may balcony ng kanilang mansion sa gabing ito, inaalala ang mga magagandang nangyayari sa kanila ni Karylle.

"H-huh? Mom naman, di noh. este, wala noh." nauutal na sagot nito.

"Naku, tutoy. Wag mo na akong pagtaguan. Kapag masaya ka, nararamdaman ko yan. Oh, ano bang ikinasasaya mo ngayon, anak?" Tanong ni Madam Rosario habang hinihimas ang balikat ni Vice. "Si Karylle ba 'yan?" dagdag ng ina kaya napatingin si Vice.

"Ma talaga, alam niyo na lahat eh.." Natatawang sambit ni Vice at umiling.

"Syempre naman. So ano bang nararamdaman mo anak. Inlab ka na ano? Naku, JM. Sa wakas magkaka-gelpren ka narin. Matagal ko na 'tong pinagdarasal eh. Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin dun sa magandang dalagang lagi mong pinapasyal dito, anak? Si Karylle? Gusto ko siya para sayo. Biruin mo 'yun, pinagkatiwalaan ka niya kahit na hindi ka pa niya nakikita kung ano bang itsura mo, pero alam kong ramdam niya 'yon.. JM, anak.. Hindi kailangan makita ng isang tao ang tunay na pag-ibig. Ang importante, nararamdaman. Diba?" Medyo napag-isip isip si Vice at muling dumungaw at tumingala sa mga bitwin.

"Siguro nga, nay. Siguro nga mahal ko na si Karylle...." Pag-amin nito.

"Eh ano pa bang gagawin mo, anak? Dapat umamin ka na nung binigyan mo siya nung mamahaling singsing..." Nagulat naman si Vice kung paano nalaman ito ng kanyang ina kaya tumingin siya ng mapagtanong dito. "Wag ka ng magtaka, JM. Alam kong bumili ka kasi nabawasan ng dalawampung libo yung laman ng atm card mo. Saka wala naman problema dun. Proud na proud nga ako sayo eh. Hindi naman binabase sa halaga kung magkano ang presyo ng bagay basta ang mahalaga ay kung gaano mo siya pinahahalagahan at kamahal." Nakangiting pangaral nito.

"Salamat, mom..." Sabi ni Vice at niyakap ang ina. "Pramis, magiging akin rin si Karylle.. Simula bukas." bulong ni Vice sa ina at niyakap pa ito ng mas mahigpit.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

To be continued.

K bye.

Love Is Blind | VicerylleМесто, где живут истории. Откройте их для себя