Chapter 13

861 36 0
                                    


"KARYLLE I LOVE YOU! And I have something to tell you..." She froze. Alam ko namang nakakagulat 'yung sinabi ko para sa kanya. Pero I think it's time para sabihin ko narin ang lahat.

"J-JM.." Sabi niya.

Nag-walk out nalang ako, tutal nasa park narin lang ako pumunta na ako sa paborito kong lugar kung saan tahimik, saka masarap makapag labas ng hinanakit. Iniwan ko silang dalawa 'dun, magsama sila. Yun naman ang gusto ni Karylle eh, ang masaktan akong nakikita silang ganun ni Neil.

"JM!" Rinig ko g sigaw mula sa likod ko. Naghagis ako ng bato sa may pond para malabas ko yung kanina ko pa gustong ilabas.

"Ba't ka pa sumunod, ba't mo iniwan yung Neil MO," cold kong sinabi nang hindi natingin sa kanya.

"Pinauwi ko na siya. At hindi na siya sakin ano ba. JM ano bang nangyayari? Hindi kita maintindihan," mahina niyang sinabi sabay tumabi sakin.

"Ramdamin mo para maintindihan mo! Karylle ano ba, hindi mo ba talaga nararamdaman hanggang ngayon?" Tanong ko at humarap na sa kanya. Bumigay na ko, I cried.

"Ang alin nga?! Tell me,"

"AKO SI VICE!" I shouted.

"V-vice?"

"Oo, ako 'yung Vice na tinutukoy mo. Ako 'yung Vice na iniwan mo, Ako 'yung Vice na minahal ka." Pagpapatuloy ko. I smirked. Naupo ako sa katapat na bench at sumandal.

"You don't know what happened to me when you left. Actually naaksidente pa ako, lalo na yung kanang binti ko. I was planning to court you but then I found out na umalis ka na. Ang sakit.. Sana kasi hindi ka nalang nagpa-gamot, sana bulag ka nalang.. Siguro masaya na tayo ngayon. And yung singsing. Yung singsing na binalik mo, at yung letter na sinabing mong babalik ka after a year. Wow! Ganun' na ba katagal ang one year dyan sa bansang pinuntahan mo?? Umasa ako Karylle eh," kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"Alam mo 'yung pinakamasakit? Nung nakita kita uli, KINALIMUTAN mo na pala ako. Kaya hindi ako nagdalawang isip na hindi sabihin sayo. Hinintay kong IKAW MISMO ANG MAKARAMDAM. Pero ano? Ako pa ang nagsabi. K naman, of you really know me, love me, ikaw mismo ang makakaramdam na ako 'yung taong 'yun! At ano ngayon, nasaktan ka pero anong mangyayari sakin, tagasalo?" I continued. Nakita kong lumuluha na siyang nakatayo sa harap ko.

"Naawa ka sakin? K wag, hindi mo kailangan," sabi ko at tumingin sa tubig.

"V-Vice.." Sabi niya.

"Okay lang, K. Okay lang kung magalit ka sakin at layuan uli ako, sanay na ko," hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumayo sa kanya. Alam ko naman ang gagawin niya e, sasaktan niya lang ako at hindi niya ko tatanggapin.

Sana pala di ko nalang inamin, see? Tameme nanaman siya, alam ko na naman. Okay lang sakin.

Mabilis akong naglakad papunta sa sasakyan ko. Uuwi na ko, wala na ko sa mood gumala pa. Gagala na nga lang masasaktan pa? Tinde.

Pasakay na ako ng sasakyan ko nang may tumawag ng pangalan ko.

"Jose Marie Viceral!!" Kilala ko 'yung boses pero hindi na ako tumalikod. Bahala ka.

"Huy V-Vice ano ba!" Sigaw niya at pinaharap ako nung hinila niya ko sa braso. Mananakit na nga emotionally, physical pa rin?!

"Vice naman! Ang bilis bilis mong maglakad tumakbo pa tuloy ako!" Singhal sakin ni Karylle.

"Uy sumagot ka nga para kang timang!" Sabi niya sabay tapik sa magkabilang pisngi ko. Ano bang nakain nito pagka-alis ko? Parang walang nangyari ah, nalulutang na 'tong babaeng 'to.

"Huy! Walang maghahatid sakin pauwi! J--Vice naman, hindi naman ako galit. Actually pinasaya mo ko, finally nakita ko na 'yung taong mahal ko. Wala namang mangyayari kung magagalit pa ako kasi hindi mo agad sinabi, ako naman yung may kasalanan kung bakit mo kailangang itago ang lahat eh. I'm sorry, at salamat naghintay ka parin," Hindi ako tumingin sa mata niya pero ramdam kong nakatingin siya sakin. Tahimik lang ako, nakikinig.

"Ano ba 'yan Vice eh! Gusto mong iwan talaga kita? Di ka sasagot?!" Parang si mama lang o,

"Fine then! Kung yan ang gusto mo then I'll leave you!" Padabog niyang sinabi at nagmartsa paalis. Wala pa siyang likang hakbang nang bumalik siya sakin.

"Eeee! Vice! Ayaw ko kayang mag-commute! Sinama sama mo ko dito tapos pauuwiin mo rin ako nang mag-isa? Aba mister sobra ka ha!" Hindi parin ako sumagot at sumandal nalang sa pintuan ng sasakyan.

"Hindi ka talaga sasagot? Kukunin ko 'yang susi mo at ikaw ang iiwan ko dit-----mmmmm!" Ang daldal daldal niya eh, nahalikan ko tuloy!

"Ang daldal mo, nakakarindi." Saway ko at nakangisi.

"Vicee! Magnanakaw ka! Hayop ka noh! Magagalit ang mama ko kasi ninaka---" hinalikan ko nalang siya uli. Wala akong paki kung maraming taong naglalakad dito at nakikita kami. Bakit, gusto ba nilang makijoin?

Hindi ko na inalis ang pagkakahalik ko sa kanya, masuyo ko siyang hinalikan at naramdaman ko naring tumugon na siya. Di rin makakapigil 'tong babaeng 'to, mahal rin ako nito alam ko.

'Ay, ano ba 'yan dito pa naglaplapan!' Rinig kong sabi ng isang matandang babaeng napadaan.

'Jusko, gabayan sana kayo ng panginoon,' Sabi nang napadaang madre pero wala parin akong pake.

'Emegee! Love love,'

'Grabe ang gwapo nung guy,'

'LQ 'yan kanina eh, magbabati rin pala.'

'Sarap ng burger,'

'Pahalik rin, Fafa!'

Humiwalay sakin si Karylle at napadilat ako habang nakangisi. Pero si Karylle nakapikit parin at nakahawak sa braso ko.

"Mauubusan na ko ng hininga sayo," patawa niyang sinabi.

"Dami mo kasing sinasabi, halik ko lang pala magpapatigil sayo," Pagyayabang ko at umakbay sa kanya.

"Eh kasi naman bakit ba ayaw mong sumagot kanina??" Naka pout niyang tanong.

"Nag-iipon lang ako ng boses para isigaw ko dito na....

MAHAL NA MAHAL KO SI KARYLLE!" Nanlaki ang mata niya nang tumakbo ako paikot ikot sa may puno at sigaw ng sigaw. Nagtatawanan yung mga tao pero lakompake, meron ding nagugulungan sa kilig isa na yung bakla dun. "MAHAL KO SI KARYLLEEEE!" Hinila ako ni Karylle na halos ikasira na ng t-shirt na suot ko.

"Vice ano ba! Nakakahiya!" Nakakahiya? Hindi ko alam yang word na yan,

"Basta mahal na mahal kita, K.."

"Mahal din naman kita e, mahal na mahal,"

"Tara na nga misis, baka magbago pa ang isip mo at hindi ka sumama," hinila ko na siya at pinagbuksan ng pinto. May ibibigay pa ko sa kanya e,.

💖💖💖💖💖💖
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Wakasdfghfkldjs

To be continued.

Love Is Blind | VicerylleOnde histórias criam vida. Descubra agora