Chapter 5

832 33 1
                                    

"Vice? Vice, gising ka na ba?!" Sabi ni Karylle habang kinakapa ang pisngi ni Vice. Unti unti namang naalimpungatan ang binata at medyo napamulat. Sumalubong ang mukha ng isang anghel sa buhay niya kaya bigla siyang napangiti at hinawakan ang kamay ni Karylle.

"K...."

"Vice! Okay ka lang ba? Sabi ng mommy mo naaksidente ka raw, god, Vice pinag-aalala mo ako.." Alalang sabi ni K at patuloy parin sa pag-cup ng pisngi ni Vice.

"Karylle, okay na k-ko.. Andito ka n---"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"JM! Anak! Tutoy! Jose Marie!!"

"Vice!" Sigaw ni Lester saka duon nagising si Vice. Pilit siyang ginigising ng kanyang ina at kapatid dahil kanina pa nga siya sigaw ng sigaw ng 'Karylle', masakit ang katawan nang dumilat si Vice at nakita ang pigura ng kapatid at anak niya.

"M-ma?" Mahina nitong sambit. "A-asan si K-Kar... Karylle?" Walang ka muwang muwang na sinabi nito at nakita nalang ang kamay niyang may naka-saksak na dextrose at naramdaman nalang niyang may oxygen mask siya sa may ilong. Isama pa ang bendang nakapulupot sa kanang binti niya.

"Anak... Hindi ko alam, basta nalaman ko nalang na naaksidente ka. Nabangga ka sa isang poste, tutoy. Bakit ba kasi ang bilis bilis mo raw magmaneho sabi ng mga nakakita sayo?! Buti nalang talaga at hindi ka namatay kundi papatayin kita! Napaka-kulit mo!" Sumbat agad ni Madam rosario.

"M-ma... S-si Karylle.,. W-wala na.."

"ANO?!" Sabay na sigaw ng kapatid niya at ina.

"Jusko, basbasan sana siya ng ispiritu santo--"

"Mom hindi! Wala na siya! Umalis na siya! Ni--hindi manlang siya nagpaalam sakin! Ma!" Galit na singhal ni Vice kasabay ng pagpatak ng luha niya. Kilala si Vice na kapag nasaktan, tagos talaga sa puso. Bihira lang kasi siya magmahal ng totoo, pero ngayon nasaktan na agad siya.

"A-anong ibig sabihin mo, tutoy?" Tanong ng kanyang ina habang nakatingin si Vice sa kawalan. Hinawi ng kanyang ina ang buhok niya at pinapatahan ito.

"Wala... Umalis na siya. May iniwan siyang sulat, ma. B-binalik niya yung singsing.. P-pero bakit hindi niya agad sinabi sakin? Mom, ang sakit! K-kailangan ko siyang sundan ma! Ilabas niyo ko d-dito!!" Pagpupumilit ni Vice at huhugutin na sana ang dextrose nang awatin siya at hawakan ang magkabilang kamay niya ng kanyang kapatid at ina. Basang basa na ang mukha ni Vice sa luha.

"Ang tanga tanga ko.. Umalis s-siya ng hindi ko manlang nasasabing mahal ko siya... D-dapat namatay nalang ako nung nabangga ako eh. Wala narin namang patutunguhan tong buhay ko.. Ayoko na.. Ayoko ng mabuhay. Tutal wala narin naman yung buhay ko.." Mangiyak ngiyak niyang wika kaya naawa ang kanyang ina.

"Mom... Tanggalin niyo na 'to, please! Ayoko ng mabuhay.." Pakiusap nito na parang di na alam ang mga sinasabi.

"Tutoy, anak.. Wag ka ng umiyak. Ano bang sabi ni Karylle? Siguro naman babalik siya hindi ba? Hindi ka naman bibitawan ng ganun ganun lang ng dalaga. Babalik 'yun anak naniniwala ako. Tahan na ha? Siguradong magagalit sayo si Karylle kapag nakikita ka man niyang umiiyak." Pagpapatahan sa kanya ni Madam R.

Niyakap niya ng mahigpit ang anak niyang si Vice na patuloy parin sa pagpatak ang kanyang mga luha. Ngayon na nga lang siya nagmahal nasaktan pa siya. Pati mismong kapatid niya ay hindi nakatiis at naawa rin sa kapatid dahil sa naaksidente na nga ito, pati puso pa niya nawasak narin.

Nang makatahan ang binata. Nakaupo lang siya sa kama at nakasandal sa headboard, mugtong mugto ang mga mata. Pinagmamasdan niya lang ang kamay niyang kay nakasaksak na kung ano ano pero hindi naman talaga un ang iniisip niya, si Karylle parin..

"Tutoy, kumain ka na oh.." Pag-aalok ng ina at kumuha ng soup gamit ang kutsara saka inilapit kay Vice pero umiwas lang ito.

"Ayoko, ma... Wala akong gana..." Matamlay niyang sagot.

"Tutoy naman.. Sige na dali kahit konti lang.."

"Mom, I said no." Pagmamatigas nito.

"Edi wag, ang choosy." Bulong ng ina niya at inilapag ang tasa sa maliit na mesa.

✖️. ✖️. ✖️. ✖️. ✖️. ✖️. ✖️

Nung lumabas ng ospital ang binata, naka-wheel chair pa lamang ito pero pansamantala siyang binili ng saklay ni Madam rosario para pang suporta niya sa paglalakad hangga't hindi pa siya makakalakad ng maayos.

Apat na araw nang nasa bahay si Vice pero ni hindi niya magawang lumabas ng kwarto niya. Lagi nalang siyang nakaupo sa kama, tulala, walang ginagawa, at titignan ang mga litrato ni Karylle sa cellphone niya. Puro kasambahay nalang niya ang nagdudulot ng mga pagkain at mga kailangan niya para dalhin na lang sa kanyang kwarto.

Minsan di nalang niya namamalayan habang tinitignan ang litrato ni karylle sa kanyang phone ay naluluha na siya. Lalo na kapag pinapa-ulit ulit niyang i-play ang video ni Karylle na tawang tawa sabay sabi ng 'I love you'.

"JM, may bisita ka.." Sabi ng ina niya nang sumilip sa pinto. Tumango nalang siya na senyas na papasukin ang mga ito sa loob.

"O, brad, musta.." Bati ni Vhong, ang kaklase rin ni Vice nung high school kasama nila ni Billy.

"Sir!" Bati ni Billy, "Sir, di na kayo nadalaw sa resto." Pormal na sabi ni Billy.

"Wag mo nga akong ma-ser ser dyan. At pano ako makakadalaw eh lumpo na nga ako?" Cold na sagot nito kaya napakamot ang kausap.

"Sorry naman, kuys." Billy said.

"Huy brad, buti naman okay ka na. Sensya na di ako nakadalaw nung nasa ospital ka pa. Nga pala, ba't ka ba nagmamadaling mag-drive? Wala ka naman sigurong hinahabol ano?" Sabi ni Vhong na nakaupo na sa may paanan ni vice.

"Ano ba Vhong, yung liligawan niyan umalis n--"

"Hindi ka ba talaga titigil Billy Joe? Gusto mo atang masisante eh!" Pagalit na tugon ni Vice. "Andito ka ba para mambwiset? 'Tong bwisitang to." Pang-uurat ni Vice.

"Wag na nga nating pag-usapan 'yan. Pero ang mahalaga medyo okay okay ka na, brad..." Pagchange topic ni Vhong.

"Oo nga, dalawa ka rin minsan sa resto, Vice. Tawagan mo lang ako, pwede kitang tulungan makapunta." Singit ni Billy.

"Paano ako dadalaw eh kita mong lumpo na nga ako, saka bakit mo ko tutulungan lumpo ba ako?" Makulit na sagot ni Vice at kanina pa kota sa pambabara kay Billy.

"Sorry naman! May galit ka ba sakin?!" Pagalit na singhal ni Billy pero agad ring natawa. "Tss.. Basta kuys.. We're just here for you.. Kung ano man yang pinagdadaanan mo, I'm sure maayos rin yan. And I'm sure, babalik rin... siya." Billy smiled.

"Thanks, Bil.." Ngiting sabi ni Vice pero pilit.

"Pano ba 'yan, Bays... Una na kami ha? Puntahan ko pa yung girlfriend ko, si Anne." Sabi ni Vhong at tumayo.

"Ako rin, kuys. Diretso ko sa Coconut... Wala ngang cook dun eh, hehe.. Sorry! Hahahaha," sabi ni billy ng napakamot kaso aambaan na sana siya ni Vice ng hampas.. "Oh! Easy! Buti nga binisita pa kita eh, nandun naman si Frances. 'To talagang mokong na to." Pambawi ni Billy.

"Sige na. Magsilayas na kayo." Cold na sagot ni. Vice.

Nang makaalis ang dalawa. Humingang malalim muna ang huli habang nakatulala nanaman sa kawalan. Sinimulan nanaman niyang haplos haplusin at halik halikan ang singsing na ibinalik ni Karylle. Sadyang di niya makalimutan ang masakit na pangyayari. Labang man sa loob niyang pakawalan si Karylle pero... Ayaw niya naman talaga...

"Isang taon lang Karylle... Pangako mo yan.. Hihintayin kita."
.
.
.
.
.
.

To be continued.

Love Is Blind | VicerylleWhere stories live. Discover now