Chapter 8

889 30 1
                                    

VICE'S POV

FORGET.

FORGET.

FORGET.

Pero si Karylle nga 'yun eh! Bulag na ba ako? Ako na ba 'yung bulag this time? Pero bakit? Bakit naman magda-drive si K? Diba bulag siya? Pero baka nagpagamot na siya? Eh ba't siya bumalik dito? Ba't nagpakita pa siya?

'Yan ang mga tanong na kanina pa paikot ikot sa utak ko. Hindinko alam kung si Karylle ba talaga yung bulag o ako. Marami naman sigurong kamukha si Karylle sa mundo.

"Hi, bil.." Malamya kong bati kay Billy sabay hablot ng aprong nakasabit.

"Oh? Problema ni tutoy??"

"Pakyu. Manahimik ka nga't magtrabaho ka na. Di ka nakakatulong." Sagot ko. Tinignan ko na yung mga nakasulat sa list ng mga order nila para makapagluto narin ako. Pano ko kaya suswelduhan ang sarili ko.

Ba't ko ba kasi iniisip yung babae kanina? Bakit pa ba ako umaasang babalik pa si Karylle? Eh limang taon na nga ang nakalipas. Vice, hindi na siya babalik. Ni-isang paramdam walang nagawa.

"Sir, pancit buko and hopia table number 14," sabi ni Coleen galing sa labas kaya napa-ngisi ako. Mayp naalala kasi ako.. Ganyang ganyan din yung inorder niya nung kasama niya ako.

"Arr! Nakr mish! Shuri po. Bolag ata ako." Narinig ko nanaman si.... Ryan. Ilang basag na ba ang nagawa nito? Kulang nalang mukha na niya basagin ko eh! Lagi nalang may natatapunan.

Sumilip ako sa may maliit na bintana. Tama nga, may natapunan nanaman 'tong koreanong to.

"Sir.. Again.."

"I'll handle it." Sabi ko kay Coleen at lumabas nanaman ako ng kitchen. Nakatalikod yung babae at si Ryan lang ang kita ko.

"I'm sorry ms... Hindi po sinasadya, it was just an accident. I'm sorry ms.." I said, bowing and handing her a tissue.

"No, okay lang, wag mo na siyang pagalitan.. Ako rin ang may kasalanan. I'm too excited kasi to enter the restau kaya I didn't saw him...." Parang nangyari na to ah.. May naririnig pa ba ako? ... Tama ba 'tong nakkita ko?

"K-karylle?.." Bulong ko ng mahina at muntik ko ng mahulog ang tissueng hawak ko.

"Ah? You know me?" Sabi niya. What da...

"O-of.... No! No, sorry, mali... I-I mean, hindi po.. K-kamukha mo lang siya, no.. Never mind, pero miss, sorry talaga," sabi ko. Buti konti palang mga tao dito, pero ang awkward parin.

VICE SI KARYLLE ANG KAHARAP MO.

"Hihi, okay nga lang.. You know parang nakita na kita..." Huh? Di mo nga ako nakita dati kasi bulag ka. Hay. K, it's still you. "Ay yeah!! Yung lalaki na muntik ko ng mabunggo? Oh my gee, I'm sorry that time hu? I didn't mean it. Masyado lang akong na-excited." Sabi niya habang hawak ang magkabila niyang kamay.

"O-okay lang rin yun miss.. Nga pala, V-v... JM. I'm JM..." I lend my hand at tinanggao naman niya pero paran nag-aalanganin parin yung mukha niya.

"Vice.. Sounds familiar.. But never mind, Karylle.. K nalang." She smiled. Kinalimutan ka na niya.

"So... Is my order ready na? Gutom na kasi ako eh. Branch ko na 'to." Sabi niya, ang cute. Parang gusto ko nalang uli ibalik yung dati, yung bawat ngiti niya pini-picturean ko.

"A-ah.. Titignan ko po, maupo muna kayo." Nahihiya kong sagot habang itong si Ryan kanina pa punas ng punas ng sahig dahil sa natapon nyang buko juice kay... Ano.. Kay Karylle.

Love Is Blind | VicerylleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant