Chapter 10

765 31 2
                                    

"Hi Karylle," ngiting bati ni Vice nang pagbuksan siya ng pintuan ni Karylle. Mukhang nagulat naman si Karylle sa presensya ni Vice.

"JM? What are you doing here? Paano mo nalaman yung bahay ko?" Takang tanong ni Karylle. Nanlaki ang mga mata ni Vice dahil nakalimutan niyang hindi nga pala alam ni Karylle kung sino talaga siya at kung paano niya alam ang bahay ng dalaga.

"A-ano! S-si Vhong.. Oo si Vhong sinabi niya kung saan yung bahay niyo. Wag mo nang intindihin, K.. Flowers for you." Sabay abot ng binata ng bouquet ng roses kay K.

"Oh, thank you. Para san 'to? Last day lang tayo nagkakilala then you're actually giving me these flowers?" Matawa tawang tanong ni Karylle habang pinagmamasdan ang ganda ng mga bulaklak.

".. Wala lang, Karylle. Natututuwa kasi ako pag nakikita ka.." Nahihiyang sambit nito.

"Gusto mo bang pumasok?" Tanong ni Karylle.

'Naku, pano kung makilala ako nila tita Z? Baka sabihin nila kay Karylle, hindi pwede.. Gusto kong si Karylle mismo ang makakalaman kasi dito ko makikita kung talagang ramdam niya na ako yung lalaking nagmahal sa kanya noon.' Sabi ni Vice sa isip.

"Nako, hindi na K.. Nakakahiya naman saka may lak---"

"Hi baby K!! Good morning!" Natigil nalang si Vice nang sumulpot ang isang matipunong lalaki mula sa likod niya at may dala ring bulaklak para kay Karylle. Hindi ipagkakailang gwapo ito at maganda ang pangangatawan. Lumapit ang binata kay Karylle sabay beso dito.

"Neil! Aww, thank you." Malambing na sagot ni Karylle habang nakangiti.

"Welcome, baby.." Malalim na boses nitong sagot at umakbay pa kay Karylle saka inamoy ang buhok nito. Napakunot ng noo si Vice dahil hindi ginusto ang ginawa ng binata kay Karylle.

"Neil ang clingy mo.."

"Ikaw kasi, baby eh. Ang tagal mo pa ko sagutin." Halatang hirap ito sa 'K' pag nagtatagalog dahil laking ibang bansa ito pero may lahing pinoy.

"E ehem.." Pagsingit ni Vice. Tumingin siya sa ibang direksyon dahil maasim sa paningin niya ang nakikita niya sa harap ngayon.

"Oh! Neil, si JM nga pala. I met him dun sa Coconut Restaurant last day. JM, si Neil, best friend ko." Sabi ni Karylle.

'Buti naman best friend pa lang..' Sa isip na sabi ni Vice.

"Nice to meet you, bro." Sabi ni Neil kay Vice pero nag fake smile lamang ito at nakipagkamayan.

VICE'S POV

"Una na ko, K.. Geh nice meeting you nalang. See you uli sa susunod. K." Kumindat ako at nagmadaling sumakay sa sasakyan kong mas maganda pa sa sasakyan ng Neil na yan.

"So he's Neil huh..." Sabi ko pagka-sakay ko. "Pako ka lang.. Martilyo ako."

♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ ♦️ fast forward

Ilang buwan rin kaming nagkasama ni Karylle, actually naging best friend niya pa ako. Nagkakamali kayo, hindi ko tinuloy ang panliligaw ko sa babaeng minahal ko ng pang habambuhay. Ayoko nang guluhin ang buhay niya. Ayoko nang maalala niya pa ako kung gayung di niya rin maramdaman na ako yung lalaking totoong nagmamahal sa kanya.

Pag may problema siya, lagi siyang sakin lumalapit. Lagi siya sakin humihingi ng advice, eto naman ako, ang tanga tanga bigay ng bigay, comfort ng comfort kahit pati ako nasasaktan.

Dinadala ko uli siya sa bahay, pero hindi sa kwarto ko. Kasi nandun ang lahat ng mga litrato niyang pina-develop ko simula nung nagkakilala kami. Ayoko namang magtaka pa siya, maguluhan pa siya.

Sinabi ko rin kay Mom ang lahat, na huwag sabihin kay Karylle ang totoo kasi baka magalit at masaktan siya.

Saka kinasal narin sila Vhong, nakakatuwa nga. Ang saya na ng buhay pag-ibig ng utol bespren ko. Ako kaya kailan?

"JMMMM!!!!" Akala ko may gulo na sa labas ng restaurant ko, sumilip ako sa may bintana, ayan nanaman si Karylle.. Ang ganda tuloy ng umaga ko.

Bigla bigla siyang pumasok dito sa kitchen ng shop. Loko talaga 'to. Pero okay lang, maganda naman siya. Saka mahal ko naman 'to.

Hindi siya mukhang may problema, parang ang saya saya pa nga niya eh.

"Ano nanaman 'yan, K?" Sabi ko at nagluto nalang ako at pinagpatuloy ko.

"Oh my gooood! JM naman!! I'm sooo happyy!!" Na-hibang na 'tong babaeng to.

"Bakit?"

"YHIEEEE! SINAGOT KO NA SI NEIL!! I'm so happyy!!" Niyakap niya ako sa sobrang tuwa. Ang saya saya niya. Ang saya saya ng taong mahal ko kasi may mahal na siyang iba. Paano ako..

Vice, wag kang tanong ng tanong.

Wag kang magtanong kasi wala na..

Wala nang sasagot..

Wala na siya..

Ba't ba ganto yung nararamdaman ko? Ayaw ko ba siyang sumaya? Bakit? Sino ba akoara magalit kung sila na ng pakong 'yun?

Naiinis ako, pero ano bang karapatan ko? Ba't ba ako gan'to? Kahit na alam kong hindi naman niya ako mahal.

"O-okay.. C-congrats.." Congrats, masaya ka na..
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continued.

Love Is Blind | VicerylleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant