Friendship Bracelet {One Shot}

637 27 19
                                    

Published on September 13, 2012, Thursday. 

A/N:  This is my first One-Shot story! *breaaaath* I hope you like it! ^_____^ Vote and Comment! Chos! Syempre after niyong basahin!

"Sorry Marj. Sorry sa lahat."

Hindi ako nagsasalita, ang dami kong gustong sabihin, pero wala ng lumalabas sa bibig ko.

Two weeks ko na siyang hinihintay mag-sorry. Syempre, alam naman niyang hindi ko siya matiis eh.

"Bahala na," bulong niya.

Pero iba ngayon. Masyadong seryoso ang atmosphere. Hindi lang basta sorry ang kailangan ko.

Pero 'yun ang gusto kong marinig, at ayokong sumagot.

Ayokong magreact. Parang mali kasi 'to. Hindi siya 'to.

Hindi ako 'to. At this exact moment, hindi kami 'yung magbestfriend na Marj at Kiko. Two weeks has done too much. Gusto kong umiyak, gusto ko siyang suntukin. Pero nothing's happening. Para akong tuod.

"Sorry talaga..."

'Yan na naman, walang katapusang sorry. Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Lahat ng kinimkim ko ng dalawang linggo, ngayon ko na ilalabas.

Nakatingin siya sa kamay ko, hindi pinapansin na umiiyak ako.

Hindi niya ako pinapatahan.

Sobra na'to.

Marami akong ineexpect marinig. Mageexplain siya at okay na, tatawanan nalang namin.

Or baka magja-jackenpoy nalang kami, 'pag panalo siya, okay na.

Hindi sapat 'yang mga 'yan para maayos 'to, pero mas tanggap ko na, kesa mawalan ako ng kaibigan.

Ito ang hinding-hindi ko inasahan. He took something at sinabi,

"Sorry, pero hindi mo na 'to kailangan."

Ano bang nangyari sa bestfriend ko? Hindi naman ganito dati.

-----

'Yung storya ng buhay ko, kung nakalagay lang siguro sa Wattpad, baka ito 'yung tipong ineechepwera lang. 'Yung parang mga story na hindi mapapansin ng lahat.

Pero ito 'yung tipong susubaybayan ko. :)

Masyadong cliche.

Bukod kasi sa daddy at kuya ko, si Kiko lang 'yung malapit na lalaki sa akin. Bestfriend ko 'yan!

Pero baka mabwisit na naman 'yun 'pag tinawag kong Kiko sa harap ng maraming tao. Nakakasira daw ng "image" niya.

Psh. Image.

Nyetang image 'yan.

Ayoko na ma-BV. Mamaya na 'yan. Katulad ng sinasabi ko, hindi 'yan nagpapatawag ng Kiko. Nickname lang niya 'yan sa bahay nila. Nakasanayan na eh.

Masyado ko na yatang inuulit, baka mainis na si Franz, ang campus heartthrob kong bestfriend. Marami ngang nagtataka kung bakit ako ang bestfriend niya eh.

Sikat din naman ako sa school ah.

Ako? 'Yan 'yung babaeng walang fashion sense. Bookworm. Four-eyed. Name it.

Pero walang nanglalait sa akin, bakit? Subukan nila, at si Kiko ang katapat nila. Hanggang bulungan lang lahat ng 'yun.

Wala nga lang akong kaibigan, si Kiko lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship Bracelet {One Shot}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon