Amy Roses Pov.
Ito ako tulala. Umiisip ako kung gumawa nalang kaya ako ng tula? Oh diba tugma?
Mag kaiba man ang ating lahi
Ika'y aking iibigin
Mag kalayo man ang ating mundo
Ika'y aking hahanapin"Ano yan?" Wika ni Aubrey na nasa gilid ko kaya agad kong nilukot ang papel at nilagay sa bag ko.
"Wala." Nakangiti kong sabi.
"Hmm. May naaalala ka ba sa kanina?" Tanong niya na para bang hindi ma pakali. Umiling ako at ngumiti.
"Bakit mo natanong?" Curious kong sabi kahit na ang totoo ay alam ko.
"Wala lang. I just asked. Ahmm. May gagawin ka mamaya? Sabay tayong mag lunch pwede?" She asked with a big smile. Tumango nalang ako at ngumiti din.
"They said that leave her alone." Cold na sabi ni Kima.
"Stop it Sy. Kaibigan ko parin siya. Kaya wag mo siyang takutin." Galit na sabi ni Aubrey. Umirap lang si kima at tumingin ulit sakin.
*Traitor, wag mong susubukan na lokohin kami ulit or else.* bulong niya sa utak niya. *It's your choice if you leave here or else.* sabi ni Kima at umalis. Nuh daw?
"Bakit hindi ko mabasa ang nasa isip mo?" Narining kong bulong ni Aubrey kaya lumingon ako sa kaniya.
"May sinasabi ka?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at doon ay nag bell na kaya lumabas na kami wala ngayon yung mga teacher kasi may meeting daw sila.
(Canteen)
Ito ako ngayon kumakain habang si Aubrey naman kwento ng kwento. Tumawa ako ng nakita kong natahimik siya kaya tumingin ako sa kaniya. Nakita kong matiim ang pag titig niya sakin na para bang binabasa ang nasa isipan ko. May iniisip ba to?
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at ngumiti.
"Bakit ngayong araw di ka masyadong lumalapit saamin? Talaga bang wala-" hindi na natapos ang sasabihin ni Aubrey ng may sumigaw.
"MAY BAMPIRA SA LOOB NG CR NG MGA BABAE, HUMINGI KAYO NG TULONG!!!!" Sigaw nung babae. Nakita ko namang nag pula ang mata ng ibang istudyante at ganun din si Aubrey. Tumingin sakin si Aubrey atsaka ngumiti.
"Ako ang bahala sayo." Wika niya sabay hawak sakin. Napansin ko namang ang ibang tao dito sa loob ay hinawakan din ng mga bampira. Hihilain na sana ako ni Aubrey ng may humawak din sakin. Pag lingon ko ay nakita ko si Ma'am Sumilang na nag aalala.
"Bitawan mo siya Aubrey. Ako ang may hawak sa kaniya." Seryosong sabi ni Ma'am Sumilang bumitaw naman si Aubrey at hinayaan akong hilain ni Ms. Sumilang. Dinala niya ako sa gym na kung saan ang ibang istudyante ay umiiyak sa takot.
![](https://img.wattpad.com/cover/167130757-288-k360194.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire Princess | ✔
VampireBampira at ang mga lobo ang itinakdang mag kalaban simula't umpisa. Kada henerasyon may bagong magiging pinuno ang mag kabilang panig. Ngunit ngayon na ginawang kwentong pambata ang tungkol sa amin, ano nalang ang magiging reaksyon ng nakakarami...