Chapter 14

2.3K 59 0
                                        

Someone's POV

Nakita ko kung pano napatumba si Ms. Rachel dahil kay Amy. Napangisi naman ako sa ginawa niya. Kahit na napaka bait ni amy sa pang labas lang yun, pero nararamdaman ko ang unti unting pagiging demonyo niya. Nagsisimula na ang pagiging walang puso niya.

Amy's POV.

"Wag na wag mong pagsasalitan ng ganyan ang mommy ko! Wala kang karapatan na sabihin yon, tandaan mo pangkaraniwan ka lang." seryoso kong sabi.

Masakit man sakin ay kailangan kong sabihin yun dahil si mommy ko na ang tinutukoy niya. Ang kinakalaban niya.

"Amy tama na yan! Teacher mo parin siya." Wika ni Ms. Jocelyn

"Wala akong pakialam." giit ko habang nakatalikod na sakanila.

"Humarap ka nga pag kinakausap ka ng mga guro mo." saad ni Ms. Moneth, kaya humarap ako sa kanila. Nakita ko sina Aubrey at Kristine na inaalalayan si Ms. Rachel. Habang sina Kima at Risa naman ay nasa gilid nila Ms. Moneth at Ms. Jocelyn.

"Amy ikaw pa ba yan? Ikaw ba yung kilala naming mabait na Amy?" tanong ni Aubrey kaya napa ngisi ako.

"Sorry, pero kailangan ko to gawin." Wika ko tsaka nag pula ang mata ko at tumingin sakanila. "From now and on you're under my control. You'll show no mercy when it comes at the war." saad ko tsaka sila natumba at doon ay napaiyak nalang ako.

"Tama lang ang ginawa mo. Dapat lang yun, para hindi na nila masira ang plano natin." giit ni Auntie Mae kaya tumango lang ako. Pilit kong pinatahan ang sarili ko pero patuloy paring bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko alam na kaya kong gawin yun. Hindi ko alam na magagawa ko to.

["Muntikan mo ng mapatay si Ms. Rachel."] naaalala ko nangyare kanina, ang mga oras na yon grabe ko sila pahalagahan.

["Oo ang walang kwenta at walang puso mong ina. Parehas kayo.. parehas kayong walang kwenta!"] naalala ko naman ang sinabi ni Ms. Rachel.

Bakit ko nga ba ulit to ginawa? Ako parin ba ang dating ako? Nabalik ako sa reyalidad ng mag salita si Ms. Jocelyn.

"Amy kung maaari, pwede ba kitang makausap?" Tanong sakin ni Ms. Jocelyn, saktong tumayo sina Ms. Rachel, Ms. Moneth, Aubrey, Kima, Kristine at Risa.

"Oo naman." wika ko, lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay. Napunta kami sa room kung saan walang tao gumawa naman siya ng barier.

"Bakit mo g-ginawa yun?" tanong niya naikinagulat ko.

"So ibig sabihin hindi pala gumagana ang kapangyarihan ko sayo?" tanong ko.

The Vampire Princess | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon