Amy Roses POV.
(Kinabukasan)
Naligo na ako at nag bihis na. Bumaba agad ako sa sala at agad na bumeso kina papa at mama.
"Excited na excited ha." napalingon ako kay Mama at matamis na ngumiti.
"Syempre sa eskwelahan ng mga tao na ako mag aaral eh!" masaya kong sabi. Mahina namang natawa si Mama at hinaplos ang mukha ko.
"Alis na at baka ma-late ka pa." tumango naman ako sa sinabi niya tsaka binitbit ang bag ko. Tumingin ako kay Papa na abala parin sa laptop kaya napailing nalang ako.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse. Nag drive na si Manong noel hanggang sa makarating kami sa isang school.
"Nandito na tayo Ma'am." saad ni Manong Noel kaya tumingin ako sa labas.
"Human school talaga to Manong Noel?" paninigurado ko kaya tumango siya. Binuksan ko naman yung pinto tsaka lumabas na ng kotse. Suminghap ako ng hangin at doon ay naamoy ko ang dugo ng mga tao. Mga tao nga ang nandito. Nag drive na paalis si Manong Noel kaya pumasok na ako sa gate.
Tumingin ako sa papel na binigay sakin ni Mama nakasulat kasi dito yung grade and section ko. Habang naglalaakad ako napansin ko ang mga nag bubulungan, umaakyat nalang ako sa isang building at saktong dumating ang advisory teacher daw ng papasukan ko.
"Good morning class." bati ng teacher.
"Good morning Ma'am Sumilang." bati din ng mga istudyante. So Sumilang pala ang lastname nya. Naalala ko na ngayon na pala ang oras ng paglagay ko ng lotion para hindi ako masinagan ng araw. Pag nasisinagan kasi kami ng araw parang kumikislap ang mga balat namin. Habang naguusap ang teacher at mga estudyante nag lagay na ako. Sa sobrang lakas ng aking pandinig alam kona na ako ay tinatawag ni Ma'am.
"Siya si Amy Roses mula sa Victorian School." wika ni Ma'am. Nagtaka naman ako ng sabihin ni Ma'am ang victorian yun yata ang slash name ng vampire.
"Hi I am Amy Roses from Va.. I mean Victorian School. Maging kaibigan ko sana kayo." Nakangiti kong sabi
"Sit down Roses." tumango naman ako kay Ma'am at nag hanap ng mauupuan. Ending naupo ako malapit sa bintana kung saan masisinagan ako ng araw. Galeng talaga.
Oo nga pala bukas na ang teacher's day kaya nag iisip ako kung pwede silang kuhanan ng litrato..
(TIMEEEE PASSS)
Nang mag recess pumunta agad ako sa office ng principal.
As you can see October na ko nakapag aral sa Human School, because sa Vampire School nag extend ako ng kalahating Taon. Medyo nasiyahan din kasi ako doon.
(At the Principal Office)
"Yes ano ang maiitulong ko sayo?" Tanong ng principal.
"Ahh sir kung maaari, pwede po bang ako nalang ang kukuha ng litrato sa mga guro kasama kayo.. magaling po ako sa pag kuha ng mga litrato." nahihiya kong sabi.
"Oo naman basta walang kapalit." nakangiting wika ng principal kaya tumango ako.
"Opo okay po." naka ngiti kong sabi. Kailangan ko nalang ihanda yung camera ko at yung magandang camera lens.
(Kinabukasan)
Kinuha ko agad ang camera ko at dinala ko ito sa school. Nang nakarating na ako sa school, nilinis ko ang camera lens para malinaw ang pag kuha ko ng litrato. Excited talaga akong kumuha ng litrato nila.
BINABASA MO ANG
The Vampire Princess | ✔
VampirBampira at ang mga lobo ang itinakdang mag kalaban simula't umpisa. Kada henerasyon may bagong magiging pinuno ang mag kabilang panig. Ngunit ngayon na ginawang kwentong pambata ang tungkol sa amin, ano nalang ang magiging reaksyon ng nakakarami...