Chapter 12

2.5K 60 0
                                    

(At the clinic)

Amy's POV.

Nagising ako ng nakaramdam ako ng kirot sa kamay ko. Napansin ko na may hose na naka kabit kaya bumangon agad ako. Ang hose na nakakabit sa kamay ko ay dugo.

"Oh gising ka na pala." Nakangiting wika ni Ms. Jocelyn

"Nasaan po si Ms. Moneth?" tanong ko.

"Ahh nasa gym kinakausap ang mga vampire's" wika ni Ms. Jocelyn.

"Aum ma'am nauuhaw po ako." giit ko kaya agad siyang tumayo mula sa pag kakaupo at may kinuha sa bag niya.

"Ito dugo ng tao ang inumin mo para mabilis bumalik ang lakas mo." giit ni Ms. Jocelyn at inabot sakin ang isang bote, agad ko naman ininom to.

"Kamusta na po pala si ma'am sumilang?" Tanong ko.

"Hanggang ngayon wala parin siyang malay." malungkot na wika ni Ms. Jocelyn.

"Kailangan ko ng mag pakilala." seryoso kong sabi at piniga ang boteng walang laman.

"Sige babantayan ko lang muna to si Ms. Rachel mo." wika ni Ms. Jocelyn tumango lang ako tsaka umalis na sa hinihigaan ko.

Lumabas ako ng clinic at bumaba sa gym nakita ko si Mr. Gerald na tulala kaya sumigaw ako.

"GERALD!" sigaw ko kaya napatingin silang lahat sakin.

"Walang modo na bata. Patayin siya." utos ni Ms. Gina pero hindi ko na iyon pinansin. Ang buong atensyon ko ay na kay Sir Gerald. He almost killed my teacher. He will pay for that! Malalim ang bawat pag hinga ko at ramdam ko ang pag kirot ng pulsuhan ko. Pinikit ko ang mata ko at pinakawalan ang hininga ko.

"DIE!" seryoso kong sabi at mabilis na nilapitan siya. Agad ko siyang nasakal kaya hindi na siya makahinga.

"S-sir G-gerald!" may lalapit sana samin ng masama ko itong tinignan. Kita sa mata ni Cortes ang pag ka bigla ng makita niya ang mga mata ko. Tumingin siya sa pulsuhan ko at batid kong nakita na niya ang marka ng isang dugong bughaw.

"Isa ka sa mga Roses." rinig kong sabi ni Ms. Gina kaya tinuon ko ulit ang atensyon ko kay Mr. Gerald.

(AT THE CLINIC).

JOCELYN'S POV.

Nagising na si chel at una niyang hinanap ay si Amy.

"Nasaan si Amy?" tanong ni chel.

"Nasa gym siya mukha nga siyang galit na galit eh." wika ko. Tsaka ko nalang narealize ang sinabi ko kaya agad akong napatayo sa inuupuan ko. Shit kawawa si Gerald!

"Hindi..mukhang sasaktan niya si gerald..tara bumaba na tayo." tinanguan ko siya atsaka inalalayang tumayo.

(At the gym)

Amy's POV

"Muntikan mo ng mapatay si Ma'am sumilang!" Galit kong sabi.

"Princesa patawad po. P-patawarin niyo p-po ako." nag mamakaawang wika ni Mr. Gerald na ikinangisi ko.

"Patawad? Walang kapatawaran ang ginawa mo!" sigaw ko sa kaniya at mas diniin ang pag kakasakal ko sa kaniya.

"Amy itigil mo yan." wika ni Ms. Moneth.

"Ma'am alam mo na siya ang may dahilan kung bakit muntikan ng mamatay si ma'am sumilang." Giit ko.

"Tama na Amy maayos na ang pakiramdam ko." nanlaki ang mata ko at agad na lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Ms. Rachel na nasa tabi ni Ms. Moneth.

The Vampire Princess | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon