Chapter 11

2.7K 72 1
                                    

Amy's POV.

Nandito ako ngayon sa upuan. San paba sa tingin mo? Ito na nga. Matatapos na ang oras ng school. Ang daming nangyari ngayong araw siguro dapat mag pahinga muna ako.

Tinaas ko ang kamay ko at tumayo . "Ma'am I think I am not feeling well.  Can I go home?" Tanong ko. Tumango lang ang teacher namin. Kaya dinala ko na ang bag ko at kinuha ko sa kaniya ang papel para palabasin ako sa school na to. Nang makababa na ako sa building, nakita ko agad si manong noel. Agad siyang lumapit sakin ng pakiramdam ko ay matutumba na ako. Isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya at hinawakan ako sa kamay.

"Salamat manong noel. Uwi mo na ako sa bahay. Hindi ko na kaya. Baka masuka pa ako." Wika ko sabay lakad patungo sa kotse namin at natulong muna sa backseat.

Mae's POV

Papunta na ako sa next na classroom na tuturuan ko ng makita ko si Amy na nanghihina. Lalapit sana ako ng makita ko ang isang matandang lalake na papalapit sa kaniya. Pansin kong matutumba na sana si Amy ng biglang lumapit ng isang iglap ang lalake at hinawakan sa kamay si amy.

Nakita ba yon ni Amy? Bampira ba ang lalaking yun? Tanong ko sa utak ko.

"Salamat manong noel. Uwi mo na ako sa bahay. Di ko na kaya. Baka masuka pa ako." Wika ni amy at nag lakad patungo sa kotse nila at sa huling pag kakataon nakita kong mahimbing na siyang natutulog.

Amy's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Ang totoo niyan,di talaga ako nahihilo . Pagod lang siguro ako dahil sa pag papanggap ko. Matawagan nga sila, tutal matagal pa ang oras.

"Amy kamusta na?" Bungad sakin ni Mary

"Ito buhay parin." Wika ko tumawa lang siya tsaka tinawag si Yuki.

"Yuki! Si Amy oh...open siya ngayon dali!" Sigaw ni mary kaya agad na dumating si Yuki.

"Owww Amy musta naa!!!! Long time no See." Bungad sakin ni Yuki kaya natawa nalang ako.

"Ito miss ko na kayo. The fudge, ang daming ganap sa mortal and immortal dito sa school namin." Wika ko. Nasiyahan naman ako ng makita kong sumali si Tita Pia sa VC namin

"Do you mean my mga vampires din sa school mo?" Tanong ni Mary kaya tumango ako.

"Teka nasaan yung dalawang ibon?" Tanong ko sa kanila.

"You already know that." Wika ni Tita  Pia. Kaya na gulat ako.

"Do you mean.."

"Yes." Giit nina Mary at Yuki.

"Change topic. Kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Meron ng manliligaw si Ms. Pia." Sabay na sabi nina Mary at Yuki kaya nagulat ako at si Tita Pia naman ay namula na parang kamatis.

The Vampire Princess | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon