Chapter 16

1.4K 32 0
                                    

"WHAT HAPPENED to both of you? Umagang-umaga ay tila bad mood na kaagad kayo," Azumi asked to Yumi and Fumi nang mapansin niya na tila naiinis sa di niya alam na kadahilanan. Naabutan niya ang mga ito sa hapag na ganun na ang mga itsura. Ni hindi nga nila magawang makakain ng maayos dahil dito. Naawa nga siya sa pagkain ng dalawa dahil tadtad na iyon ng hawak ng mga itong kubyertos.

Umupo na siya sa tabi ni Yumi at nag simula nang kumain. Madami siyang gagawin sa araw na ito kaya dapat umaga palang ay busog na siya.

"Sino ba ang hindi maba-badtrip. Ayaw ko ngang mapabilang sa Royal Knight Class tapos mababalitaan nalang namin na inilipat na pala kami sa bwesit na section na iyon."

Ramdam niya ang pagka-inis ni Yumi habang nagsasalita ito. Si Fumi naman nanatiling tahimik pero anumang oras ay sasabog na ito.

"Kung hindi niyo gusto, uso namin tumanggi," aniya habang patuloy sa pagsubo ng pagkain na niluto nilang tatlo. It's just a usual breakfast with fried rice, egg, bacon and more.

"Az, magrereklamo pa ba kami kung kaya namin iyang gawin?"

"Hey, relax," pagpapakalma niya kay Yumi dahil tila nabunton nito sa kaniya ang inis nito. "Bat dinadamay niyo ako sa init ng ulo niyo?"

Nagdabog pa ito sa sobrang inis. "Kung hindi lang talaga kay Headmaster, mananatili ako sa section natin."

"Is that section so bad?" Curious niyang tanong sa dalawa.

Hindi niya lang ma gets kung bakit ayaw nila. Kasi ang alam niya ang Royal Knight Class ang pinaka-goal ng lahat ng estudyante rito. So why?

"Sobra."

"Super."

Agarang sagot ng dalawa.

"Baka pwede mo kaming tulungan Az. Diba assistant ka ni Supremo. Baka pwede niya kaming ilakad kay Headmaster."

Inirapan niya ito dahil alam niyang sobrang impossible ang gusto nitong mangyari. "As if naman tutulong iyon sa atin," aniya. "At isa pa, parehas lang naman tayo ng kapalaran."

"What do you mean?" Fumi asked.

"We are still classmate," aniya. "I am also re-assigned to that section."

Natutop ng dalawa ang kanilang mga labi. Gulat na gulat ito sa kaniyang sinabi.

"Hindi nga? Hindi ka nagsisinungaling?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fumi.

"Sus! Pinapagaan mo lang ang loob namin eh," Yumi said. She's obviously telling her that she's lying at them. "Az, napaka-imposible iyang sinasabi mo."

"I'm not lying okay," aniya.

"Ows. Seryoso? Mamatay man?"

Mahina nalang siya ng marinig iyon kay Fumi. Grabe ba.

Para hindi na ang mga ito magduda ay ipinakita nalang niya sa mga ito ang badge na binigay sa kaniya ni Supremo. This golden badge represent the class they belong.

Shock and dumfounded. Nakakagulat para kina Fumi at Yumi ang malaman nilang mapabilang ito sa Royal Knight Class. Yes, they know how strong Azumi is base on her summoned beast, but this is still impossible.

Ang pagkakaalam kasi nila ay impossible itong mangyari lalo na sa katulad nitong transferee. Kahit gaano man kagaling ang isang estudyante, the academy still requires every student to takes one step at a time process. Literal na walang short cut dahil kailangan muna nilang lahat na magkaroon ng at least one year na residency.

Azumi is really exceptional.

Ito ang kauna-unahang estudyante dito sa Academy na naging Royal Knight kaagad. Sila kasing dalawa ay nagsimula muna sa pinakababa na klase hanggang sa unti-unti ay tumataas ang kanilang level. And it took them 2 years to finally become a Royal Knight but Azumi, she did it in just two weeks. Even Supremo and the other Princes takes one year before they reach the level of the Royal Knight.

Goddess In Disguise (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon